18

4.4K 108 2
                                    

MAINGAT kong ipinarada ang aking sasakyan sa harap ng restaurant na dapat ay pagtatagpuan namin. And true to his words, he really is waiting for me on that same spot where we ate our first dinner.

I smiled at the guard when he opened the doors for me.

"Have fun with your meal, Ma'am"

Dahan-dahan kong tinahak ang daan papunta sa kanya. Examining him, I noticed that his hair grew longer, medyo pumayat din ito. He's just wearing a simple v-neck shirt yet he looks stunning. He also grew some stubbles in his face but it only made him manlier.

Ipinalibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng lugar na ito. Everything screams luxury and wealth. From the extravagant chandelier, classy lightning, you can even smell wealth in the air. But what caught my attention is the little fountain that is in the middle of the restau.

I've noticed that the theme of this place is a magical garden. Magical not in a way na naging pambata ito, but magical in a way that it is so serene. Opposite to what it looks like this place feels like home. Meron kasing ibang lugar na sa sobrang elegante ay maasiwa ka ng kumilos, but that's not the case here. You can actually relax in this place

The ambiance is very classy and elegant. Even the people that is in here ay halatang mga anak mayaman o kaya naman ay may sinabi sa buhay.

Muli kong ibinalik ang aking atensyon sa lalaking dahilan ng muling pagtibok ng aking puso. Hindi ako nito napansin dahil kanina pa ito nakatungo sa mesa. Nakapatong din sa lamesa ang isang bouquet ng purple tulips, my favorite.

Nakarating na ako sa tapat ng lamesa nito ngunit hindi parin nya ako napapansin, kaya naman ay tuluyan na akong umupo sa katapat nitong upuan.

Unti-unti nitong inangat ang kanyang ulo at parang nakalimutan ko ang huminga ng muli, pagkalipas ng isang buwan, ay nagtama ang aming mga mata.

Gulat ang unang rumehistro sa kanyang mukha, at maging ako ay nagulat ng may pumatak na luha sa kanyang mata. Nagsunod-sunod ito hanggang sa tuluyan na syang humagulgol.

Napatawa naman ako dahil sa inasta nya. This is not the way I expected him to react. Napansin ko rin na pinagtinginan kami ng mga tao. Baka isipin pa nila na pinaiyak ko 'tong isip bata na 'to.

"Hoy! Anong drama 'yan? Tumigil ka na nga. Baka isipin nila inaaway kita" pagpapatahan ko dito.

Nang tumahan ito ay wala naman itong ibang ginawa kundi titigan ako na para bang anytime at mawawala ako. Hindi ko na lang sya pinansin ng dumating na ang waiter at kinuha ang order namin. Hanggang sa dumating ang order namin ay wala parin syang ibang ginawa kundi titigan ako.

PAGKATAPOS kumain ay katahimikan parin ang namamagitan sa amin. I decided to break the ice dahil napansin kong wala itong balak na gawin iyon.

"So, kamusta ka na?" panimula ko

"You came..." pabulong nitong saad "...you really came"

"Yeah, I decided to give it a shot Trev" napangiti ito sa hindi ko malamang dahilan

"I miss it when you call my name. I miss everything about you Cassandra" halos manginig ako sa intensidad ng pagkakasabi nya ng mga katangang iyon.

May nag-iba. That is one thing that I very sure of. Even the way he looks at me. Its different. It feels like I am already trapped and there's no way out. Not that I'm finding a way out.

"Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Kamusta ka na?"

"I'm not fine until today. It feels like the heaven is smiling at me right now" sinabayan nya pa ito ng walang kamatayan nyang kindat.

Napangisi naman ako sa sagot at tinuran nya. "Ang korny mo!"

Muli kong ipinalibot ang aking tingin sa buong lugar. "Sya nga pala, hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang lugar na 'to nung unang punta natin dito. I did not notice its beauty. Nice place. Magaling kang pumili ng lugar." pagbubukas ko ng bagong paguusapan.

"Thank you for praising my place. I appreciate it"

"Huh?"

Humawak ito sa kanyang dibdib at umakto na para bang nasasaktan. "I'm hurt darling. You really know nothing about me. But, okay, for formality. I'm Trevor Fontanilla, a chef and this place is my very own playground" aniya bago kumindat sa akin



His Runaway WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon