Ikalawang kabanata: Ang maldita at ang lihim na pagtingin

89 7 3
                                    

Makalipas ang sampong taon ay muling nag krus ang mga landas nina Kupido at Nicole ng minsang napunta sina Kupido at Lucy sa isang misyon na paibigin ang dalawang guro sa Liberty University of Valenzuela –High School oh mas kilala bilang LUV High School paaralan ng ngayon nay dalagang si Nicole. Lumaking magandang dalaga si Nicole, matangkad, maganda at mapupungay ang mga mata matangos ang ilong,malambot at mahaba ang buhok, tamang laki ng hinaharap at balingkinatan ang katawan. Subalit sa kabila ng kagandahang pisikal nito ay lumaki itong masungit, mayabang, mapanlait, spoiled brat at higit sa lahat brain less dahil lumaki itong walang paggabay  mula sa isang ina at hindi rin naman sya naaasikaso ng kanyang ama dahil subsob ito pagpapalago ng kanilang negosyo sa larangan ng konstruksyon. Pagkakita ni Kupido sa dalaga ay agad na namula ang mga malulusog na mga pisngi at animoy tumigil ang mga oras dahil sa sobrang pagkamangha habang ang dalaga naman ay nakatunganga sa bintana.

“Haayyy ang ganda na nya….. wala na ang mga lungkot sa kanyang mga mata.” Wika ng batang anghel habang lumilipad ito gamit ang maliliit na pakpak papalapit sa dalaga.

“Uy! Uy! Uy! Uy! At san ka pupuntang matabang anghel ka! Halika nga dito at may misyon pa tayong gagawin” pambasag ng nagseselos na si Lucy habang hila hila papalayo ang lumilipad na Kupido habang hawak hawak ito sa kanyang salawal.

“Bye Bye Nicole ko!” wika ni Kupido habang hila hila sya ni Lucy papalayo.

Sa loob loob ni Lucy “errrr maharot na batang anghel ka!, bat mo pa kasi nakita ang babaeng yan hmp”. “Tara na tabachoy!”.

Mula noon ay hindi na inalis ni Kupido ang tyansa na makita ang mapanlait na si Nicole, bago at pagkatapos ng kanyang misyon ay hindi nya ito kinakalimutan na dalawin at ito ang naging dahilan ng labis na selos naman ni Lucy.

Sakabilang banda, sa sobrang pangit ng ugali ni Nicole karamihan ng mga babae sa LUV-High School ay kanyang nakakaaway.  Pero sa kabila nito ang mga lalaki ay humaling na humaling parin sakanya dahil sa taglay nitong ganda na mas lalong kinagalit ng mga babae sa paaralan napinangungunahan ng grupong RLS oh Red Lips Society grupo ng mga babaeng magaganda’t mayayaman na ang trade mark ay ang mapupula nilang mga lipstick sa labi na pinangungunahan ni Stephanie. Sila ang nagsilbing kontrabida sa buhay ng kontrabidang si Nicole. Sa dami ng umaapi sa kanya nagkaron naman kahit papaano si Nicole ng kakampi at kaibigan sa katauhan ng kababatang si Tiffany isang bading na kikay, malaki ang pwet at malapad ang balakang, maingay at matalino, na natitiis ang ugali ng kaibigan sa kadahilanang scholar sya ng kompanya nina Nicole at sa takot na mawalan ng scholarship ay kailangan nitong pakisamahan si Nicole.

“Hoy! Maria Nicollete Salcedo sa dinami dami ng lalaking aakitin mo dito sa school bakit Bf ko pa ha! Alam mo bang muntik na kaming magbrake ng dahil sayo!” Mmmm! galit ni Stephanie na sinabayan ng pagsampal na buti’t nasalo ni Tiffany ang kamay nito at hindi natamaan ang papasok sa silid na si Nicole.

“Sorry girls!kung saakin nagkakandarapa ang mga lalaki dito sa school, kung maging mga bf nyo napapalingon sa akin kapag akoy nakikita, abay! Hindi ko na kasalanan! Abutin nyo kasi ang level ng aking ganda mga pangit!” painsultong wika ni Nicole habang papasok ng silid

“Don’t ever! Ever! Touch the skin of my fren dahil si Belo lang si Belo lang ang pwede dito, kayo ha! Mga etchoserang frog kayo na may mapupulang labi, lumevel kasi kayo sa ganda namin para hindi nakoconfuse ang mga jowa nyo!” pagtatanggol ni Tiffany sa kaibigan na sinabayan ng paghagis paibaba ng nasalong kamay ni Stephanie.

Mr. Kupido's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon