CHAPTER 6

10.4K 247 24
                                    

PINUNO ni Yani ng sariwang hangin ang kanyang dibdib habang nakatanaw siya sa malawak at tila walang katapusang karagatan sa harapan niya. Tulad ng mga nagdaang-araw, sinamahan niya ulit si Tyler nang magpunta ito sa parte ng resort na nire-renovate. Sandali ulit siya nitong iniwan nang makipag-usap ito kay Engineer Salcedo. Halos iyon lang ang kanyang ginagawa bilang assistant ni Tyler sa ngayon. Sa umaga ay sinasamahan niya ito sa resort hanggang tanghali. Pagsapit ng hapon ay babalik sila sa beach house at tutulungan niya ito sa pag-aasikaso ng mga paper works nito na may kinalaman sa isa pa nitong negosyo na nasa Maynila.

Araw-araw ay iyon ang kanilang ginagawa. Akala niya noong una ay maiinip siya dahil hindi siya sanay sa mga ganoong gawain. Hinahanap-hanap ng katawan niya ang paglilinis ng bahay, pagluluto at kung anu-ano pang gawain na nakasanayan niya noon. Pero kalaunan ay natuto na siyang i-enjoy ang kanyang trabaho. Lalo pa at araw-araw ay kasama niya si Tyler. Dahil dito ay hindi siya nakakaramdam ng pagkainip. Sa ilang araw na pagtatrabaho niya rito, masasabi niyang medyo malapit na sila sa isa't-isa. Lalo pa niyang nakikilala ang binata. At sa tuwina ay nadadagdagan ng nadagdagan ang paghangang nararamdaman niya para kay Tyler. Parang hindi empleyado kung ituring siya nito. Hindi lamang siya, nakikita rin niya kung paano nito pakitunguhan sina Ana, Lola Dely at Lolo Tonying. Parang pamilya ang turing ni Tyler sa mga kawaksi at empleyado nito.

"Hey!" Napalingon siya at napangiti ng makita si Tyler. Mukhang tapos na itong makipag-usap sa engineer.

"Sorry, nainip ka ba?" tila nag-aalalangan na tanong nito.

Agad siya umiling. "Hindi naman. Balik na tayo sa beach house?" tanong niya. Pinilit siya nitong alisin ang "po" at "opo" kapag magkausap sila. Ayon dito, pakiramdam daw nito ay ang tanda-tanda nito kapag pino-"po" niya ito.

"Hmm. Mamaya na lang, pasyal muna tayo. Hindi pa kita nalilibot dito sa resort, 'di ba?"

Agad siyang na-excite sa sinabi nito. "Sige," masiglang sabi niya na ikinangiti nito.

"Let's go." Lumapit ito sa kanya at ganoon na lang ang pagkagulat niya ng abutin nito ang kamay niya. Tila balewalang pinaghugpong nito ang mga kamay nila. Iyon ang unang beses na ginawa nito iyon kaya naman hindi niya alam kung paano mag-re-react. Pakiramdam niya ay may maliliit na boltahe ng kuryente ang biglang nanulay sa kamay nito patungo sa kanya.

Napapalunok na napatingin siya kay Tyler. Nais sana niyang bawiin ang kamay mula rito dahil naiilang siya. Alam niya kung gaano kagaspang ang kamay niya, kaya sigurado siyang hindi iyon kaiga-igayang hawakan. Pero nang subukan niyang bawiin ang kamay mula kay Tyler ay hindi siya nito hinayaan. Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya at bahagya pa nito iyong pinisil. Biglang sumikdo ang puso niya. May kung anong mainit na bagay ang dumaloy patungo sa kaibuturan niya.

Nang tingnan niya ito ay huling-huli niya ang maganda at masuyong ngiti nito sa kanya.

"I like the feeling of your hand against mine, so please, 'wag ka ng umapela, okay?" nakangiting pakiusap nito.

"P-pero.. ang gaspang kaya ng kamay ko," nag-iinit ang mukhang sabi niya, habang pilit na sinusupil ang umaahong kilig sa kanyang puso.

Nagkibit-balikat ito. "Eh, ano? I don't care. I still liked it." Bahagya pa ulit nitong pinisil ang kamay niya, pagkatapos ay masuyong nginitian na naman siya. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi para supilin ang kanyang ngiti. Dahan-dahan siyang napahinga ng malalim para kalmahin ang nagwawala niyang puso dahil sa sobrang kilig.

"ANO'NG iniisip mo?" tanong ni Yani kay Tyler nang mapansin niyang bigla itong nahulog sa malalim na isipin. Magkatabi na silang nakaupo sa may buhanginan at nakatingin sa karagatan nang mapagod sila sa kakaikot sa paligid ng resort.

Cinderella And Her Mr. Right (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon