CHAPTER 7

6.1K 136 12
                                    

KINABUKASAN, napangiti si Yani pagmulat ng kanyang mga mata. Hindi niya alintana ang nakakasilaw na liwanag na tumatagos sa glass window ng silid na kinaroroonan niya. Tinamatamad pa siyang bumangon. Gusto pa niyang magbabad sa higaan at muling alalahanin ang magandang panaginip niya. Gusto niyang i-rewind iyon ng paulit-ulit sa isip niya. Sa panaginip niya, matapos daw niyang nakawan ng halik sa pisngi si Tyler ay sinundan siya nito sa kanyang silid at ginantihan siya ng halik.. pero hindi sa pisngi kundi sa lips. Kahit alam niyang panaginip lang iyon, kinikilig pa rin siya. Parang totoong-totoo iyon. Tila nararamdaman pa niya ang malambot na mga labi ni Tyler. Kaya kahit panaginip lang iyon, masaya na siya.

Sandali pang pumikit si Yani at muling inaalala ang kanyang magandang panaginip. Nang magsawa ay nagpasya na siyang bumangon at nagtungo sa banyo na kanugnog lamang din ng silid upang mag-sepilyo at maghilamos. Pagkatapos ay lumabas na siya ng silid. Nagtuloy siya sa kusina para sana uminom ng tubig pero nagulat siya ng maabutan niya roon si Tyler. Nakaharap sa kalan at abalang-abala sa pagluluto.

Hinayaan niya ang sariling pagmasdan ito sandali bago niya ipaalam dito ang kanyang presensiya. Boxer shorts lang at sandong kulay puti na napapatungan ng apron ang suot nito. Dahil doon ay malaya niyang nakikita ang magandang pangangatawan nito. Si Tyler na yata ang perpektong halimbawa ng sexy na lalaki. Pakiramdam niya ay napupuno ng antisipasyon ang puso niya habang pinagmamasdan niya ang kabuuan nito. Tunay na na kay Tyler na talaga ang lahat. Kaguwapuhan, ka-macho-han, kayamanan, kabutihan ng loob at kasipagan. Napakasuwerte ng babaeng mamahalin nito. Ito na yata ang perpektong halimbawa ni Mr. Right. Parang walang mali sa katauhan nito.

"Hey! Gising ka na pala." Bahagya pa siyang napakislot ng marinig ang masiglang tinig ni Tyler. Hindi niya napansin na humarap na pala ito sa kanya.

Napakurap siya saka nakangiting tinanguan ito. "Oo. Good morning." Tumayo siya ng tuwid, pagkatapos ay tinungo niya ang refrigerator para kumuha sana ng tubig. Pero naudlot iyon ng bigla siyang lapitan ni Tyler at masuyong niyakap saka siya mabilis na ginawaran ng halik sa gilid ng kanyang mga labi. Nahigit niya ang kanyang paghinga sa labis na pagkagulat ng madama ang malambot nitong mga labi sa gilid ng kanyang labi.

"Good morning, too," malambing na bati ni Tyler. Tulalang napatitig siya rito. Damang-dama niya ang pagwawala ng kanyang puso. Hinalikan siya ni Tyler! Sa ilang sandali ay hindi niya malaman ang gagawin. Shocked pa rin siya sa ginawa nito. Bakit siya nito hinalikan?

"I remember that you stole a kiss from me last night. I decided to get it back. Alam mo kasi, ayoko ng ninanakawan ako ng halik. You can kiss me naman if you really want to. Hindi naman ako papalag, Yani," tila naaaliw na sabi nito.

Sandaling napamaang siya rito. Nang maproseso sa isip niya ang sinabi nito ay naitakip niya ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha sa labis na pagkapahiya. Tila nag-aapoy sa sobrang init ang kanyang mga pisngi. Kulang na lang ay hilingin niyang bumuka ang lupa at kainin siya niyon.

"Sorry," nahihiyang sabi niya.

Narinig niyang marahang tumawa si Tyler. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at marahan iyong inalis mula sa pagkakatakip sa mukha niya. Hindi pa rin siya makatingin ng deretso rito.

"Parang ayoko yatang tanggapin ang sorry mo. I like what you did last night. I don't mind you doing it again," nakangiting sabi nito habang kumikislap sa pagkaaliw ang mga matang nakatunghay sa kanya. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito kaya naman napamaang na naman siya rito. Tama ba ang narinig niya? Nagustuhan ba talaga nito ang ginawa niyang kapangahasan ng nagdaang-gabi at ngayon ay binibigyan siya nito ng pahintulot na halikan ulit ito? Pero bakit naman nito gagawin iyon?

Parang tinambol ng pagkalakas-lakas ang dibdib niya ng may hinalang biglang sumagi sa isip niya. Ngunit agad din niya iyong iwinaglit sa kanyang isip. Imposible iyon. Imposibleng magkagusto sa kanya si Tyler. Malinaw pa sa tubig na kaibigan lang ang tingin nito sa kanya. Marahil, ganoon lang talaga si Tyler. Marahil wala lang talaga rito ang hagkan ito sa pisngi ng isang kaibigan.

Cinderella And Her Mr. Right (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon