iii. i am when you are

95 10 17
                                    

three, i am when you are

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

three, i am when you are


Maaga akong nagising ngayon. Alas kuwatro palang ata ay mulat na ang mga mata ko. Gising na gising na agad ang diwa ko, hindi ko alam kung bakit.

"Kirs!" dinig kong tawag sa akin ni Mama.

Linggo ngayon at makikimisa kaming buong pamilya.

"Bababa na po, Ma!" sigaw ko pabalik kay Mama.

Inayos ko muna ang kulay puting bestida na suot, at ang kulay black na barette sa aking buhok, bago tuluyang lumabas ng aking kuwarto.

Bumungad sa akin si Mama sa baba ng hagdan, nakahalukipkip habang nakataas ang isang kilay sa akin. Naka-itim itong blusa na nakatucked-in sa kulay puting paldang hanggang tuhod.

"Bakit ang tagal mo? Mahuhuli na tayo sa misa," singhal nito habang pinapasadahan ako ng tingin.

Napasulyap tuloy ako sa aking relo. 8:30AM pa lang naman. 9:00AM ang simula ng misa namin. Mama talaga.

"Buti naman at nag-ayos ka ng buhok. Dati ay buhaghag ka lang na lumalabas," aniya nang tuluyan akong makababa.

Sa dami ng puwede niyang mapansing pagbabago ay iyon talaga ang pinagdiinan niya. Bruha nga minsan tawag niya sa akin noon dahil sa sobrang gulo ng buhok ko. Kung minsan din ay hindi ko na nagagawang magsuklay. Kung anong ayos ng buhok ko paggising ko, gano'n na rin hanggang pagtulog ko.

"Tara na. Naghihintay na sa labas sila April at Papa mo."

Sumunod na lang din ako palabas kay Mama.

Habang nasa loob ng kotse, hindi ko mawasang isipin si Vynx at ang napanaginipan ko kahapon. Sa huli'y napabuntong hininga na lamang ako. Panaginip lang 'yon, Kirs. Ano ka ba!

-

Mabilis na lumipas ang oras, 4:48PM na. 5:00PM ang usual time ng pagpunta ko sa abandonadong building. May ilang minuto pa ako. Sana naman matapos na ito.

Nandito kami sa may ilog, kaming buong pamilya De Asis. Biglaan ang pag-aaya ni Tito. Sumang-ayon naman sila Mama dahil wala rin naman daw silang lakad ngayon. Napasama tuloy ako.

"Ma, hindi pa ba tayo uuwi?" pang-isang daang beses ko na atang tanong iyon magmula nang dumating kami rito sa ilog kanina.

Ang mga pinsan ko ay nagtatampisaw pa rin hanggang ngayon. Maging si Ate April ay nakisali. Ako lang ang hindi na-enjoy ang ilog.

On the RooftopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon