Chapter 7 - True Nature

212 6 0
                                    



⚠️ EXPLICIT LANGUAGE AHEAD. ONLY FOR FICTIONAL CHARACTERS.

⚠️ DO NOT USE IN REAL LIFE. READ AT YOUR OWN RISK.



"Saan ba kasi dito ang library?" Bulong ko sa sarili habang luminga linga. Nagkataon kasi na may bakante akong oras bago ang susunod kong klase kaya naisipan kong pumunta muna sa library nitong academy. Kaso mukhang nawawala ata ako e.

Ang sabi kasi nung tinanong kong kapwa estudyante, lumiko ako sa kanan tapos sa kanan ulit tapos diretso lang hanggang marating ko ang dalawang pinto ng library. Sinunod ko naman siya pero nung lumiko na ako sa kanan ng pangalawang beses, wala akong nahagilap na dalawang pinto.

I continued walking at sa wakas nahanap ko na ang dalawang pinto. Kaya pala naligaw ako kanina kasi kulang yung sinabi ng babae, liliko pa pala ng isang beses sa kaliwa bago dumertso ng lakad. Umiling nalang ako.

Sa laki ba naman nitong academy hindi mapagkakaila na maliligaw ka.

Malapit na ako sa library nang may biglang humablot sa suot kong bag. Napasinghap ako at nakitang hawak na ito ng lalakeng hindi ko kilala. Ilang pulgada lang ang taas niya sa akin at katam-taman naman ang kasama niya.

"Akin na 'yung bag ko." Paki-usap ko habang inabot ang aking bag ngunit nilayo ito ng lalake. Sinubukan ko ulit abutin ang bag ko but this time he caught my wrist. Napasinghap ulit ako na ikinatawa niya.

"Look what we got here Baren, a little mouse." Sabi niya saka binato ang bag ko sa kasama niya.

"You're right Trey, a small and lost little mouse." Nakangiting sagot naman 'nung Baren saka bumaling sa akin. "But this one's not just any other mouse." Napalunok ako sa takot nang nagbago ang kulay ng kanyang mata.

Their eyes are now bloody red.

Vampires.

"B-bitawan mo ako, ano ba?" Sinubukan kong alisin ang mahigpit niyang hawak na siguradong magbibigay pasa sa akin kaso lalo lang itong humigpit.

"Ano bang ginagawa ng isang tao rito?" Biglang nanigas ang buo kong katawan sa sinabi niya. P-paano niya nalaman?

"Tell me...human." Humakbang palapit sa akin yung lalake na ang pangalan ay Trey. He's so close that I can feel his cold breath hitting my forehead. "Alam mo ba kung gaano kadelikado ang isang katulad mo rito? How brave of you to be here."

Alam ko. A human with vampires is like a mouse entering the den of lions at malaking peligro ang dulot. Hindi ko siya sinagot at abala lang sa pag tangal ng kamay niya.

"Bitawan mo nga ako sabi!" Naglakas loob akong sumigaw pero hindi nakawala sa kanila ang panginginig ng boses ko, dahilan upang tumawa sila. Their eerie laughter echoed around the empty hallway caused the hair of my arms to stand up.

"Shut up. You're just a human and you know what? Your kind are always going to be our prey." Napangiwi ako sa sakit nang mas humigpit pa lalo ang pagkahawak niya sa akin. Magkakapasa talaga ako nito.

"Bitawan mo 'ko or else—"

"Or else what?" Lumayo siya ng konti sa akin at umayos ng tayo habang hawak parin ako. "What will you do hmm? Punch me? Kick m—"

"How about break all your bones starting from your ugly face?" mabilis akong napalingon sa likod nang marinig ang isang malamig at walang ka emosyong boses ni...

The Crimson Curse✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon