Chapter 7: Attorney?

4 1 0
                                    

Chapter 7.
Attorney?

Nag aayos na ako ng gamit kasi maya maya ay dadating na si Dart para sunduin ako. Umalis muna kasi siya saglit para ayusin yung bahay na titirhan ko pansamantala. Hindi sa mansiyon at hindi sa Secret house ko. Ewan ko kung saan yon.

"Nako fren, kaya mo na ba talaga?" Alalang tanong ni Fermi. Kanina pa siya andito para tulungan akong sa pag aayos. Mejo madami narin kasi akong damit dito dahil mejo matagal din ako sa hospital na 'to. Kasama niya si Isaac pero sinama ni Dart para may patulong ewan ko kung saan.

"Oo naman. Hello isang buwan kaya ako dito sa hospital na 'to. Noong isang linggo nga lang ay ayos na ako. Si Dart lang ang makulit." Nilagay ko naman yung ibang mga panjamas sa maleta ko.

"Nako nikola ha? Mukang napo fall kana kay Dart. Kanina nga pansin ko hindi ka makatangin ng diretso sakaniya." Panunukso ni fermi sakin habang tinutupi yung iba kong damit.

Naalala ko nanaman yung nangyari kagabi. Pagkatapos kong sabihin kay Dart na mahal ko siya. Hindi agad siya nakapagsalita. Mahigit yata isang minuto siyang nakatitig sakin tapos tanging ngiti lang ang natanggap ko sakaniya tyaka kinumutan at pinatulog, ano pa nga bang inexpect ko na mahal niya rin ako? Hello. Baka kaibigan lang talaga yung tingin niya sakin kaya ganito siya sakin.

Buntong hininga.

"Wag mo ng isama yan idodonate ko nalang yan dito sa hospital." Sabi ko sakaniya ng isislid niya pa sa bag yung mga t-shirt at iba pang panjama. Sobrang dami kasi halos araw araw ay binibili ako ni Dart ng bagong damit. Sabi ko ay wag na pero laging sinasabi niya na. Hayaan ko nalang daw siya, kaya shut up nalang ako.

Maya maya ay nandito na yung dalawa agad namang yumakap si Fermi kay Isaac  na akala mo ay isang buwang hindi nagkita.

"My gad fermi. Wala pang dalawang oras nawala si Isaac kung yakapin mo naman parang isang taon hindi nagkita." Sabi ko kat Fermi.

"Ang bitter mo Nikola. Mag boyfriend kana rin kasi para alam mo yung pakiramdam. Hindi yung daig mo pa ampalaya jan." Tawang tawa naman siya pero hindi parin siya bumitaw kay Isaac. Rinig kong natawa din si Dart kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Oh bakit?" Dart ask.

"Bakit ka tumatawa jan?"

"Ang bitter mo kasi." Mahinang sabi niya na sakto paramarinig namin na ikinatawa naman ni Fermi at Isaac. Seriously, anong nakakatawa?

"Haha. Iparanas mo na kasi Dart kay Nikola kung pano magka boyfriend wahahaha" aba lokong Isaac na 'to ah? Nag iwas ako ng tingin kay Dart ng maalala ko nanaman yung nangyari kagabi.

Papunta na kami sa kung saan sabi kasi ni Dart na pupunta muna kami kay Attorney Yiam bago kami umuwi. Si Fermi at Isaac naman ay nauna na dahil pupunta daw sila sa Davao para sa isang family party yata ewan ko.

Tahimik lang kami sa byahe ni Dart ng huminti siya sa isang resto.

"Let's eat first." Tinanguan ko naman siya bilang sagot. Nauna siyang lumabas atyaka pinagbuksan naman niya ako ng pinto. Ugh. Gentleman.

"Are you ready?"  He ask. Nagtaka naman ako sa tanong niya.

"For what?" Takang tanong ko.

"Tatanungin kanila ng madaming tanong kailangan mong sagutin lahat yon ng totoo."

Nila? Ibigsabihin marami sila. Tumango nalang ako bilang sagot. Hindi ko alam kung anong nangyayari.

Pagtapos naming kumain ni Dart ay dumiretso na kami sa pupuntahan namin at bumababa kami sa isang building. Pagpasok namin ay agad binati ng guard si Dart. Pati yung mga nakakasalubong namin ay binabati at nginingitian siya na parang kilalang kilala siya ng lahat.

Maya maya ay may lumapit samin na babae na mejo matanda sakin ng mga sampung taon.

"Goodmorning, Attorney Gasser andito napo sa loob ang lahat." Wait, Attorney Gasser?

Tinignan ko si Dart na litong lito. At tanging ngiti lang ang sinagot niya saakin.

Agad akong sinalubong ni Attorney Yiam nakipag shake hands naman ako sakaniya.

"This is Attorney Nelson Huson" turo niya dom sa matandang lalaki na nasa mid 50 na siguro. Nakipag shake hand ako sakaniya.

"This is Attorney Light Gasser, the brother of Dart."  Kapatid? Wow. Para silang copy paste. Inabot niya yung kamay niya sakin at inabot ko naman yon.

"Nice meeting you Ms. Nikola Alva." Preskong sabi niya. Na ikinasama naman ng tingin ni Dart kay Light.

"And this is Attorney Lisa Cruz" turo ni Attorney Yiam pero hindi siya tumayo manlang at ngiti lang ang natanggap ko sakaniya kaya nginitian ko nalang din siya.

"Take a sita hija" sabi ni Attorney Nelson sakin.

"Your Auntie is now under arrested. Pero kailangan pa namin ang side mo para tuluyan na siyang makulong." Panimula ni Attorney Yiam.

"Ito narin ang papeles na magpapatunat na sa'yo na ang lahat ng kayamanan at ari arian ng parent mo. Pero may isa tayong problema, nakatakas si Naccy nangangamba parin kami na baka may gawin na hindi maganda sa'yo yon."

"Teka, attorney. Ano po ba ang nangyare?" I ask. Gulong gulo parin kasi ako sa nangyare.

"Let's talk about ater." Dart said.

Binigay na ni Attorney sakin ang papeles ng ariarian nila mommy at daddy. Sa wakas. Lumapad ang ngiti. Sobrang saya ko. Ang saya saya ko. Di ko maipaliwanag yung nararamdaman ko.

"Dart?" Panimula ko ng nakasakay na kami sa kotse ni Dart.

"Hmm"

"Ano ba talaga ang nangyare?"

Hindi niya ako pinansin patuloy parin siya sa pagmamaneho.

Ilang minuto pa ay nakadating na kami sa strangherong bahay na tutuluyan namin. Malayo iti at puro puno. Satingin ko ay tagong tago ako dito na sinadiya ni Dart.

"Dart!"

Hindi niya ako pinansin patuloy parin siya sa paglalakad.

"Dart wait nga."

Patuloy parin siya sa paglalakad hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay.

"Dart anuba!" Hiyaw ko sakaniya na ikinagulat niya.

"Ano ba kasing nangyare nung mga araw na yon? Ano ba? Bakit ayaw mong sabihin sakin? Bakit itinago mo sakin na Attorney kapala? Bakit mo ba ako laging nililigtas? Bakit mo ba to ginagawa!" Sunod sunod kong tanong. Sasabog na kasi yung utak ko sa mga tanong sa isip ko.

My first love, is my hero.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon