My Arrogant Prince

158 3 0
                                    

Copyright © 2014 by Yhurii13

Some chapters are edited because of the grammar and wrong spelling.

-----------(^_^)-----------

Prologue:

Naglalakad ako sa park para makapag-isip isip, Grabe ang dami kasing problema na dumating ngayon hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko ih.

Paano ba naman kasi nasunugan na nga kami, nanakaw pa yung mga gamit na nasalba namin sa sunog tapos kailangan ko pang tumigil na sa pag-aaral para yung kapatid ko muna yung tumuloy sa high school. Hindi na kasi kaya ni nanay na kaming dalawa pa yung mag-aral, pag mamanicure/pedicure lang kasi yung trabaho niya tapos nawala pa yung ipon niya para sa pag-aaral namin. Haist! Yung magaling ko naman kasing Tatay ayun iniwan kami at sumama sa ibang babae. Ang saklap ng buhay ko di ba? Well, ganyan talaga ang life. Hayyyy!

"Ouch!"

"Aray" sabi ko

Oops! Anong nangyari? Mukhang may nakabangga ata ako? Haist! Super lalim kasi ng iniisip ko ayan tuloy.

"THE HELL! HINDI KASI TUMITINGIN SA DINADANAN! SUCH AN IDIOT! TSK!" sabi niya

Wait? Ano daw Idiot? Tanga daw ako? Ayyy Peste! Kasalanan ko bang malalim yung iniisip ko. Hindi ako papayag! Humanda sya sakin.

"HOY MAMANG MUKHANG KAPRE! ANONG SABI MO NA IDIOT AKO? PARA SABIHIN KO SAYO HINDI AKO TANGA NO! GRABE HA? PORKET HINDI SINADYANG NABANGGA KA, EH KUNG MAKASABI KA NA AGAD DYAN NG IDIOT EH WAGAS! TSK! HINDI PA NGA AKO HUMIHINGI NG SORRY KUNG ANO ANO NA PINAGSASABI MO DIYAN! PWES! DAHIL SA SINABI MO HINDI NA KO MAGSOSORRY! HMMP!" Grabe! Anong akala niya hindi ko siya papatulan.

"WHAT DID YOU JUST SAID? KAPRE? AKO?" sabay tanggal nung shades niya.

Bakit hindi ko agad napansin na ang gwapo niya? Well, Matangos yung ilong niya, Maganda yung mga mata, Yung labi niya, OMG! paheart shape siya, yung buhok nya clean cut tapos ang tangkad nya hanggang balikat niya nga lang ako. Ang laki rin ng katawan niya kahit nakalong sleeve polo siya at pants feeling ko talaga ang macho niya. hahaha ano ba tong pinag-iisip ko.

"Are you done day dreaming about me?" nangising sabi niya

Haist! Grabe ang gwapo niya, pero ano daw? tapos ko na daw ba siyang pangarapin ng gising? Aba't ang kapal naman ng lalaking to! Gwapo sana, kaya lang sobrang yabang at ang laki ng tiwala sa sarili. tsk!

"Hoy KAPRE! Hindi ha? Sino ka ba sa akala mo? Ang pangit mo kaya Blee!" Grabe! Ang yabang lang ha?

"HEY YOU MIDGET! I have a name and It's not Kapre, By the way I'm Win.... Lyndon" sabay abot ng kamay niya sakin.

Tatanggapin ko ba? Sige na nga, sayang naman yung chance. hahaha pero midget daw? ako? Hindi naman ako maliit ha? HMMPP!

"HEY YOU ALSO! My name is not Midget. I'm Summer, YOU KAPRE!" sabay tampal sa kamay niya. Hah! Nagbago na yung isip ko masyado kasing mayabang. Hmmpp!

"Summer.. Summer.. Well, kaya pala yun yung name mo kasi, kasing init ng name mo yung temper mo" sabi niya na mukhang natatawa pa.

"Anong sabi mo? Grrr!" sabay suntok sa mukha niya. nakailag siya at nahawakan niya yung kanang kamay ko pero... pero... pero...

*Chup*

O.O Did I hear it right? Na..na..na..na..na..HINALIKAN NIYA KO? AT SA LIPS PA! OMG! ANG FIRST KISS KOOOOOOOOO.!!!!!

-------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

Hello po ^_^ Wooo! Sa wakas nakapagsulat na rin. Grabe, hindi ko akalain na magkakaroon ako ng lakas ng loob para gumawa ng story puro read read lang kasi yung ginagawa ko ih. :D hahaha

Sana po magustuhan nyo po ito. Newbie palang kasi ako eh. SARANGHAE ♥_

My Arrogant PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon