3

10.5K 220 1
                                    


NAGMAMADALI akong bumaba dahil tanghali na. Sh*t naman bakit ba ako tinanghali ng gising. Hindi na ako magtataka kung nakaalis na sya.

At hindi nga ako nagkamali. Palabas na kasi si Ace sa pintuan pero shempre hinabol ko sya.

"Baby! Wait" napatigil naman sya at iritableng tumingin sa akin.

"What!?"

"Nagbreakfast ka na ba? Gusto paghanda kita?"

"No. And no need"

"How about coffe? Gusto mo?"

"No"

"What if, dalhan na lang kita ng lunch mamaya? Okay lang ba yun? Promise sasarapan ko na."

"Bahala ka sa buhay mo" napangiti naman ako dahil doon. Lalakad sana ulet sya ng muli ko syang pigilan.

"Wait lang ulet!" Inayos ko lang yung necktie nya. Hindi kasi nakaayos.

"Nagmamadali ka siguro kanina kaya hindi mo na 'to naayos. Pero it's okay, nandito naman na ako" nginitian ko sya at walang pasabing hinalikan ko ang mga labi nya. Wala naman sigurong masama kung hahalikan ko asawa ko. Pero mas nagulat ako ng kabigin nya ako palapit sa kanya na syang nagpalalim ng halik. Napapikit na lang ako. Matagal bago namin pinutol ang halik nagkatinginan kami. Parang walang gustong bumitaw sa tinginan namin. Kitang kita sa mata ang daming emosyon. At nararamdaman ko yun.

"I love you Ace. So much." sinabi ko yun habang nakatitig sa kanya. Agad naman syang napaiwas ng tingin. Nasaktan ako sa ginawa nya pero okay lang. Bumitaw na sya sa akin at naglakad na patungo sa kotse nya.

"Have a nice day! I love you!" Sigaw ko hanggang sa hindi ko na makita ang sasakyan nya.

"GOOD afternoon ma'am" bati sa akin ng isang emplayado, nginitian ko na lamamg ito bilang ganti.

"Lalo po ata kayong gumaganda ma'am ah" hindi ko napigilan ang pagtawa dahil sa sinabi ni Mang Edgar, isang janitor sa kompanya.

"Ma'am stay strong po sana ang relasyon nyo ni sir" muli ko itong sinagot ng isang ngiti.

Papunta ako sa office ni Ace may dala akong lunch at syempre sinarapan ko na 'to. Nasa harap na ako ng office nya ng bigla akong harangin ng kanyang secretary.

"Ma'am may importante pong kliyente si sir sa mga oras na ito. Pwede po bang hintayin nyo na lang sya."

"You don't know me. Do you?" medyo mataray na tanong ko dito. Agad naman na nanlaki ang mga mata nito ng mapagkilanlan kung sino ako.

"I-I'm sorry ma'am" nakayukong sabi nito na halatang kinakabahan.

"It's okay dear" nakangiting saad ko dito

With that pumasok na ako sa loob. Sosorpresahin ko sana sya pero mukhang ako ang nasorpresa. I saw him making out with other girl. Nalaglag agad ang mga luha ko. Nag-uunahan na naman sila. Mukhang hindi pa nila pansin na nandito ako because Ace touch that women's breast. Hindi ko na kaya. Baka kapag magpatuloy pa to magawa na nila ang bagay na yun.

"Hi Ace!" halatang nagulat sila ng magsalita ako. Lalo na si Ace i can see in his eyes the guiltness. Tumungo ako dahil hindi ko kayang makita nila akong umiiyak. "Ito na nga pala yung lunch mo. Sinarapan ko na yan"

Hindi ko na sila tiningnan pa. Lumabas na ako pero bago lumabas sinigurado ko na hindi nila mahahalata na umiyak ako.

Habang nagdradrive di ko mapigilan na umiyak lumalabo na ang paningin ko hanggang sa hindi ko namalayan na may papasalubong na palang sasakyan sa akin.

His Runaway WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon