CHAPTER 8

6K 113 2
                                    

"TAMA NA 'to, Tyler. Masyado na 'tong marami," hindi napigilang reklamo ni Yani habang nakasunod siya kay Tyler na abala na naman sa pagtingin-tingin ng mga damit at sapatos sa isang boutique na pinasukan nila. Pang-anim na yatang boutique iyon. Halos hindi na siya magkanda-ugaga sa pagdadala ng mga paper bags na naglalaman ng mga nauna ng pinamili ni Tyler para sa kanya. Hindi pa kasama roon ang mga paper bags na bitbit nito. Ngunit parang wala pa ring balak ang binata na tumigil sa kaka-shopping ng mga gamit para sa kanya. Labis-labis na siyang nahihiya rito. Ang dami na nitong pinamili para sa kanya at lahat ng iyon ay hindi lamang basta-basta ang presyo.

Tila wala namang narinig si Tyler. Nagpatuloy lang ito sa pag-tingin-tingin sa mga naka-hanger na dress doon. Maya't-maya ay inalaladlad iyon, tapos titingin sa kanya na tila tinitingnan kung kakasya sa kanya, kapag nagustuhan ay agad na nito iyong iaabot sa sales lady na nakasunod sa kanila. Ni hindi manlang nito tinitingnan ang presyo ng mga kinukuha nito. Kuha lang ito ng kuha.

Huminga siya ng malalim. Nang akmang may iaabot na naman ito sa sales lady ay hinarang na niya ito.

"Tama na, Tyler. Masyado ka ng maraming pinamili para sa 'kin. At saka, hindi naman ako mahilig mag-bestida, baka hindi ko lang masuot ang mga 'yan. Sayang lang," aniya.

Lumapit ito sa kanya at masuyong niyakap siya habang nasa kamay pa rin ang ilang paper bags ng mga shoes na binili nito para sa kanya. Masuyong hinalikan nito ang noo niya, tila walang pakialam sa sales lady na nasa likuran nila.

"It's okay, babe. Hayaan mo na ako. Minsan lang naman 'to. Hmm.. let me make you happy. I want to spoil you," nakangiting sabi ni Tyler. Tila nalusaw sa sobrang saya ang puso niya. Gayunman, para sa kanya, sapat na ang binata para maging masaya siya. Hindi na niya kailangan ang mga material na bagay na binibigay nito para maging maligaya siya. Pakiramdam niya kasi ay nasasamantala niya ito kung hahayaan niya itong ipagpatuloy ang pagbibigay sa kanya ng mga mamahaling gamit.

Huminga siya ng malalim at tinitigan si Tyler. "Hindi mo na kailangan gawin 'to. Hindi mo na ako kailangan bilhan ng kung anu-ano para mapasaya ako. Masaya na ako na kasama kita, Tyler. Sapat ka na para maging lubos na masaya ako," buong pagmamahal na sabi niya.

Mukhang naantig naman ito sa sinabi niya. Lumarawan ang kasiyahan sa mukha nito. Mabilis na ginawaran siya nito ng masuyong halik sa mga labi. Tila hindi nito alintana ang mga impit na tili at tila kinikilig na tinig ng mga sales lady na nakakasaksi sa ka-cheesy-han nila.

Siya man ay kinikilig din. Nais niya sanang sabihin kay Tyler kung gaano niya ito kamahal, ngunit nagpigil siya. Natatakot kasi siya na baka hindi niya marinig ang gusto niyang tugon mula rito. Alam niyang masasaktan siya kapag nangyari iyon. Kahit ayaw niya, hindi niya mapigigilan ang sariling magtampo kay Tyler. Madidismaya lang ulit siya. Hindi niya gustong mangyari iyon. Ayaw niyang masira ang masaya at magandang sandaling iyon. Saka na niya sasabihin kay Tyler ang tungkol sa nararamdaman niya kapag sigurado na siyang mahal na rin siya nito.

Marahan siyang kumalas sa pagkakayakap ni Tyler.

"Lika na," nakangiting yakag niya rito.

"All right." Inakbayan siya nito, pagkatapos ay binalingan na nito ang sales lady na may hawak ng mga bestidang napili nito. Hindi na niya ito nagawang maawat na bilhin ang mga iyon dahil kanina pa nito iyon napabayaran sa sales lady.

Bago umuwi ay dumaan muna sila sa isang fine dining restaurant para maghapunan.

NAGISING si Yani ng maramdaman niyang may humahalik sa kanya. Pagmulat niya ay hindi na siya nagulat ng makita si Tyler. Nakaupo ito sa gilid ng kama niya at nakayuko sa kanya. Magmula ng magbago ang relasyon nila ay nakasanayan na siya nitong gisingin sa pamamagitan ng halik. Hindi naman siya nagrereklamo. Tyler was a perfect gentleman. May tiwala siya rito. Ni minsan ay hindi naman ito nag-take advantage sa kanya kahit malaya itong nakakapasok sa kanyang silid. Tila kontento na ito sa paghalik-halik sa kanya.

Napangiti siya kahit bahagya pa siyang inaantok.

"Morning," bati niya rito.

Dinampian muna ni Tyler ng magaang halik ang labi niya bago ito sumagot.

"Good morning, too. Bangon ka na. May pupuntahan tayo," anito.

Sandaling kinusot niya ang kanyang mga mata bago niya ito takang tiningnan.

"Saan tayo pupunta? Sa office?" tanong niya. Napansin niya na nitong mga nagdaang-araw ay hindi na ito tumutungo sa opisina ng hotel. Nagpunta lang ito doon noong unang araw nila sa lungsod. Nang mga sumunod na araw ay pulos paglalakwatsa lang ang ginawa nila. Matatapos na ang isang linggong pananatili nila doon pero mukhang wala naman itong planong asikasuhin ang sinabi nito noon na aasikasuhin daw nito sa hotel na siyang dahilan kaya sila napaluwas ng Maynila.

"Nope. It's a surprise, kaya bangon ka na," anito.

Hindi siya agad tumalima. Matamang tiningnan muna niya ito. "Okay, pero bago 'yon, may itatanong muna ako sa 'yo."

"Ano 'yon?"

"Bakit hindi na tayo pumupunta sa office mo rito? Akala ko ba may aasikasuhin kang importante dito sa Hotel niyo?"

Sandaling hindi ito sumagot. Mayamaya ay unti-unting sumilay ang tila nag-aalangang ngiti sa mga labi nito. Bahagya pa itong napakamot sa ulo nito.

"Ahm.. magagalit ka ba kung magsasabi ako ng totoo?" nag-aalangang tanong nito.

Kunot-noong bumangon siya. "Bakit? Anong totoo?"

"Wala talaga akong importanteng aasikasuhin dito sa hotel. Maayos ang lahat dito dahil magaling at maasahan iyong pinsan kong pansamantalang pumalit sa puwesto ko. Ano.. ang totoo, alibi ko lang 'yon. Alam ko kasing hindi ka papayag kung isasama lang kita rito para ipasyal. Sorry.." hinging paumanhin nito. Nabakas pa niya ang guilt sa mga mata nito.

Napabuntong-hininga siya. Kahit gustuhin niyang magalit sa pagsisinungaling nito, hindi naman niya magawa. Napaka-cute nito. Para itong bata na nahuli na gumagawa ng kalokohan. Dahil doon ay tuluyan na niyang kinalimutan ang panglalansing nito sa kanya. Isa pa, hindi naman masama ang intensyon nito. Alam niyang ginawa nito iyon dahil gusto lang siya nitong pasayahin. Napakabait at napakamaalalahanin talaga nito. Paano pa siya magagalit dito?

Marahan siyang lumapit kay Tyler at masuyong hinaplos ang pisngi nito. "'Wag ka ng mag-sorry, ayos lang 'yon. Ginawa mo lang naman iyon para pasayahin ako, 'di ba?" aniya.

Tumango ito. "Yes."

Napangiti na siya. Dagling umahon ang tuwa at kilig sa puso niya. Yumakap siya rito.

"Thank you, Tyler." Pagkasabi niyon ay siya na ang kusang umabot sa mga labi nito.

"WE'RE HERE," ani Tyler nang huminto sa harap ng isang eskuwelahan ang kotse nito. Takang napadungaw si Yani sa labas ng bintana ng sasakyan.

Saint Luis University, basa niya sa malaking naka-arkong pangalan sa itaas na bahagi ng malaking gate ng eskuwelahan. Mula sa labas ng gate ay natanaw niya ang mahabang pathway patungo sa isang napakalaking building. Sa magkabilang-gilid ng pathway ay kitang-kita niya ang malawak na field na natataniman ng animo Bermuda grass at ilang sementadong benches. Halos hindi niya mapaniwalaan na may ganoon kalaking eskwelahan. Sa loob pa lang ay napakalawak na. Hindi pa kasama ang parking lot kung saan naka-park ang kotse ni Tyler. Kung hindi lang niya nakikita ang maraming estudyante na naglalabas-masok sa gate ay hindi niya iisiping eskuwelahan iyon. Para iyong napakalaking palasyo.

"Hey!" untag sa kanya ni Tyler. Nagulat pa siya ng makitang nasa harap na niya ito. Bukas na ang pinto sa side niya at nakadukwang na ito sa kanya.

"Come on," marahang utos pa nito. Inilahad pa nito ang kamay nito sa harap niya. Tiningnan lamang niya iyon, pagkuway binalingan niya ulit ito.

"Ano bang gagawin natin dito?" takang tanong niya. May ideyang umuukilkil sa isip niya pero pilit niya iyong pinapalis.

"Mag-i-inquire. Di ba gusto mong mag-aral ulit? Dito ako nag-aral mula high school hanggang college. Pati na rin ang mga kuya ko. Maganda ang kalidad ng edukasyon dito. Kung maghahanap ka ng school, magandang isama ito sa mga pagpipilian mo. Come on. Let's get inside. Kakilala ko ang isa sa may-ari nito, kaya puwede tayong pumasok. Ililibot kita sa loob ng school. Tingnan mo kung magugustuhan mo. Magaganda ang mga facilities at classrooms nila rito," dere-deretsong sabi nito. Punong-puno ng pagmamalaki at excitement ang tinig

Cinderella And Her Mr. Right (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon