Chapter 4: Met Him

33 3 0
                                    

Pabalik na kami sa Covered Court ng biglang sumakit ang tiyan ni Autumn. Hindi niya daw alam kung bakit sumasakit, hindi na kami nagdalawang isip pa at dinala na namin agad siya sa Center na malapit lang sa Barangay Hall. Sobrang haba ng pila, kailangan pa namin mag-antay buti nalang at may nakita kaming kakilala at nakita niya ang kalagayan ni Autumn at pinauna na niya kami. Naintindihan naman nung nasa harapan namin kaya nag-pasalamat ako sa kanya.

Ang sabi ng Doctor, may nakain lang masama si Autumn kaya biglang sumakit yung tiyan, mag-ingat nalang daw sa susunod at niresetahan siya ng gamot para mawala na daw yung pananakit, libre naman daw yun. Buti nalang, akala ko kung napaano na siya.

Nakabalik na kami sa Covered Court, nang nakapagdesisyunan na namin na dito na din manatili habang nag-iisip pa kami kung saan titira, tutal naman nandito yung mga kapitbahay namin.

Magpapahinga na si Nanay ng nagpaalam ako sa kanya na may pupuntahan lang ako saglit. Pumayag naman siya at bumalik daw agad ako para makapagpahinga narin. Tinangunan ko lang siya.

Naglalakad ako sa park para makapag-isip isip, Grabe ang dami kasing problema na dumating ngayon hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko ih.

Paano ba naman kasi nasunugan na nga kami, nanakaw pa yung mga gamit na nasalba namin sa sunog tapos kailangan ko pang tumigil na sa pag-aaral para yung kapatid ko muna yung tumuloy sa high school. Hindi na kasi kaya ni nanay na kaming dalawa pa yung mag-aral, pag mamanicure/pedicure lang kasi yung trabaho niya tapos nawala pa yung ipon niya para sa pag-aaral namin. Hayy! Yung magaling ko naman kasing Tatay ayun iniwan kami at sumama sa ibang babae. Ang saklap ng buhay ko di ba? Well, ganyan talaga ang life. Hayyyy!

"Ouch!"

"Aray" sabi ko

Oops! Anong nangyari? Mukhang may nakabangga ata ako? Haist! Super lalim kasi ng iniisip ko ayan tuloy.

"THE HELL! HINDI KASI TUMITINGIN SA DINADANAN! SUCH AN IDIOT! TSK!" sabi niya

Wait? Ano daw Idiot? Tanga daw ako? Ayyy Peste! Kasalanan ko bang malalim yung iniisip ko. Hindi ako papayag! Humanda sya sakin.

"HOY MAMANG MUKHANG KAPRE! ANONG SABI MO NA IDIOT AKO? PARA SABIHIN KO SAYO HINDI AKO TANGA NO! GRABE HA? PORKET HINDI SINADYANG NABANGGA KA, EH KUNG MAKASABI KA NA AGAD DYAN NG IDIOT EH WAGAS! TSK! HINDI PA NGA AKO HUMIHINGI NG SORRY KUNG ANO ANO NA PINAGSASABI MO DIYAN! PWES! DAHIL SA SINABI MO HINDI NA KO MAGSOSORRY! HMMP!" Grabe! Anong akala niya hindi ko siya papatulan.

"WHAT DID YOU JUST SAID? KAPRE? AKO?" sabay tanggal nung shades niya.

Bakit hindi ko agad napansin na ang gwapo niya? Well, Matangos yung ilong niya, Maganda yung mga mata, Yung labi niya, OMG! paheart shape siya, yung buhok nya clean cut tapos ang tangkad nya hanggang balikat niya nga lang ako. Ang laki rin ng katawan niya kahit nakalong sleeve polo siya at pants feeling ko talaga ang macho niya. hahaha ano ba tong pinag-iisip ko.

"Are you done day dreaming about me?" nangisining sabi niya

Hayy! Grabe ang gwapo niya, pero ano daw? tapos ko na daw ba siyang pangarapin ng gising? Aba't ang kapal naman ng lalaking to! Gwapo sana, kaya lang sobrang yabang at ang laki ng tiwala sa sarili. tsk!

"Hoy KAPRE! Hindi ha? Sino ka ba sa akala mo? Ang pangit mo kaya Blee!" Grabe! Ang yabang lang ha?

"HEY YOU MIDGET! I have a name and It's not Kapre, By the way I'm Win.... Lyndon" sabay abot ng kamay niya sakin.

Tatanggapin ko ba? Sige na nga, sayang naman yung chance. hahaha pero midget daw? ako? Hindi naman ako maliit ha? HMMPP!

"HEY YOU ALSO! My name is not Midget. I'm Summer, YOU KAPRE!" sabay tampal sa kamay niya. Hah! Nagbago na yung isip ko masyado kasing mayabang. Hmmpp!

"Summer.. Summer.. Well, kaya pala yun yung name mo kasi, kasing init ng name mo yung temper mo" sabi niya na mukhang natatawa pa.

"Anong sabi mo? Grrr!" sabay suntok sa mukha niya. Nakailag siya at nahawakan niya yung kanang kamay ko pero... pero... pero...

*Chup*

O.O Did I hear it right? Na..na..na..na..na..HINALIKAN NIYA KO? AT SA LIPS PA! OMG! ANG FIRST KISS KOOOOOOOOO.!!!!!

Nung hiniwalay niya na yung labi niya sa labi ko, nakatulala pa din ako hindi ako makapaniwala na nangyayari. Wala pang nangahas na gawin sakin yun at lalo na yung hindi ko pa kakilala.

Hawak hawak niya pa din yung kamay ko. Nakaramdam ako ng kuryente kaya binawi ko yung kamay ko sa kanya at bigla nalang siyang sinampal. "BASTOS!" maiyak iyak na sabi ko. Feeling ko narape ako. huhuhu First Kiss ko yun ih.

"Tsk! Kunyari ka pa, eh nagustuhan mo naman." pang-aasar niya pa sakin. Aba't!

"Anong sabi mo? Sinong nagsabi sayo na nagustuhan ko, ha? Walang hiya kang lalaki ka! KINUHA MO ANG FIRST KISS KO! Dapat sa mapapangasawa ko yun ibibigay pero dahil sayo nasira na ang pangarap ko. huhuhu BASTOS KA TALAGA!" susuntukin ko ulit sana siya pero mabilis siyang nakakailag.

"What?! Parang Kiss lang, big deal na ba yun? and your lucky because I'm the first one who make the move, some other girls will kneel to me just to kiss them." sabi niya habang umiiwas parin sa mga suntok ko at tumatawa pa siya ng sobrang lakas.

"Para sabihin ko sa'yo, hindi ako kabilang sa mga babaeng pinagsasabi mo, ni hindi nga kita kilala eh. Tapos sasabihin mo pang Lucky ako? Sino ka ba sa akala mong manyakis ka?" hindi ko pa din tinitigilan yung pagsuntok ko sa kanya hangga't 'di ko siya tinatamaan, nakakairita na talaga siya.

Sakto namang dumaplis yung kanang kamay ko sa kanya nung nagkamali siya ng pag-iwas. Yes! Nasuntok ko din!

"Dapat lang sayo yan, manyakis ka kasi." natatawa ko sa itsura niya, kitang kita sa kanya na parang ngayon palang siya nasuntok at babae pa.

"Ouch! That Hurts!, You! Argg! If you don't stop punching me, I will not have a second thoughts just to kiss you again." nanlilisik yung mga mata niya. Nakaramdam ako ng konting takot. Paano kung totohanin niya yung sinabi niya? Hindi na ko papayag na yung second Kiss ko eh mapunta ulit sa kanya? Hindi pwede!

"FINE! Pero magsorry ka muna sakin. That kiss was suppost to be in my future husband, hindi lang sa isang katulad mo dapat mapunta yun" nakakagalit pa din siya. Gusto ko ulit siyang suntukin baka kasi totohan niya talaga yung banta niya.

"Ok, sorry. Are you happy now? Well, boring ka namang halikan" nakangising sabi pa niya.

Aba talagang ginagalit ako ng lalaki na to ha? Napakayabang! Grrr! Nag-sorry nga mukang di pa sincere. Bwisit!

"EWAN KO SAYO!" tinalikuran ko na siya. Nakakainis! Bakit ba parang sobrang 'swerte' *sarcastic tone* ko naman ata ngayon? Bwisit!

My Arrogant PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon