Unang kabanata: Ang tagasundo, Ang kaluluwang ligaw at si Kupido.

293 11 2
                                    

                                                   

Tak! Tak! Tak! Tak! Tak! Tak! Malakas na buhos ng ulan sabay sa pagbuhos ng kalungkutan sa mga taong dumalo sa libing ni Mrs. Salcedo ina ni Nicole isang batang anim na taong gulang. Mababanaag sa mga mukha ng mga dumalo ang lungkot at pighati, labis labis ang pagluha ng pamilya sabay sa huling pagsulyap sa kanyang namayapang katawan.

“Waaahh! Mama ko!  Mama ko! Ibalik nyo ang mama ko!” hinagpis ng batang si Nicole habang buhat buhat ng kanyang ama at hawak hawak ang  kamay ng namayapang ina.

“Tahan na anak, magiging masaya na ang mama mo sa langit at babantayan nya tayo araw araw kaya tahan na anak ha” maluhaluhang sabi ni Mr. Salcedo habang tinatahan ang kanina pang nagluluksang anak.

Nagsimula naring maglagay ng mga bulaklak ang mga dumalong kaanak nina Nicole sa kabaong ng kanyang ina habang tinitignan sa huling pagkakataon ang kanyang mukha. Sa paglipas ng mga minuto ay mas lalo pang lumakas ang pag-uulan na mas nagpalungkot sa aura ng lugar.

Di alintana nina Nicole, kanyang pamilya at iba pang mga dumalo ang batang Kupido na nakaupo sa kabaong  ni Mrs. Salcedo. Isang batang may pakpak, mataba at may kalusugan ang pisngi na animoy masarap kurotin kapag iyong nakita. Nakapalibot sa kanyang katawan ang bow and arrow na kanyang ginagamit upang panain ang mga puso ng mga nag-iibigan. Sya ay napadpad sa lugar upang kunin ang panang nakaturok sa puso ng ina ni Nicole upang itoy magamit na sa iba. Sa pagkakaupo ng matabang anghel at habang binubunot ang pana sa dibdib ng namayapa ay mistulang tulala ito habang nakatitig sa batang si Nicole na hanggang sa ngayon ay tumatangis parin dahil sa pagkawala ng ina. Nang mga sandaling yun ay may kurot na nadama ang batang anghel sa kanyang puso, na hindi naman nya mabatid kung ito ba ay awa oh senyales ng pagmamahal.

Sa isip isip ni Kupido, “ganto ba ang mawalan ng mommy?,wawa naman Nicole, Nicole wag na iyak ikaw si mama mo punta naman langit kaya wag na ikaw lungkot”. “Tahan na, yaan mo hanap ko na lalaki para saiyo para magkita na kayo para ikaw happy na” wika nito sa sarili habang tuluyan ng nakuha ang pakay at nilapitan na si Nicole at pinapatahan. “Bat ganto pakiramdam ko” pagtataka ng batang anghel habang hawak hawak ang puso.

Sa hindi kalayuan ay matyaga naman na nagmamasid sina Mr.Rich at Lucy. Si Mr.Rich ay isang kampon ng kadiliman sya ang mga taga sundo sa mga kaluluwang ligaw, at sa mga taong namatay na masasama. Makapal ang mga kilay, kulot kulot ang mga buhok, mahaba ang baba, manipis ang pangangatawan at laging nakasuot ng maitim na kapa. Si Lucy naman ay isang kaluluwang ligaw na ginawa ng bahay ang sementeryo, namatay nuong kanyang kabataan dahil sya ay ipinaabort ng pokpok na ina. Naging pagala gala sya katulad ng iba, walang derekyon kaya mas minabuti nya ang manatili nalamang sa sementeryo.

“Lucy! Lucy! tignan mo ang hinagpis ng batang si Nicole sa pagkawala ng kanyang ina, hindi ba nakakatuwa bwahahahaha!”. Mas malungkot na mga mukha ay mas masaya, mas may hingpis mas nakakataba sa aking puso hahahaha!” may pagkasademonyong sabi ni Mr. Rich habang nilalapitan ang nuon namay nagmamasid lamang na si Lucy.

“Sino kaba?” usisa ng batang kaluluwang ligaw.

“Diyos me yo kang bata ka, ako ang taga sundo mo hindi mo manlang alam!”

“Aba malay ko po bigla bigla nalang kayong sumusulpot sa likod ko”

“Arrggghhh bata ka, ako si Mr. Rich N. Peace, Mr. Rich for short ako ang mga taga sundo ng mga kagaya mong kaluluwang ligaw, pero hindi pa kita susunduin!dahil mayroon akong ipapakilala saiyo hahahahah! Nakikita mo yung batang anghel na nagpapakalma sa luhaang bata, sya si Kupido hindi ba ang cute! Hehehe! Ano ha! Ano sa tingin mo?” pangit na pagpapakilala ng tagasundo habang sabay na tinuturo ang batang anghel.

Sa pagkakaturo ng patpating tagasundo kay Kupido ay sya namang pagsunod ng mata ni Lucy at animoy na love at 1st sight ang batang ligaw na kaluluwa, bumagal ang oras at nakangiti itong pinagmamasdan ang matabang Kupido.

“Ops tama na muna yang pagtitig na mga ganyan bata kapa!. Ito ang unang misyon mo bilang kapalit ng hindi ko pagsundo sayo, samahan mo lang sya sa pang araw araw, ganun kasimple, hindi naman mahirap diba? Bwahahahaha!”. Alam ko din naman na gusto mong maging tao upang maranasan ang pagmamahal ng isang ina at mayroon akong paraan para doon. Sa pagsama mo kay Kupido ay linlangin mo sya, udyukan mo syang maging tao at magkasala bilang tao, pagkatapos noon ay ang iyong kaluluwang ligaw ay magkakaroon ng katawang tao hahahahaha!”.

Sa pagkakataon na yun ay tango nalang ang naisagot ni Lucy na sinabayan ng matatamis na ngiti at napakamot nalang ng ulo si Mr. Rich habang unti unti itong naglaho.

Makalipas ang ilang sandali ay tinatabunan na ang hukay ng libingan ng namatay na sinabayan ng pagtila ng ulan  at paisa isang pag-uwi ng mga kaanak nina Nicole at maging sila ng kanyang ama ay nagpasya nang umuwi. Ang kalungkutan ng lugar ay napalitan na ng kalmadong bugso ng hangin at paglabas ng mga nagsilungang mga ibon sa mga puno. Akma nang aalis ang batang Kupido upang pumunta sa kanyang mga misyon ay syang pagpapakita sa kanya ni Lucy.

“Kupido sandali! Sasama ako!, ako pala si Lucy isang kaluluwang ligaw, ayuko na kasi dito sa sementeryo ang lungkot kaya sasama nalang ako sayo”.

“Hello kamusta ka, ako si Kupido. Gusto mong sumama? Sabagay malungkot nga sa lugar na mga ganito sige para rin may kausap ako habang gumagawa ng misyon”

“Ah eh pwede ba kitang maging kaibigan?” malumanay na tanong ni Lucy habang pinagtatama ang dalawa nyang hintuturo.

“Oo naman mula ngayon magkaibigan na tayo, tara na!malapit lang yung susunod natingpupuntahan dyan lang sa kabilang barangay, tara!” sabay hawak sa kamay ni Lucy na labis naman ikinatuwa ng isa.

Mula noon ay naging matalik na magkaibigan ang dalawa, sumasama si Lucy sa lahat ng mga misyon ng batang Kupido. Naikot nila ang buong mundo na magkasama dahil sa misyon na ipalaganap ang pag-ibig sa mga puso ng mga tao. Kapag pumapanhik sa langit si Kupido ay matyagang nag-aantay si Lucy sa sementeryo. Sa pagbaba naman ni Kupido ay dumideretso muna sya sa sementeryo para sunduin ang kaibigan bago magpunta sa mga misyon. May mga pagkakataon na naglalaro sila, at minsan namanay magkasamang nagmemeryenda sa pag-inom ng gatas na nasa tsupon. Naging ganito ang buhay ng dalawa hanggang sa lumipas ang mga taon.

I

Mr. Kupido's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon