run away
Nakatitig lamang ako sa labas ng bintana habang nasa biyahe. Hindi naman ako iniimik ni ate at hindi na rin nagtanong pa kahit bakas sa kanyang mata ang pagkakuryoso sa biglaan kong pagdedesisyong umuwi sa probinsya. Ayoko na ring pag-usapan pa ang tungkol doon.
Fuck attachment! Bakit ba ang bilis-bilis kong ma-attach sa isang tao? Bakit ba ang bilis kong mag-breakdown?
Ugh! I hate this heart. I hate my heart. Kung puwede lang magpa-heart transplant ay bukal sa kalooban kong pipiliing maging puso ang bato.
Para akong nasugatan, tapos mali yung pagkakalagay ng band aid, yung mismong dikit niya yung nailagay sa may sugat kaya ang ending kailangan kong alisin ulit, at no'ng hinila ko na yung band aid, ang sakit. Yung attachment no'ng sugat at no'ng dikit ng band aid naging strong kahit sandali palang naman nailalagay, kaya no'ng pinaghiwalay na, masakit. Sobrang sakit.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni ate kaya napalingon ako rito.
"Is this about Harris, Kirs?" hindi na napigilang tanong ni ate.
Napayuko ako bago tumango. Of course it's about Harris. He's the only reason why I stayed in that town. And now that my reason's gone, I don't have to stay there anymore.
"Everything will be alright, Kirsten," pagpapalakas ng loob sa akin ni ate.
Napapikit ako nang marinig ang linyang iyon, saka natawa nang bahagya.
"That's what he told me, but what happened? Naging maayos ba ang lahat, ate? Hindi. Instead, he left me fighting alone."
"Kirs,"
"Let's not talk about it, ate. I'm leaving all the memories from the past in that place so I could move on. Don't bring it with us here, please."
Natahimik si ate. Ibinalik ko na lang din ang tingin sa bintana at marahang ipinikit ang mga mata.
Kahit anong sabi kong iiwan ko na ang nakaraan sa lugar na 'yon, alam ko sa sarili ko hindi ko kayang kalimutan ang mga iyon. I wiped the escaped tears coming from my eyes.
"Everything will be alright, Kirs. We'll win this fight, baby. I promise I'll never leave your side."
The jerk promised to never leave my side, pero anong nangyari? Iniwan niya akong lumalaban mag-isa. And today is the day that I'll finally give up the fight. Mahirap lumaban mag-isa lalo na kung nakalaan talaga para sa dalawang tao ang laban.
BINABASA MO ANG
On the Rooftop
Short StoryScarred Duology #1 I never thought that the reason why I'm happy today . . . will be the reason why I'll be in pain again, tomorrow.