8

9.3K 193 4
                                    

"CASS, I'm really sorry. Promise babalik agad ako kapag na nagawan ko na ng paraan ang problema  sa kompanya." niyakap ko ito ng mahigpit. Bakit kinakabahan ako?

"Wag ka na lang kaya tumuloy. Kinakabahan kasi ako eh. Tsaka umuulan at mahamog na delikado na sa daan." marahan nitong hinaplos ang pisngi ko pababa sa tyan ko

"Take care of the baby for me" saad nito bago ako mariing hinalikan. Akmang lalayo na ito ng hilahin ko ang leeg nito para sa isa pang halik.

"I love you"

"I love you too, please be safe"

"I will. I'll be back I promise"

Napahaplos ako sa impis kong tyan ng tuluyan na itong nawala sa paningin ko. Dalawang buwan na kaming naninirahan dito sa Baguio. At kahapon lang namin nalaman na nagdadalang tao pala ako. Walang pagsidlan ang tuwa sa aming dalawa kaso bigla  namn itong binawi dahil nagkaroon ng malaking problema ang kompanya nito sa Maynila dahilan para sya'y umalis ngayon.

Ilang beses na rin naman syang lumawas sa Maynila para sa kompanya pero iba ngayon. Iba ang kabang nararamdaman ko.

Humiga na muna ako sa kama dahil alam kong masama sa bata kapag na-stress ako. Kaya kahit mahirap ay pinilit kong makatulog.

Nagising ako sa walang tigil na pagtunog ng cellphone ko. Nang makitang ang nanay ito ni Ace ay agad ko itong sinagot.

"Hello po Mommy"

"Cassandra..." agad na sumipa ang kaba sa aking dibdib ng marinig ko ang pagiyak nito.

***

WALANG tigil ang buhos ng ulan habang dahan-dahang ibinababa ang kabaong ng aking pinakamamahal. Ace was dead on the spot. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. It seems like everything has stop habang iniaangat ang sasakyan ni Ace mula sa bangin. Ang sabi ng kinauukulan ay posibleng nawalan ng kontrol si Ace sa manibela dahil na nga rin sa hamog at sa madulas na kalsada dulot ng walang tigil na pag-ulan.

I can even remember kung ano ang itsura nya habang tinatanggal ang mahabang kahoy na nakatusok sa katawan nya. I can't even imagine kung gaano kasakit ang kanyang naranasan bago sya nawala. At tuluyan na  akong nawalan ng malay nang matanggal ng lubusan ang kahoy na nakasaksak sa kanya. Ang butas na iniwan ng kahoy sa katawan ng mahal ko ang huling nasaksihan ng mga mata ko.

Dinugo ako ng gabing iyon. Mabuti na lamang at malakas ang kapit ng bata ayon sa doktor. Hindi sana ako papayagan ng doktor na lumabas ng ospital kung hindi ko lamang ito napakiusapan.

BUMALIK ako sa kasalukuyan ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko. It was Ace's mom.

"Cassandra, kakayanin natin 'to. Kakayanin mo 'to. Para sa anak mo. Kayanin mo." katulad ko ay namamaga din ang mga mata nito. Sigurado akong kung ano ang sakit na nararamdaman ko ay doble ang kanya.

"M-mom, hindi ko na po alam kung anong g-gagawin ko" humihikbing saad ko dito "Pakiramdam ko hanggang ngayon nasa ere parin ako"

"Cass, isipin mo ang anak mo. Hindi ka pwedeng magpaapekto sa nararamdaman mo. Laging mong isioin ang anak mo"

"Oh God! Why is this happening to us!" napaluhod ako sa puntod ni Ace dahil na  rin sa panghihina. "Ace! Ang sabi mo babalik ka! Ano 'to! Bakit mo ako iniwan!? Bakit mo kami iniwan ng anak mo!?"

"Cassandra please ang anak mo"

"No! Ace is this a prank!? Then tama na! Kasi nasasaktan na ako! Sobrang sakit na!"

His Runaway WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon