four, why do people leave
Hindi ako nakatulog. I spent the whole night crying. Sana panaginip lang lahat ng 'to.
Vynx, why are you being like this? Please, come back, and tell me that everything is just a prank.
Hindi ko man lang nalaman ang cellphone number niya, kaya wala akong alam na maaaring makuhanan ng balita tungkol sa kanya. Ang alam ko lang ay Jarylle Vynx Salazar ang pangalan niya, iisa ang hoodie, jeans, at sapatos. Tumatakas sa kapalaran at reyalidad na ibinigay sa kanya.
"Kirs?"
Napalingon ako sa pinto ng aking kuwarto. Bumungad sa akin si ate. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Umuwi kasi akong umiiyak at basang-basa kanina. Tinanong ako ni Mama kung anong nangyari, pero wala akong ibang nagawa kundi yakapin siya at humagulgol sa balikat niya.
"Anong nangyari, Kirs? Please, sabihin mo..." ani Ate nang tuluyang makalapit sa akin.
Mas lalo akong napahagulgol nang aluhin ako nito. Wala siyang nagawa kundi yakapin ako.
Vynx, nasaan ka ba kasi?
"Why do people always leave me?" basag ang boses na tanong ko rito.
"Siguro kasi tapos na yung misyon ng taong 'yon sa buhay mo," sagot ni ate habang hinihimas ang buhok ko.
"Anong misyon?"
"Hindi ko alam. Depende. Ano bang nagbago noong dumating siya sa 'yo?" tanong nito.
Sa gitna ng pag-iyak ay napaisip ako.
Ano nga bang nagbago? Naging masaya ako matapos ng nangyari kay Harris. Nakalimutan ko lahat ng dahilan ng pag-iyak ko noon. Nakalaya ako. Napalaya niya ako, ng hindi ko namamalayan.
Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na masyadong naiisip ang mga bagay na nakapanakit sa akin. Malaya ko nang natitignan ang litrato ni Harris nang hindi ako gaanong nasasaktan. Natutunan kong i-let go yung sakit. At lahat ng iyon ay dahil kay Vynx.
Hindi ko nagawang pumasok kinabukasan dahil sa sakit ng ulo ko. Magdamag akong umiyak. Halos lahat ng tao sa bahay ay nakapasok na sa kuwarto ko para patahanin ako ngunit hindi nila nagawa.
"Kirsten, kain na."
Patuloy na kumakatok si Ate sa pinto ng aking kuwarto.
Hindi ako tumugon. Tulala lamang akong nakatitig sa aking pintuan. Para na akong zombie sa ayos ko. Ang gulu-gulo ng buhok ko, ni hindi ko nagawang palitan ang damit kong nabasa kahapon sa ulan. Pakiramdam ko rin ay lalagnatin ako ngayon.
BINABASA MO ANG
On the Rooftop
Short StoryScarred Duology #1 I never thought that the reason why I'm happy today . . . will be the reason why I'll be in pain again, tomorrow.