five, if you really love me
We are on our usual spot. Ang aking ulo ay nakapatong sa balikat nito. I can hear his heartbeat from here. Mabibigat din ang hininga nito at tila ba pagod na pagod. Pawisan din ito, ngunit mabango pa rin ang amoy nito. Wet look, but still guwapo? Hm, I missed him.
Kanina pa kami roon. Walang naglalakas loob na maunang magsalita. Ni hindi ko pa siya narinig na magsalita ngayon. Papalubog na ang araw. Dumidilim na.
Vynx, what's your plan? Hindi mo man lang ba ako kakausapin? Come on!
"Kirs," sa wakas ay nagsalita rin ito.
"Hmm?" tanging tugon ko.
"Please do me a favor."
Napaangat ang aking ulo at napaupo ng maayos. Tinignan ko ito. Nanatili ang mga mata nito sa kulay kahel na langit, at sa papalubog na araw.
"What favor, Vynx?" tanong ko.
Ngayon ay nilingon na ako nito. He smiled, weakly. His smile... Bakit? Ang daming pinapahiwatig, pero iisa lang ang punto. Hindi ko alam kung ano.
"Smile. Always wear your pretty smile, Kirs. My favorite scenery," aniya.
Mataman nitong hinaplos ang pisngi ko. Napapikit ako sa ginawa niya at dinama ang kamay nitong nasa pisngi ko.
Bakit mo ginagawa 'to sa akin, Vynx?
I'm so confused. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Hindi siya nagkukuwento. I don't even know kung taga-saan siya.
"Do me also a favor, Vynx."
Napatigil ito sa paghaplos sa aking pisngi. Tumagilid ang ulo nito habang nakatingin sa akin.
"What favor?"
"Fall in love with me."
Nagulat ito dahil sa sinabi ko. Ngunit sa huli ay napangiti pa rin ito.
"I don't need to, Kirs. I already am."
Nagulat din ako sa naging sagot nito.
"And I'm sorry."
Nangunot ang noo ko sa huling sinabi nito. "Bakit ka nag-so-sorry?" tanong ko.
Umiling lamang ito habang nakangisi. Ginulo nito ang buhok ko bago tuluyang tumayo. Napatayo na rin ako.
"Dumidilim na, Kirs. Kailangan mo nang umuwi," aniya. Tumango-tango ako.
BINABASA MO ANG
On the Rooftop
Short StoryScarred Duology #1 I never thought that the reason why I'm happy today . . . will be the reason why I'll be in pain again, tomorrow.