CHAPTER 5

8.8K 196 8
                                    

"GOOD MORNING!" Napapitlag si Yani nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Bahagya pa siyang napaso sa kapeng iniinom niya. Agad niya iyong inilapag sa kitchen counter at hinarap si Tyler.

Tulad no'ng una niya itong makita ay hindi na naman niya napigilan ang sandaling mapatulala dito. Sa lahat yata ng oras at panahon ay guwapo ito. Kahit bagong gising at bahagya pang magulo ang buhok ay mukha pa rin itong fresh. Mukha itong anghel na napadpad sa lupa.

"G-good morning, ho, Sir," nauutal pa na bati niya rito. Ngalingaling hagurin niya ang kanyang buhok. Noon lamang niya naalalang hindi pa nga pala siya nagsusuklay. Maaga siyang nagising dahil iyon na ang nakasanayan niya. Sa bahay ng tiyahin niya, pagkagising niya, kahit wala pang hila-hilamos at suklay-suklay, dumidiretso na siya sa kusina para ipaghanda ang mga ito ng almusal. Pagkatapos niyon ay maglilinis na siya ng loob at labas ng bahay.

"Ang aga mo, ah. Where are Manang Dely and Ana?" tanong nito habang naglalakad patungo sa ref. Kumuha ito ng pitcher ng tubig doon. Nang mapansin niyang wala itong baso ay agad siyang kumilos para bigyan ito.

"Thanks," anito. Tumango lang siya at bahagya ulit lumayo rito.

"Natutulog pa po sila. Ahm.. gusto niyo ho ba ng kape?"

"Sure." Pagkarinig sa sinabi nito ay agad niya itong tinalikuran para itimpla ito ng kape. Naramdaman niya ang pagkilos nito at pag-upo nito sa isang high stool doon. Medyo naiilang siyang makasarilinan ito pero pilit niyang kinalma ang sarili. Mamaya lang ay magsisimula na siyang magtrabaho dito kaya dapat na niyang sanayin ang kanyang sarili sa presensiya nito.

"Gusto niyo na rin ho bang mag-almusal? Ipagluluto ko na ho kayo." Pumihit siya para harapin ito at iabot dito ang kape nito.

Marahang umiling ito habang inaabot ang tasa ng kape. "Later na. Hindi pa naman ako nagugutom. Besides, hindi ka katulong dito, hindi mo obligasyong ipagluto ako kahit ako pa ang amo mo. Hindi iyon kasama sa job description mo."

"Ayos lang naman, ho. Wala pa naman ho akong ginagawa."

Matamang tiningnan siya nito. "You're used to it, aren't you?" bigla ay sabi nito.

"Ha?" takang tanong niya ng hindi niya agad naunawaan ang sinabi nito.

"Yang ginagawa mo, nakasanayan mo na. You're used to serving other people. You're used to taking care of them. Gusto kong ipagpatuloy mo 'yan, Yani, pero gusto ko, habang naririto ka, matutuhan mong gumawa ng ibang bagay. Wala ka na sa poder ng tiyahin mo, kaya hindi mo na kailangang obligahin ang sarili mong maging tagasilbi. Walang tao ang maninigaw sa 'yo rito at mananakit kung hindi ka gigising ng maaga at maghahanda ng almusal. I didn't hire you as my helper here, right? I hired you as my personal assistant. So, you don't have to do this thing. Well, you can make me some coffee and prepare breakfast for me sometimes, pero hindi mo kailangang obligahin ang sarili mo. From now on, I want you to get a new life and start a new. Iyon naman ang gusto mo, 'di ba?" malumanay na sabi nito.

Hindi kaagad nakasagot si Yani dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Medyo tinamaan siya sa sinabi ni Tyler. Tama ito. Nakasanayan na niyang maaga magising at pagsilbihan sina Tiya Conchita. Halos kalahati ng buhay niya ay iyon ang kanyang ginagawa. Kaya naman mahirap na iyon alisin sa sistema niya. At kahit ngayon na nasa poder na siya ni Tyler, dala-dala pa rin niya ang nakagawian niya. Pati na rin ang trauma niya kay Tiya Conchita. Kanina, automatic na nagising siya ng alas-singko dahil sa isip niya ay may magbubunganga sa kanya kung hindi siya babangon ng ganoong oras. Pero natural lang naman iyon, hindi ba? Nasa adjustment period pa siya.

Sa kabilang banda, natutuwa siya dahil sa mga sinabi ni Tyler. Alam niya na sinabi nito iyon dahil gusto nitong payapain ang loob niya. Natutuwa siya sa sensitivity nito. Bibihira siyang makakilala ng katulad nito. Kahit mayaman at guwapo ito ay hindi ito mayabang. Hindi rin ito matapobre. Kaya naman kahit alam niyang hindi tama, muling nadagdagan ang pogi points nito sa kanya. Nadagdagan na naman ang paghanga niya rito.

Cinderella And Her Mr. Right (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon