What's next?

3.6K 45 0
                                    

Sana po suportahan niyo ang bago kong istorya. Maramaming salamat po💕

"Waves of Harmony"

Story is already posted in my profile😊
______________________________________

SIMULA

"Bakit ba kasi kailangan mo pang umalis? Pwede ka naman dito mag-aral eh" Hindi ko na napigilan pa ang paglabas ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan

Siya naman ay walang awat na tumatawa habang pinupunasan ang mga luha ko. "Huwag ka na umiyak, Thea Mae. 'Yung uhog mo lumalabas"

Pabiro ko siyang sinuntok sa tiyan na nagpangiwi sa kanya. "Gusto mo bang bugbugin kita" pananakot ko sa kanya bago ko muling iniyakap ang mga braso ko sa katawan niya.

Marahil ay pinagtitinginan na kami ngayon dito sa airport dahil kanina pa ako umiiyak at kanina parin ako hindi bumibitaw sa kanya. "Babalik naman ako kaagad. Trip lang talaga ni Dad na doon ako i-train sa main branch ng business namin"

"Oo na. Ilang beses mo na sa akin sinabi 'yan. Pero kasi, wala na akong kaibigan. Wala na akong laging kasama"

Muli siyang humagalpak ng tawa bago kinurot ang dalawang pisngi ko "You are a good person, Thea. I'm sure marami kang magiging kaibigan sa bagong school na papasukan mo"

"Alam mo namang homeschooled ako ever since. Hindi din ako marunong makipagkaibigan. Ikaw lang naman kaibigan ko eh. Tapos ikaw pa unang pumansin sa akin. Tsaka kapitbahay ka namin kaya madali lang napalagay yung loob ko sayo"

"Just be yourself. Tsaka kung pwede 'wag ka makipagkaibigan sa lalaki" napakunot ang nook o dahil sa sinabi niya.

"So, di na kita kaibigan?"

"Just stay away with boys"

"Oo na. Sige na-huh? Ano 'to" napatigil ako sa pagsasalita ng may maramdaman akong malamig na bagay na dumampi sa leeg ko

"Wag na wag mong tatanggalin 'to" I looked down to necklace he gave me. It is a simple rose gold rose that complimented my fair skin. "Do you like it?"

"Ang ganda. Thank you-" napatigil ako ng tawagin na ang flight number niya. Mahigpit kong hinawakan ang dalawa niyang kamay "Mag-iingat ka doon, ha. Wag kang magpapalipas ng gutom. Tapos lagi kang tatawag-" muling naputol ang sasabihin ko ng marahang niyang idinampi ag kanyang labi sa noo ko. Naramdaman ko ring may basang tumulo sa pisngi ko.

His Runaway WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon