Ikaanim na kabanata: Ang malaking kasalanan

57 4 1
                                    

Ang La Union ang itinuturing na Surfing Capital of the North dahil sa naglalakihang mga alon dito at sinabayan narin ng mga beach party na mas lalong nagpakulay sa gabi ng mga bakasyonista at mga turistang pumupunta. Kinaumagahan, pagsikat pa lamang ng araw ay agad na silang nagpunta sa katabing resort upang magrenta at magpaturo kung paano magsurfing. Sa mga sandaling yun ay kakikitaan na ang tabing dagat ng maraming mga turista may mga amerikano, europiano at karamihan ay ang mga koreano na sa kabila ng ilang araw na pagbababad sa araw ay napapanatili parin nila ang mapuputing kutis. Marami naring nagbababad sa tubig dala dala ang kanilang mga salbabida, yung iba ay nagsimula narin na magpaturo at yung iba naman ay kasalukuyan ng nagsusurfing. Madaling natuto ang mga magkakaibigan maliban kay Maxx dahil una palang nya itong pagsabak sa maalong dagat na nakikita nya lamang nuong sya ay isang Kupido. Madalas na nagkakatabi at nag-uusap sina Nicole at Miguel habang nagsusurfing na kinaselos nang matindi ni Maxx na nagdulot ng kanyang pagpupursige na matutong magsurfing para mapansin.

“Aba naman si Maxx gumagaling!Nagpapapansin ka teh?! Ayyyun selos ka sa dalawa ano? sige ituloy mo pa yan suportahan nalang kita kasi ako…enjoy! Papa pano? Pano?kaliwa..kanan…kaliwa”  Pangugulit ni Tiffany na walang pakundangan na  nagsuot ng two piece at tuwang tuwa sa pagpapaturo sa gwapo at machong instructor sa paparating na si Maxx na sinagot naman nito ng pambabasa ng tubig.

“Pwe! Pwe! Bastos! Bruho ka! Tawagin mo kasi si Kupido at humiling na panain nya ang puso ni Nicole para sayo! Binasa pako pasalamat ka yummy ka..kundi.. ay nako!”

Napatitig ang binata kay Tiffany habang napapaisip sa mga sinabi nito, at doon nya napagtanto na mayroon pa syang isang pana na pwedeng gamitin para mapa-ibig ang dalaga. Sa mga sandaling yun ay natuwa naman ang binatang Kupido hanggang maalala nya ang bilin ng Tito Peter nya tungkol sa kanyang natitirang pana.

Pagsapit ng dilim ay mistulang Boracay ang tabing dagat sa dami ng mga turistang nag-iinuman, at nagsasayawan habang kumakanta ang mga banda sa entabladong sinet-up ng resort sa tabi ng beach house nila Nicole. Doble ang dami ng tao kumpara noong umaga dahil pati mga kalapit na residente ay nagpunta upang makipag-inuman at sayawan. Umiwas sa madaming bilang ng tao ang mga magkakaibigan at sa dalampasigan na tapat ng beach house nalang nila piniling mag-inuman. Mistulang bata si Maxx habang tinuturuan itong uminom ng kanyang mga kaibigan na may pagkakataon na masuka suka ito dahil sa unang tikim palang nya ng lasa ng alak. May pagkakataon din na hindi maipinta ang kanyang mukha kapag mataas ang tagay sakanya bilang parusa kapag natatapat sa kanya ang bote at ayaw sumagot sa mga katanungan sa laro nilang truth or consequence. Naging masaya ang magkakaibigan habang naglalaro dahil nahahayag ang pagkakagusto ng dalawang binata kay Nicole at ginagawa nila itong biro. Sa kabilang banda ay tahimik naman na nakikinig ang ligaw na multong si Lucy sa kanilang laro at nag-aantay ng mga sasabihin at maaring maibunyag ni Maxx tungkol sa kanyang sarili dahil sa kalasingan ay pwede nitong masabi na sya ay si Kupido na kalaunan ay nasabi nga ng binata ngunit sa hindi inaasahan ay tinawanan lang ito ng magkakaibigan.

Lumipas ang ilang sandali ay nakatulog ng magkatalikuran sina Tiffany at Miguel sa sobrang kalasingan, habang sina Nicole at ang namumula naring si Maxx ay naiwang nagkukwentuhan.

“Nicole kayo naba ni Miguel? Buong araw kasi kayong magkatabi, magkausap, nagtatawanan at ito nga kanina sa laro sinariwa nyo pa ang mga pangyayari noong kayo’y bata pa” malumanay na panimula ni Maxx habang inaayos ang mga tuyong kahoy na kanyang sisindihan upang magsilbi nilang liwanag.

“ Ha? Hindi ah! Kaibigan ko lang yun! Matagal kasi kaming hindi nagkita kaya madami kami napagkukwentuhan, bakit selos ka? Hahaha! Inamin na saakin ni Tiffany, parehas kayong may gusto saakin hahahaha! Ewan ko ba Maxx sa dinami dami ng nagkakagusto saakin ay wala akong magustuhan ni hindi ko nga alam ang ibig sabihin ng love tsk!” malumanay na tugon ng malditang si Nicole sabay lagok ng alak.

Mr. Kupido's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon