CHAPTER THREE

10.2K 167 8
                                    

TINATAMAD na sumandal si Tyler sa backrest ng sofa pagkatapos niyang patayin ang power ng kanyang laptop. Kakatapos lamang niyang makipag-usap sa pinsan niyang si Mark sa skype para sa everyday update nito sa kanya sa nangyayari sa Buena Cleofe Hotel.

Tulad ng mga nagdaang-araw, puros magagandang bagay naman ibinabalita nito sa kanya. Somehow, he felt relieved. Maaasahan talaga ang pinsan niya. Pero habang tumatagal ay parang gusto na niyang mainis. Gusto na niyang makarinig ng bad news mula rito ng sa gayon ay magkaroon siya ng rason na bumalik sa Maynila.

It had been one week since he arrived in Buena Cleofe Resort. On-going pa rin ang renovation ng mga cottage at some amenities doon. Araw-araw ay chi-ne-check niya ang nangyayari sa re-construction doon. Pagkatapos niyang mag-supervise ay pupunta naman siya sa beach house kung saan naroon ang pansamantalang opisina niya para asikasuhin ang mga trabaho niya na ini-email sa kanya ni Mark.

Right, araw-araw ay iyon ang kanyang ginagawa. It became a routine. And as days gone by, he couldn't help but feel bored. Hindi siya sanay nang ganoon. Ni hindi siya makalabas ng resort para mag-chill out dahil wala siyang alam na lugar doon na maaari niyang pagpalipasan ng oras. Noong magpunta siya sa kabisera ay wala siyang nakitang magandang bar o di kaya naman mall na puwede niyang pasyalan. That was the main reason why he didn't want to stay there. Wala siyang mapaglibangan roon.

Mukhang napag-iwanan na ng panahon ang Baryo Masayahin—ang lugar kung saan located ang Buena Cleofe resort. Hindi na siya nagtataka kung bakit dinagsa ng pagkarami-raming aplikante ang resort noong unang beses silang magpalathala ng job fair doon noong nakaraang-araw. Mabuti na lang at may mga tauhan siyang nahiram mula sa HR ng Hotel nila sa Maynila para mag-accommodate sa mga aplikante. Kung sakaling mag-isa lamang siya ay hindi niya iyon kakayanin.

Parang nakakita ng minahan ang mga tao roon at nauunawaan naman niya kung bakit. Wala naman kasing masasabing malalaking kompanya, negosyo o establisyemento ang nakatayo doon. Walang oportunidad na nakalatag para sa mga tao. Kaya marahil uhaw ang mga ito sa trabaho at oportunidad. Hindi niya alam kung paanong nabubuhay ang mga tao doon. He wondered how they earned money.

Ah, right. There's a lot of bukirin. May dagat din. Iyon na marahil ang masasabing ikinabubuhay ng mga tao roon, ang pagsasaka at pangingisda.

He nodded at the thought. Hindi naman pala hopeless ang mga tao doon. Pero para sa isang tulad niyang negosyante at mahilig sa malalaking oportunidad, hindi niya maiwasang maawa sa mga tao doon. Sigurado siyang hindi nakikita ng mga tao sa Baryo Masayahin kung gaano kalaki ang mundo sa labas ng lugar ng mga ito.

Napabuntong-hininga siya. Somehow, he felt happy dahil sa muling pagbubukas ng Buena Cleofe resort. Nakakapagbigay sila ng trabaho sa mga tao sa Baryo Masayahin. But the businessman inside of him was screaming a protest. Hindi kasi magandang lokasyon ang Baryo Masayahin para sa Buena Cleofe resort. Isa iyon sa dahilan kaya tinangka niyang magprotesta noon nang imungkahi ng kanyang papa na muling buksan iyon at pamahalaan niya. Duda siya kung makikilala iyon bilang tourist spot sa pilipinas. May tiwala siya sa ganda ng resort, pero sa lokasyon ay wala. Aanhin niya ang magandang resort kung hindi naman iyon dadayuhin ng tao? Ni hindi nga yata nag-e-exist sa mapa ng Pilipinas ang Baryo Masayahin.

Nahilot niya ang kanyang sentido dahil sa isiping iyon. Ilang araw na siyang nag-iisip ng magandang marketing strategy para makilala ang Buena Cleofe resort. Pero dahil nabo-bore siya, halos hindi gumagana ang isip niya. Iyon ang dahilan kaya gusto niyang bumalik muna sa Maynila. Baka sakaling kapag naroroon siya ay makapag-isip na siya ng tama.

Pero hindi naman siya puwedeng umalis na lang basta dahil maya't-maya ay tinatawagan siya ng Mama niya para i-update ito sa nangyayaring renovation ng resort.

Cinderella And Her Mr. Right (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon