Chapter 4: He save me

9 0 0
                                    

Chapter 4.
He save me

Nakita ko si Naccy at Dart, pati narin si Ysa at max.

Kaya ba bigla nalang siyang nawala? Dahil busy siya kay Naccy?

Tss. Bakit ba ako nagkakaganito.

Nagkunwari nalang akong hindi ko sila nakita, tinuon ko nalang yung atensyon ko sa alak. Uminom ako ng uminom hanggang sa malasing ako. I want to forget. I want to relieve the pain that I feel Everyday.

Lumipas ang oras pero andito parin kami sa bar. Ramdam na ramdam ko na yung hilo na dulot ng alak. First time kong uminon na ganito, kay nahihirapan pa ako at naninibago sa pakiramdam ko.

Nagpaalam muna ako na magpapahangin muna sa dalawa para din mag karoon sila ng privacy na mag usap.

Naglakad ako palabas ng bar, tinatabig ko lahat ng tao para makadaan ako. Ang ingay. Gusto ko ng katahimikan saglit. Sumasakit yung ulo ko dahil sa epekto ng alak.

Paglabas ko agad sumalubong sakin ang malamig na simoy ng hangin dulot ng hamog. Kaya naman napayakap ako sa sarili ko.

Nakatingala ako sa langit habang pinanood yung mga butuin. Iniisip ko na isa doon ay sila mommy at daddy na nakatingin sakin.

Nagulat ako ng may biglang humawak sa bewang ko laking gulat ko ng hindi ko kilala kung sino ang lalaking nasa harap ko.

Bigla niya akong hinila papunta sa parking lot bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Saan mo ako dadalin. Bitawan mo ako anuba!" Nagpupumiglas ako pero sobrang lakas ng lalaking humihila sakin.

"Anoba! Bitawan mo nga ako! Tulong!" Hiyaw ko bigla akong napadaing sa sakit ng sikmura ko ng bigla niya akong suntukin.

"Manahimik ka" bigla niya akong sinandal sa gilid ng kotse. Naramdam ko nanaman ang takot ng unang nangyare 'to sakin. Nagpupumiglas ako pero hindi ko magawang makawala. Hinahalikan niya yung kanang leeg ko pero pilit ko tong iniwas. Hanggang sa tumulo yung luha ko sa takot.

"Please wag" sabi ko habang umiiyak.

"Wag ka ngang maingay! Saglit lang 'to" sabi ng lalaking nasa harap ko patuloy parin siya sa paghalik sa leeg ko.

"Tulong!!!!!!" Hiyaw ko ng sobrang lakas. Kaya bigla niya akong sinuntok ulit sa tiyan. Nawalan ako ng lakas sa sobrang sakit halos na duwal ako sa pagkabunsol.

Laking gulat ko ng may biglang humila sa lalaki at pinagsusuntok siya nito.

Humarap sakin ang isang pamilyar na muka na walang iba kung hindi si Dart. Halatang halata sa muka niya ang pagaalala at galit.

Sinuntok niya ng sinutok ang lalaki hanggang sa kusa na itong tumakbo.

"Ayos kalang?" Nagaalalang tanong niya. Bakit ba palagi nalang siyang dumadating pagkailangan ko ng tulong?

Umiilong ako habang umiiyak. Takot na takot. Hindi na 'to una, kung di pangalawa na.

Tinanggal niya yung suot niyang jacket tyaka sinuot yon sakin. Iyak parin ako ng iyak at nanginginig sa takot.

"Stop crying, andito na ako." Hinarap niya ako sakaniya tyaka pinunasan yun luha ko gamit ang kamay niya.

Bakit pagdating sakaniya ay nagiging kumportable ako?

Bakit siya nalang palagi ang nakakapagpatahan sakin?

"Dart?" Napatingin kami sa dereksyon na may tunawag kay dart.

Si Naccy.

"Nikola?" Takang tawag sakin ni Naccy.

"Anong nangyayare dito?" Tanong nita ulit.

My first love, is my hero.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon