Chapter 6.
Falling...Pag gising ko agad tumambad ang nakakasinag na liwanag dahilan para mapa pikit ako ulit ng maidilat ko na ng husto yung mata ko inilibot ko yung paningin ko sa strangherong silid.
Nakita kong may nakakabit sakin na kung ano ano. Kaya nalaman kong nasa hospital ako. Hindi ko maigalaw yung katawan ko. Pati ang ulo ko. Tanging mata ko lang ang naigagalaw ko.
"Nikola?" Napatingin ako sa direksyon na may narinig akong pamilyar na boses. "Nikola, gising kana!" Masayang sabi nito na halata ang saya at di siya mapakali, hindi niya alam yung gagawin niya.
"Doc! Nurse! Doc! Gising na si Nikola!" Hiyaw ni Fermi. Napangiti naman ako sa inaasta niya. I miss her.
Ilang araw ba akong tulog? Anong nangyare pano akong napunta dito? Ang huli kong naalala ay yung biglang bumukas yung pinto yun lang sino nagligtas sakin?
Andami kong gustong itanong ngunit di ako makapagsalita. Hinang hina parin yung katawan ko.
"Nikola? Anong nararamdaman mo? May masakit paba? Kamusta kana?" Sunod sunod na tanong niya habang hinahaplos haplos yung buhok ko.
Pagkatapos akong icheck ng doctor, biglang pumasok si Dart at lumapit sakin. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pag aalala. Hindi ko maitago ang saya na nakita ko siya. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Gustong gusto ko siyang yakapin pero diko magawa.
"How are you?" He said softly. His face look like a mess his hair are messy. Parang wala siyang tulog but at the same he's still look good. Ang sarap titigan ng muka niya. Gusto kong salatin yung muka niya. But I can't. God, what happened to me?
Ano ba 'tong nararamdaman ko.
"May masakit paba sayo?" Tanong niya ulit.
"Nagugutom ako." Yan lang yung nasabi ko. Hindi ko masabi na namiss ko siya.
Agad niyang kinuha yung paper bag sa lamesa tyaka inalabas yung laman na 'yon.
Umupo siya sa tabi ko tyaka sinubuan ako ng lugaw.
"Anong nangyare?" Tanong ko sakaniya.
"Magpalakas ka muna." He said.
Tumango ako bilang sagot. Siya ba ang nagligtas sakin?
Nasan sila tita? Si Naccy? Anong nangyare sakanila? Pano akong nakalabas ng kwartong 'yon?
"Magpahinga kana." Sabi niya ng matapos niya akong pakainin. Ayokong umalis siya, natatakot na akong mag isa. Ayoko ng mag isa. Baka may mangyare nanaman.
"Don't worry, walang mangyayareng masama. I'll protect you." Napaawang ako sa sinabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko sa pagkakasama niya non.
"Don't leave. Stay here. Please?" I said habang hawak hawak ko yung braso niya.
Tumango siya at naupo sa sofa habang nakatitig sakin at ganon din ako sakaniya.
"Sleep." Sabi niya habang papalapit ng papalapit sakin. Kinumutan niya ako at hinimas yung ulo ko. "Mag palakas kana." Tumango ako bilang sagot. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko sakaniya. Bumibilis yung tibok ng puso ko kapag malapit siya sakin. I feel safe when his here beside me.
"Pag gising ko anjan kaparin ba?" Takot kong tanong. Ayokong umalis siya. Natatakot ako.
"Yes" the he smile at me.
Pag gising ko ay andito parin nga siya hindi niya ako iniwan. Nakahiga siya sa sofa at nakapikit pero hindi siya tulog kasi gumagalaw yung pilik mata niya.
BINABASA MO ANG
My first love, is my hero.
General FictionHinding hindi na kita hahayaang maging mag isa. Hinding hindi na kita hahayaang masaktan. Dahil hanggat andito ako, I will make you happy. I will give you a life you never had. Just promise me Nikola, tha you will stay. Be strong. Just be strong N...