"Wala ka na bang nakalimutan anak?" Tanong ni mom habang tinutulungan niya akong buhatin ang maleta ko at ilagay sa likod ng sasakyan.
"Meron mom!" May pagka hysterical kong sagot. "Ang memories ko po!" Nag fake cry ako sa harapan niya. Hinampas naman ako ni mom sa likod.
"Ikaw talagang bata ka, may pinagmanahan." Nagtawanan kami ni Mom.
"You both ready?" Si Dad naman ngayon ang nag tanong.
"Speaking of the devil." Mahina akong natawa sa binulong ni mom.
"What did your mom whispered anak?" Dad's eyes narrowed.
"Nothing." Si Mom ang sumagot. "About your question, you know I'm always ready Dad." Puno niya saka ngumiti at kindat kay Dad. And me being innocent, tumalikod at naunang pumasok sa sasakyan.
"Come on alligator couples! Baka hindi tayo matuloy ngayon sa pinag-gagawa niyo eh. Child on board po." Natawa sila pareho at bago sumunod papasok sa sasakyan, dad gave mom a quick kiss in the lips.
Ginulo naman ni dad ang buhok ko at tumawa ng mahina habang si mom naman, ayun asim ng mukha. Kinulit naman siya ni Dad at bago pa maulit muli ang eksena kanina, nag command akong kami'y aalis na.
Nagtawanan kami. I want to fell in love just like my parents kasi masasabi kong perfect sila sa isa't isa, 'yung balance ang relationship, 'yung tipong hinulma ng destiny. They say may pangalan daw 'yung gano'n, soul mate.
I never dated boys before since birth kasi I wanted to wait for the one for me. And besides bata pa 'ko no, aral muna.
Gusto ko kasi maging doctor kagaya nina Mom at Dad. Honestly, mahirap ituro kung sino 'yung mas magaling pagdating sa OR, operating room.
Napag-usapan kasi namin ng mga kaibigan ko na susunod kami sa mga yapak ng mga magulang namin. Anyway, speaking of friends. Nalulungkot ako dahil mami-miss ko talaga sila. Lalong-lalo na ang mga memories na magkasama kami.
Lilipat kasi kami ng titirhan at hindi ako sigurado kung kelan pa kami makakabalik kaya hindi ko pa alam kong makikita ko pa ba sila ulit.
My parents gave me a week to say good bye to my friends before disappearing...forever.
Bakit forever? Because I have no clue kung saan kami pupunta. All they reason out is it's for my own good. Eh I'm good naman ah.
Nakakalungkot lang isipin na kung saan last stage na sana ng pag-aaral ko eh dun naman kami aalis.
I change my thoughts saka tumingin sa labas. I sigh in awe.
It's winter season and it's my favorite time of the year kahit na madulas sa labas.
I looked back to our car's trail and the empty road behind. Bye old home. I might never see you again but I'll leave you with all great memories I will cherish forever.
I sit back, facing front only to meet my dad's eye in the rear view mirror.
"You okay sweetheart?"
Tipid akong ngumiti. "Yes po."
"I promise you, you'll love the place." Galak niyang sabi sabay wink kay mom.
"Of course dad." Sagot ko.
"I can't wait to see your reaction anak 'pag nakita mo na ang bahay." Mom squeaked. Oo nga pala, my parents intended this to be sort of a gift for my eighteenth birthday kahit na two months away palang iyon.
"Ako rin po." Inabot ni mom ang kamay ko saka ito mahinang pinisil.
"Issa anak, we will do anything for you. And if there's greater than better ay pipiliin namin 'yun para sa'yo. I hope one day you understand." Nakangiti lang akong tumango kay mom bilang sagot.
"Nerissa." Tinawag ako ni mom pagkalipas ng ilang minutong katahimikan. I observed mom is uneasy, the way na pabalik-balik ang tingin niya kay dad at sa kamay nitong nakapatong kanya. He nod and gave mom a reassuring smile.
Malalim siyang huminga at tumingin ulit kay dad. Kumunot noo ko. "Mom, whatever it is, spill. Magkaka-diarrhea ako sa iyo eh." I mentally congratulated myself when I lifted the mood.
"Anak, ano kasi, may kailangan kang malaman."
"Ano po iyon?" Mom took another deep breath while dad kissed the back of her hand. I lean closer to their seat.
"Mom?"
"We love you anak." Bulong niya saka ako hinalikan sa noo. Pinatong naman ni dad ang kamay niya sa ulo ko.
"I love you too both but what is it? Why is it making you uneasy?"
"Nerissa anak, you are cur—"
Sa isang iglap ay parang dudugo ang tenga ko sa sobrang sakit. Nahihilo ako at napansin kong baliktad kami at basag ang mga bintana ng sasakyan.
Anong nangyari? Ang tanong na paulit-ulit na umiikot sa utak ko.
It took me a while to enhance my vision before observing my surroundings.
Si mom still nasa seat niya, baliktad at duguan. Nasaan si dad? Kahit masakit ang leeg ko ay luminga linga ako para hanapin si dad, nasa labas siya nang sasakyan at nakapada.
Gusto kong tawagin sina dad at mom pero ang sakit ng leeg ko. Kinapa ko ito at doon ko lang nalaman na may nakatusok pala dahilan na mahirapan akong huminga at magsalita.
Tiniis ko ang sakit when I screamed and cried in pain habang tinatanggal ko ang nakatusok sa leeg ko. Naramdaman ko agad ang mabilis na pagdaloy ng aking dugo.
"M-mom." I called my Mom twice pero hindi siya gumalaw. "W-wait here mom, I'll c-call dad first."
Tinaggal ko ang aking seat belt saka gumapang palabas, hindi inaantala ang matutulis na window shards. Lumapit ako kay dad at niyugyog siya but just like mom hindi siya gumalaw. Instinct told me to check dad's pulse.
"No, Dad!" Nanlamig ang buo kong katawan nang malaman na wala ng pulso si Dad.
Lumingon ako sa paligid but the curve and almost covered in snow road we're in is deserted.
I forced myself to stand upang puntahan si Mom. Hinablot ko siya palabas at kagaya ni Dad tiningnan ko rin ang pulse niya pero malamig na si mom.
Nanghihinang napaupo ako sa sa malamig na daan.
Panaginip lang ito hindi ba? Tama, this is just a dream. Kailangan ko lang gumising.
But my thought disobeyed me, it wasn't a dream.
I can't pretend it is.
This reality is too much to put on a show.
It's starting to get dark dahilan na mas lalong lumamig ang paligid. Sinubukan kong humanap ng tulong pero bigla akong bumagsak at nadulas sa gitna ng daan. Napa-ungol ako sa sakit at pakiramdam ko may mainit na likido ang lumabas mula sa ilong at tenga ko.
Ngayon lang nag sink in sa akin lahat.
Wala na si mom at dad.
Wala akong nagawa kundi umiyak nalang. With my last remaining strength I raised my hands to catch a snowflake before everything went black.
Weew, that was an intense chapter to start. HAHAHA anywwaaays thank you for reading this story people of WATTPAAAAAAD!
BINABASA MO ANG
The Crimson Curse✔
Vampire"It was just a normal day but it turns out to be the scariest." One day when Nerissa "Issa" Jaze Monique Nelo and her parents were travelling to their new home called Veliks city - an erstwhile old and forgotten kingdom, when they didn't expe...