one, see him again
Pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko rito sa probinsya. Dalawang buwan na lang naman ang natitira kaya hindi na ako mahihirapan pa. Kung sa pag-aadjust lang din naman ng environment, hindi rin naman ako gaanong nahirapan. Dito ako lumaki kaya may iilan din naman akong kilala sa block namin.
Naglalakad na ako pauwi, ngunut natigilan nang madaanan ang likuan papuntang abandonadong building. Tuyo na ang daanan at hindi na gaanong maputik kaya napagpasyahan kong tahakin ang daan patungo roon.
Dalawang araw na magmula nang dumating kami ni ate April dito sa Luna. Dalawang araw na rin magmula nang huli kong punta rito. Ang araw kung kailan nakita ko ang lalaking iyon.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya kilala. Pagkaiwas na pagkaiwas ko kasi ng tingin sa kanya noon ay ang pagtakbo ko pauwi. Bigla kasing nanikip ang dibdib ko.
Nang makarating ako sa building, agad akong napatingala sa rooftop. Walang tao.
Huminga ako ng malalim. Kinuha ko ang flashlight sa bulsa ko saka iyon in-on bago pumasok sa loob ng building. Nagtungo ako sa hagdan upang makarating sa rooftop.
Nang tuluyan kong narating ang rooftop ay wala akong naabutang tao. Walang bakas ng ibang tao ang naroon.
Binaba ko ang bag sa sahig saka iniligay ang flashlight sa bulsa. Naglakad ako patungo sa lugar kung saan eksakto ko siyang nakitang nakatayo.
"Anong ginagawa mo rito?"
Muntik akong mahulog nang marinig ko ang boses na iyon. Buti na lang at nabalanse ko ang katawan ko.
Nilingon ko ang may-ari ng boses.
Nakataas ang kilay nito at nakahalukipkip habang nakatingin sa akin. Suot ang parehong hoodie at faded jeans na suot niya noong araw na nakita ko siya dito, at isang pares ng black converse shoes ang sapin nito sa paa.
Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang mukha. Napaka-inosensteng tignan ng malalaki nitong mga mata. His pointed nose is perfect. He has a messy hair that made him look like he just woke up from a deep slumber. Sa unang tingin, akala mo ay isa siyang modelo, ngunit kapag tititigan mo na ay para itong isang anghel na hindi makabasag ng pinggan.
"Hoy babae!"
Nabalik ako sa huwisyo nang sumigaw ito. Nangunot ang noo ko. That familiar voice and line. Saan ko ba narinig iyon?
Oh, yeah right. Bakit hindi ko naisip 'to? Siya ang dahilan kung bakit napatakbo ako palabas ng building, nadapa, at naligo sa putik.
BINABASA MO ANG
On the Rooftop
Short StoryScarred Duology #1 I never thought that the reason why I'm happy today . . . will be the reason why I'll be in pain again, tomorrow.