Chapter 7: My Prince?

49 1 0
                                    

Ang bait talaga ni Best kahit matagal kaming hindi nagkita at mayaman na siya hinding hindi niya pa din kami nakakalimutan nandiyan parin siya para sa kinilala niyang pamilya at syempre pati na din sa pamilya ko, sa totoo lang Crush ko siya kasi naman lahat ng gusto ko sa lalaki nasa kanya na lahat. Hindi katulad ng manyakis at bastos na lalaki na yun, ibang iba siya sa Best ko. Mukhang kahit konti walang dumadaloy sa dugo nun na maging Gentleman eh. Sarap niyang suntukin. tsk!

"Earth to Summer. Hoy Best!" sigawan ba naman ako ni best.

"Ayyy palaka! Ano ba bat ka ba nanggugulat?" habang kinakilot yung tenga ko. Sumigaw ba naman kasi sa mismong tenga ko di ba? Buti nalang hindi ako nabingi.

"Paanong hindi ka sisigawan eh nakatulala ka na naman diyan. Tapos alam mo naman na ayaw ko na nakabusangot yang mukha mo lalo kang pumapangit ih." sabay pisil niya sa magkabilang pisngi ko at sabay hinila.

"Ang pangit mo talaga Best! hahahaha" Aba't kelan pa naging sadista tong anghel kong Bestfriend.

"A-aray! P*shsha nyaman ow! Mashakit Bhesh!" hinahawi ko yung mga kamay niya na nakapisil sa magkabilang pisngi ko. Seryoso masakit talaga.

"HAHAHAHAHA may tinatago ka palang kacutetan? Naku Best tago mo nalang yan ha? Kasi hindi naman bagay sayo. hahahaha" Sige tawa pa. huhuhu :'( konti nalang maiiyak na talaga ko.

"Bhesh nyaman ih. hyuhyuhyu!" Ayan na! Totoo naman kasing masakit ih.

"Awww! Wag ka ng umiyak Best, hindi ka na mabiro. Sorry na. Shhhh" niyakap niya ko habang hinahagod yung likod ko para patahanin. Kasi naman iba na talaga siya. Oo nandun pa din yung nga ugali niya na nagustuhan ko may pakasadista na kasi siya ngayon. Pinipisil na niya yung pisngi ko. Haist! Ganito talaga siguro pag pumupunta ng ibang bansa. Pero ok na din yun kesa naman yung bigla nalang nanghahalik diba?

"Ok na ko Best. Kasi naman wagas ka kung makapisil eh, ang sakit kaya. Loko ka talaga! hehehe" sabay punas ng luha sa mata ko.

"Bakit ba kasi ang lalim lagi ng iniisip mo? Ano bang problema natin? Hindi niya pa din inaalis yung pagkakayakap sakin.

Gusto ko pa sanang umiyak ulit kaya lang nakakahiya na sa kanya tsaka ayoko maging pabigat no. Bestfriend ko siya pero hindi naman sa lahat ng oras eh umasa ako sa kanya. Siguro nga ngayon lang ulit kami nagkita pero nakakahiya pa din. Haist!

"Best, ano ba talagang problema? Sabihin mo na sakin, ikaw naman parang hindi tayo magkaibigan niyan eh." kumalas siya sa pagkakayakap sakin pero yung kamay niya nasa magkabilang balikat ko.

"Wala talaga Best. Promise! Siya nga pala kamusta yung pag-aaral mo?" paglilihis ko ng usapan namin mahirap na at baka masabi ko na naman sa kanya yung dinaramdam ko.

"Ayun mabuti naman, kumukuha ako ng Agriculture para naman may katu-katulong si Dad sa Hacienda." bumalik na ko kung saan kami nakapwesto nila Nanay at sumunod naman siya sakin.

"Ahhh ganun ba? Bongga kana talaga ngayon Best. Parang dati lang tulo uhog ka pa, ngayon eh may pahacien-Hacienda ka na." biro ko sa kanya, kasi naman parang ang hirap na nyang abutin ngayon.

"Anong tulo uhog ka diyan? Ikaw kaya yun. Pag naghahabulan nga tayo palagi mong pinupunasan yung uhog mo. Hahahaha"

"Aba't!? Makatawa ha? Ikaw kaya yun! Hmmp!" nakakainis na talaga siya.

"Ahhh pikon, hindi ka pa rin nagbabago. Uhugin at pikunin ka pa din. HAHAHAHAHA" tawa pa din siya ng tawa.

"Hmmp! Ewan ko sayo!" Minsan na nga lang kami magkita naisingit niya pa yun pang-aasar niya. Tsk!

"Ok Sorry na. 'to naman hindi mabiro" pinisil na naman niya yung pisngi ko. Ayos manggigil, Ano po?

"Hoy Best, Sorry na nga eh." Bahala siya diyan.

"Haist! Sige na nga. Aalis na ko ayaw mo naman akong pansinin eh." humakbang na siya paalis sa pwesto ko ng nakayuko ang ulo.

"Ang drama neto. Hoy Besh, wag ka ng mag-emote pa diyan. Tara nga ulit dito, hindi pa kaya tayo tapos mag-usap." pag tawag ko sa kanya.

"Ikaw naman kasi binibiro ka lang, napikon ka naman agad." bumalik siya sa pwesto ko at may halong pagtatampo. Aba't siya pa ang nagtampo ngayon ha?

"Ok sige hindi na. Wag ka ng maglungkot lungkutan diyan at hindi naman bagay sayo lalo kang pumapangit. hahahaha" Now, its my turn.

"Tsk! Ikaw naman ngayon yung nang-aasar." nakasimangot niyang sabi sakin.

Hindi pa din matapos ang kulitan naming dalawa. Nagkikilitian din kami. Panandaliang nawala ang mga problema ko. Ibang klase talaga 'tong si Ivan.

"Ivan? Tutoy? Ikaw na ba yan?" biglang may nagsalita sa kalagitnaan ng kulitan namin.

"Aling Martha, kayo po pala. Kamusta na po kayo?" nakangiting sabi ni Best kay Nanay. Akala ko naman kung sino.

"Naku mabuti naman ako kahit maraming pinagdadaanan ngayon. Ok na ok lang kami. Ikaw na ang kamusta ngayon? aba't lalong gumwapo ka ata ngayon ha? Ibang iba na ang itsura mo nung huli kitang nakita." nakangiti ring sabi ni Nanay.

"Naku hindi naman po." Napapakamot sa batok si Best.

"Anong hindi ka riyan, napakagwapo mo kaya. Bagay kayo nitong si Summer." Abo't tenga na ngayon ang ngiti ni Nanay.

"Nay, ano po ba yang pinagsasabi niyo?" sumingit na ako at baka kung saan pa mapunta yung usapan nila at madulas pa 'tong si Nanay. Alam niya kasi ng may Crush ako dito kay Ivan.

"Bakit? Totoo naman ha? Gwapo itong si Ivan at Pangit ka naman, oh diba Beast and Handsome lang kayo. Syempre ikaw yung Beast. Hahahaha" Sige Nay, mang-asar ka pa. Parehas kayo nitong si Ivan eh no?

"Nay naman eh. Tama na nga po yan. Tsk!" Nakakainis naman oh. Tawa naman ng tawa rin' tong si Best.

"Aling Martha, una na po ako. Medyo madilim na po kasi. Kailangan ko pa pong bumalik sa Hacienda, dinalaw ko lang po talaga sila Nanay pati na rin po kayo." pagpapaalam ni Best. Hindi namin napansin na medyo madilim na pala. Naaliw kasi kami sa pakikipagkulitan eh.

"Ganun ba? Sige sige baka hanapin ka na din sa inyo. Salamat pala sa pag-aalala mo samin ha? Hindi ka pa din nagbabago na bata ka. Napakabait mo pa din."

"Naku, wala po yun *smile*, Sige po. Best uwi na ko. Salamat pala ha. Namiss kitang kakulitan." Niyakap niya ko at naglakad na paalis.

Hay, nakakamiss nga siya. Sana maulit pa 'to ulit. Kahit mukhang lalo siyang kumulit eh ang sarap niya lalong kasama. Hindi katulad ng lalaki na yun. Napakayabang, puro hangin lang ang laman ng utak! Hmmp! Ano ba 'to kanina pa sumisingit yung bwisit na lalaki na yun. Sana hindi na kami magkita pa ulit.

My Arrogant PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon