19

4.4K 118 1
                                    

May binago ako sa part na 'to. Hindi both parents ni Trev and namatay, kundi Daddy lang nya. Balak ko sana wag na baguhin dito at doon ko na lang sa revised version ilalagay kaso baka malito kayo. Peace🤗

____

AFTER our dinner ay nagdesisyon kaming maglakadlakad na muna. Tutal naman ay walking distance lang ang restaurant mula sa bahay namin ay nagpasya syang ihatid na ako. Mukhang wala pang balak si Trevor na pakawalan ako. Though ayos lang naman 'cause I kinda miss him too.

Hindi ko napigilan ang sarili kong titigan ang mukha nya habang naglalakad. He's so handsome. Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-rami ng babae sa mundo na pwedeng magustuhan ng isang katulad nya ay napadpad sya sa isang 'balo' na katulad ko, also not to mention na binata ito at may anak na ako.

"WE'RE here" napatingin ako ng bigla itong magsalita. Hindi ko manlang namalayan na nakarating na pala kami sa destinasyon namin. Sa isang playground.

Excited akong umupo sa isang swing, agad naman syang sumunod at marahang tinulak ang swing.

Silence.

'Yan ang kasalukuyang bumabalot sa amin ngayon. Mukhang tulad kanina ay wala itong balak magsalita kaya naman napagdesisyonan kong ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Trevor, hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan kung bakit ako. You kept on telling me that matagal ka ng may nararamdaman sa akin. But I really can't remember you"

Itinigil nito ang ginagawa bago umupo sa katabing swing.

"We were in college when I first met you" gulat akong napalingon dahil sa sinabi nito. Balak ko sanang magsalita ngunit nagpatuloy ito.

"It was love at first sight. I was fascinated when I first saw your smile and then I fell when I heard your laugh. You're so beautiful that I just can't take my eyes off you. Kahit nasa klase ay kuha mo parin ang atensyon ko. That's why my heart shattered into pieces when I saw you kiss Ace and learned that he is your long time boyfriend" hindi ko maalis ang tingin sa kanya. This is his side of the story. Kumbaga sa isang novel ito ang hidden chapter.

Mahina itong tumawa bago muling nagpatuloy. "Alam kong mali but I prayed to God na sana maghiwalay kayo para magkaroon ako ng pagkakataon para makapiling ka. But then again I saw how happy you are with him kaya naman nakontento na ako sa pasulyapsulyap lang. Sabi ko na lang sa sarili ko kapag may ginawa si Ace na masama hindi ako magaatubiling agawin ka mula sa kanya. But faith really is not my friend, a tragedy happened. My Dad died while they are on their way for their supposed to be second honeymoon. I was devastated. My Mom too. I am still studying and at the same time I have to manage all businesses left by my Dad. Doon ko hiniling na sana may kapatid ako para naman may katuwang ako, pero wala eh. Perks of being the only child" muli ay mahina itong tumawa.

"You never left my mind. Ikaw ang naging motibasyon ko para hindi ako manghina at para magtagumapay ako. And I did. Pero kasabay ng pagtatagumpay ko ay ang pagpapakasal mo kay Ace. Akala ko wala nang mas idudurog pa ang puso ko pero meron pa pala. I was there. Outside the church while you're marrying him hoping for you to runaway, but you didn't. Well, what I'm praying for at that time is impossible"

Tumingin ito sa akin at binigyan ako ng malungkot na ngiti.

"Nilunod ko ang sarili ko sa trabaho. Hanggang sa nabalitaan ko na lang na wala si Ace. I mourned for him. I was there noong nilibing sya and I saw how hurt you are. I said to myself this is my chance now. I will help you move on. I will make you happy again. Pero wala eh. Natorpe ako. Hinintay ko na lang na gumawa ang tadhana ng paraan para mapansin mo ako. Pero sadyang may galit yata sa akin si tadhana kaya naman after so many years I got tired of waiting. Nakakapagod din palang maghintay na gumawa ang Diyos ng paraan kaya naman ako na ng kumilos. I made an appointment with you. Ipinalabas ko na lang na mag-iinvest ako, kaya naman nang hindi ko ako sinipot ay talagang pinuntahan na kita sa opisina mo and the rest is history"

Hindi ko na pinigilan pa ang sarili kong tumayo at lumapit rito. I held his face with my hand hands and look directly into his amber eyes.

This will be one of the biggest descision of my life and I hope and pray that I will not regret this.

"Let's do this Trevor. Let's have a relationship, then let's see where it will lead us"

His Runaway WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon