face it

119 11 19
                                    

face it

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

face it

"Samahan mo ako bukas ha?" aniya habang nilalaro ang buhok ko.

"Saan?" tanong ko rito.

"Sa peryahan."

Napatingala ako sa kanya. "Sa peryahan? Boring do'n, e."

"Sige na. Isang round lang sa carousel," aniya na parang bata.

"Carousel? Seryoso? Vynx? Sino ba talagang babae sa atin?" natatawa kong tanong rito.

"Ten ten!" Sinimangutan lamang ako nito.

Napailing-iling ako dahil sa pag-nguso nito.

"Oo na nga. Hahaha! Tigilan mo na yang pagnguso mo! Nagmumukha kang pato, e!"

-

"Kirs!"

Nagising ako dahil sa sunud-sunod na pagkatok ng kung sino man sa pinto ng aking kuwarto.

Napabalikwas ako. Oo nga pala. Ngayon namin pupuntahan sa ospital si Vynx.

Agad akong nagpunta sa aking banyo para maligo at makapagpalit ng desenteng damit. Pagkatapos ay bumaba na ako. Nakita ko si Mama at Ate na nag-uusap sa may bukana ng main door ng aming bahay. Natigil lamang sila nang maramdaman ang presensya ko.

"Handa ka na?"

Isang tango lang ang naigawad ko kay Mama. Sa totoo lang, nagdadalawang isip ako. Patuloy pa rin kasi akong umaasa na hindi ilusyon lahat ng mga araw na nakasama ko si Vynx sa abandonadong building. Talaga bang ilusyon ko lang lahat ng 'yon?

Papalapit nang papalapit ang sasakyan sa ospital kung saan si Vynx ay siya ring pagbilis ng pintig ng puso ko.

"Nandito na tayo."

Tila ako nabingi nang sabihin iyon ni Papa. Nandito na kami. Parang... Parang gusto kong umurong.

Hindi ko kayang makita si Vynx na nakaratay sa isang hospital bed at nakapikit ang mga mata. Nasanay akong nakikita ko ang pagsingkit ng kanyang mga mata habang nangingiti akong tinitignan.

Habang naglalakad kami sa kahabaan ng pasilyo ng ospital ay may nadaanan kaming isang maliit na kapilya. Napatigil ako sa paglalakad.

"Bakit, Kirs?" tanong ni ate nang mapansin ang pagtigil ko.

Hindi ko siya pinansin, sa halip ay dumiretso ako sa isa sa mga upuan sa loob ng kapilya. Ilang segundo akong nanatiling nakaupo doon. Naramdamam ko ang pagtabi ni ate April sa akin. Pagkaraan ng ilan pang segundo ay lumuhod ako. Ganun din si ate. Kasabay ng pagpikit ko ay ang pagpatak ng kanina pa nagbabadyang mga luha.

On the RooftopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon