CHAPTER 10

11.8K 236 37
                                    

SUMIKDO ang puso ni Yani ng makitang umibis si Tyler mula sa kotse nito. Kinabahan siya ng makita ang galit at sakit sa mga mata nito. Mabilis na naglakad ito palapit sa kanila ni Robin. Wala sa loob na napatayo siya.

"T-Tyler," kinakabahang sambit niya. Madilim ang mukha nito. Nagulat na lang siya ng bigla nitong haklatin ang braso niya.

"Get it in the car," malamig ang tinig na sabi nito.

"Pare, sandali—"

"Shut up!" marahas na putol nito sa sasabihin ni Robin. Kinabahan siya ng makita ang galit sa mga mata ng binata habang nakatingin ito kay Robin. Tila anumang sandali ay susuntukin na nito ang kaibigan niya. Agad siyang namagitan sa mga ito. Mabilis na kumapit siya sa braso ni Tyler. At humihingi ng paumanhin na tumingin kay Robin.

"Pasensiya na," aniya kay Robin.

"Pasensiya?! Sa kanya ka pa hihingi ng pasensiya?!" bigla ay marahas na sabi ni Tyler na ikinagulat niya. Namumula na ang mukha nito sa sobrang galit.

"Sa 'kin? Hindi ka manlang ba hihingi ng pasensiya? Hindi ka manlang ba hihingi ng sorry? Pinaniwala mo akong kaya ka nakikipag-break sa 'kin ay dahil punong-puno ka ng insecurity. Iyon pala.. hindi mo lang ako maderetso na may iba kang gusto! Na may ibang lalaki kang gustong makasama. Sana sinabi mo na lang agad sa 'kin, Yani. Para hindi na ako mukhang tangang isip ng isip kung paano ko ipapakita at ipapaintindi sa 'yo na hindi importante sa 'kin kung magkaiba man tayo. Na handa akong ipaglaban ka sa kahit kanino dahil mahal kita!"

Natigagal siya hindi lamang dahil sa sinabi nito kundi dahil na rin sa matinding emosyong nakikita niya sa mga mata nito. Kitang-kita niya ang pait at sakit sa mga mata nito sa pag-aakalang niloloko niya ito.

Hindi niya alam kung anong gagawin. Nais niya sanang itama ang maling akala nito ngunit hindi niya alam kung paano iyon gagawin. Galit na galit ito. Tingin niya ay hindi rin nito magagawang pakinggan ang mga paliwanag niya.

"I'm sorry," halos wala sa loob na sabi niya. Huli na ng maisip niya ang indikasyon ng sinabi niya. Lalong sumidhi ang sakit sa mga mata ni Tyler. Bago pa man niya magawang bawiin ang kanyang sinabi ay tinalikuran na siya nito at naglakad patungo sa kotse nito.

"Tyler sandali. Hindi iyon ang ibig kong—" Natigil siya sa akmang pagsunod dito ng maramdaman niya ang pagpigil sa kanya ni Robin.

"Robin, galit siya sa 'kin. Hindi puwede, kailangan kong magpaliwanag."

"Sshh. Hayaan mo muna siya. Galit pa iyon. Hindi ka rin niya magagawang mapakinggan."

"Pero galit siya sa 'kin. Iniisip niyang niloko ko siya. Kailangan kong magpaliwanag," hindi pa ring mapakaling sabi niya.

Kunot-noong tiningnan siya ni Robin. "Akala ko ba, gusto mo ng makipaghiwalay sa kanya? Hindi ba mas magiging madali kung hahayaan mo siya sa iniisip niya?"

Sandaling natigilan siya. Alam niyang may punto ito. Pero..

"H-hindi. Hindi ko pala kaya. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. At mahal rin niya ako, Robin. Narinig mo ba ang sinabi niya? Handa siyang ipaglaban ako. Ako rin.. gusto ko rin siya ipaglaban. Gusto kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya." Pakiramdam niya ay bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob dahil doon. Ngayon na narinig na niya mula kay Tyler na mahal rin siya nito, parang nagkaroon siya ng dahilan para ipaglaban ang pagmamahal niya rito. Aminado siya na mas natakot siyang ituloy ang pakikipag-relasyon dito dahil sa kawalan niya ng assurance mula kay Tyler. Natatakot siya na baka kapag dumating ang puntong maraming tao na ang bumatikos sa relasyon nila, baka bigla siya nitong bitawan. Kaya habang maaga pa, siya na ang kusang bumitaw. Pero ngayon na narinig na niya mula mismo kay Tyler na mahal siya nito at handa itong ipaglaban siya, dagling lumipad ang lahat ng pangamba at takot niya. Wala na siyang ibang gustong gawin ngayon kundi ang ipaalam rin sa binata ang mga nararamdaman niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cinderella And Her Mr. Right (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon