Chapter 9: The Offer

23 1 0
                                    

Summer's POV

Wala na umalis na talaga sya. Loko talaga yung baklang yun, parang jinojoke lang eh. Biglang bumawi agad. Haist! Lagot na talaga ko. Kasi naman eh! Bakit kasi inamin ko pa sa baklang yun na may Crush din ako kay Ivan. Ayan tuloy! Huhuhu

"Hi Summer." oh ow! I knew that voice. Huhuhu lagot na talaga

"Hi Best" sabay lingon sa kanya. Ayun si Loko ngiting ngiti. Alam na ba nya? hah? Alam na nya?

"Nakita ko kanina si Stephen ha? May sinabi nga sya sakin eh" ngiting ngiti pa din sya habang sinasabi yan. Haist! Eto na ba talaga? Waaaa! Huhuhu

"Ahhh he he he. Anong sabi nya sayo" wooo! Kinakabahan na talaga ko. Eto na!

"Sabi nya sakin may Crush ka na daw? Sino yun? Uyyyy dalaga na ang Bestfriend ko. Ayieeee!" wew! Muntik na akala ko naman sinabi na talaga hindi sinabi ni Steph yung totoo. I love you Steph! Hahaha

"Ahhh yun ba? Naku wala yun. Tsaka wala akong Crush. Uunahin ko pa ba yun kesa sa problema namin ngayon? Kaw talaga Best. Hahaha"

"weh? Siguro yan yung iniisip mo kahapon no? Kaw ha? Naglilihim ka na sakin. Ano gwapo ba? Mas gwapo ba sakin? Aba't ayaw tumigil, tsaka ang kapal lang daw po. Sya gwapo? Weh? Gwapo naman talaga. Hahaha pero di ako aamin na sya yun. Lelang nya! Mahirap na at baka matulad sya kay Steph. Joke lang. Hehehe

"Wala nga kasi. Kulit! Bahala ka nga dyan" sabay alis sa pwesto ko. Nakatulala lang sya sakin. Baka mamaya pag hindi pa ko umalis dun eh mapaamin ako bigla.

Nakita ko si Nanay sa isang tabi at may kausap na naka.americana ba yun? Ang sosyal lang ha? Nilapitan ko sila.

"and I was saying if you want to have a living you can work to my masters mansion. etc. etc." ano daw? Mansion? As in mansion? Ayyy ang sosyal lang ha? Halata na super yaman.

Ayun si nanay hindi makasagot. Nanosebleed na! Joke lang. Siguro nabigla sya. Ikaw ba naman eh. Bigla nalang may kakausap sayo tapos english speaking pa. Ewan ko nalang kung hindi ka magulat.

"Hi sir, I'm Summer. What job you can offer for me? Sumingit na ko at baka tuluyang manosebleed si nanay. Hehehe

"Sorry miss, but I am not talking to you" then baling ulit kay nanay. Nak nam! Ano daw? Ang taray naman neto? Problema nya?

"Sorry din Sir! *sarcastic* But unfortunately I am talking to you. She is my mother *sabay turo kay mama* you are offering her a job with your master right? But you think in that age she can work fully in a mansion? I can replace her. I don't want my mother to suffer again. So please mister. Ako nalang po oh." wew! Nosebleed te! Hahaha sana pumayag.

"I like you huh? Ok pack your things and we will go to my masters mansion" sabay talikod sya. Agad agad? Nagmamadali may lakad? Pero ayos pumayag sya! Yehey! May matitirhan na kami at take note. MANSION PA! Sosyal na kami!

Niligpit na namin nila nanay yung natira naming gamit. Wala pa din si Autumn nasa school pa eh. Text ko nalang sya kung nasaan kami at mukha talagang nagmamadali si manong na naka.americana. Paalis sana kami ng may humarang sakin na hipon.

"San punta? Tapon basura? Ayyy ikaw pala yung basura so tapon mo sarili mo?" Nakangising sabi nya at may hinunguya na bubble gum. Tsk! Sino pa ba ang bumwibisit sa buhay ko. Edi si Valerie. Ang hilig talaga humanap ng gulo ng babae na to. Nakakagigil.

"Are you referring to yourself?" Hinawi ko sya para makadaan ako. Kainis kita na nga na nagmamadali ako eh.

"ANONG SABI MO?!" Pagalit na sabi nya. Hinawakan nya yung braso ko para mapigilan ako sa paglalakad.

"Hindi ko alam kung bingi ka ba o sadyang bobo ka lang talaga, bitiwan mo ko at baka hindi na naman ako makapagtimpi at masuntok na naman kita." At tanggal ng braso ko sa kanya at sinundan ko si nanay na nauna saking maglakad.

"HOY! HALIPAROT NA BABAE BUMALIK KA DITO! ANONG BINGI AT BOBO ANG PINAGSASABI MO DYAN! YABANG MO AKALA MO KUNG SINO KA! MAHIRAP KA LANG DIN NAMAN." Bla bla bla Hindi ko masyadong pinansin yung pinagsasabi nya. Nonsense lang naman. Tsk! Oo mahirap nga lang kami pero di ko hahayaan na habang buhay lang kaming maghihirap gagawin ko ang lahat para umangat kami sa buhay. Bago ko sumakay ng kotse. Lumingon ako sa lugar kung saan ako lumaki mamimiss ko tong lugar na to. Babalik ako at bibilhin ko yung lupa na tinitirhan namin dati. Napabuntong hininga ko sana matupad ko lahat ang pangarap ko sa panibagong buhay namin at sumakay na ko sa kotse. Niyakap ko si Nanay at sinabi na magiging okay na ang lahat. Sana.

My Arrogant PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon