4. Ang Templo ng mga Namayapa

140 11 3
                                    

"Nagmula sa lupa, magbabalik sa lupa...ang mga abo ng nakalipas ay piping saksi sa walang hanggang kaguluhan na nagdaan."

-

May ibang kung ano sa hangin. Ang lahat ay napatingin sa kalangitan at itinigil ng sandali ang kanilang mga ginagawa. Umugooy ng malakas ang hangin habang tila nababalutan ng anino ang patag na parte ng disyerto sa 'di kalayuan. Itinigil ni Inoy ang kanyang ginagawang pagkukumpuni sa kanyang cassette tape na nasira at napatingin sa kalangitan. Maging ang robot na lobong si Sam ay napatayo rin at tumingin sa malayo.


Hinawi ng babaylan na si Ki-ara ang tabing na nagsisilbing pinto na sa maliit na kubo sa gitna ng Paraiso. Nakatingin man sa kawalan si Tandang Gila ay ramdam niya ang tensyon na nangyayari sa paligid, ang hangin sa kanyang balat, ang ingay ng usapan ng mga tao sa paligid.


"Isang bagyo..." sambit ni Ki-ara habang nakatingin sa malayong parte ng kalangitan.


"Ngayon lang ulit ito nangyari," bulong naman ni Tandang Gila.


Agad tumunog ang mga kalembang. Mga maliliit na kampana na ginagamit upang alertohin ang lahat sa paparating na unos. Agad itinago ng mga nagbebenta ng mga ppagkain ang kanilang mga tinda. Mga pinatuyong butiki na makikita namumuhay sa disyerto maging ang mga ahas na nakasabit sa mga bakal na patpat at mga daga. Ang ibang nagbabayo ng iilang piraso ng palay ay nagmadali din. Importante ang bawat butil ng bigas na iyon. Hindi sila nagsayang ni isang piraso.


Kinuha naman ni Inoy ang cassette tape at hawak na turnilyo at inilagay sa likurang bahagi ni Sam kung saan naroon nakasabit ang isang kulay abong sisidlan. Agad siyang sumakay kay Sam at tinapik ang leeg nito.


"Sam...kailangan nating puntahan sila kuya!"


"Teka Inoy! Saan ka pupunta?" tanong ni Tata Selo.


"Kailangan ko pong puntahan sila kuya...lumabas sila ng bayan! Baka mawala sila!"


"T-teka Inoy! Baka ikaw naman ang hindi namin mahagilap niyan!"


Pipigilin pa sana siya ni Tata Selo sa pamamagitan ng pagharang sa kanya ngunit agad na nakatakbo ang lobo na sinasakyan ng batang si Inoy.


"Ate Lara? Ate Lara?!" sigaw ni Inoy nang bumaba siya mula kay Sam. Agad siyang nagtatakbo papasok sa isang bahay na gawa sa mga piraso ng bakal at tela.


"Inoy? Bakit?!" Isang babaeng buntis ang lumabas mula sa kwarto. Malaki na ang kanyang tiyan at nakasuot siya ng dumihing duster.


"Anong nangyari? Bakit kinakalampag ang mga alarma?" Isa pang babae ang lumabas at agad na inalalayan ang buntis na babaeng si Lara.


"Ate Lara...ate Mina...may parating na bagyo. S-sila kuya wala pa, baka mawala sila sa disyerto," kabadong sagot ni Inoy.


"Ha?! Imposible 'yan...matagal ng walang bagyo na dumadaan dito," wika ni Lara habang naglalakad patungo sa labas. Nakita niya naman ang pagkakagulo ng mga tao sa labas at ang pagdilim ng kalangitan.

Resiklo: Recalibration (Spin Off)Where stories live. Discover now