Chapter 1: Problems

51 2 0
                                    

SUMMER's POV

"Ok, Class Dismiss!" sabi ng professor namin.

Hayy! Sa wakas makakauwe na din, medyo stress ako nitong mga nakaraang araw ang dami kasing projects tapos malapit na din yung Prelims namin. Haist! Ang hirap ng buhay kolehiyo pero ganun talaga kailangan kong mag-aral ng mabuti para sa pamilya ko.

Naglalakad na ako pauwe papunta sa bahay namin, malapit lang naman samin ang pamantasan. Dito talaga ko nag-enroll para mas malapit lang pwedeng lakarin pag wala akong pamasahe pambayad sa jeep. Sakto lang kasi yung binabaon ko dahil hirap talaga kami ngayon.

Malapit na ko samin ng may napansin akong makapal na usok, medyo kinakabahan ako kasi parang dun sa iskinita namin nanggagaling yung makapal na usok na yun. Hindi na ko nagdalawang isip pa at tumakbo na ko kahit ang dami kong dala na libro, masama kasi talaga yung kutob ko.

Habang papalapit na ko samin bigla akong napatigil, tama nga ang hinala ko, dun nga sa iskinita namin nanggagaling yung SUNOG! Kaya tumakbo na ulit ako para puntahan ang bahay namin at hindi ko inaasahan ang nangyari. Ang dami ng nasusunog na bahay at madami ding mga bumbero na nagtutulungan para maapula ang malakas na apoy.

Nagulat ako ng makita ko na nasusunog na din ang bahay namin. Hindi ko napigilang mapaiyak dahil sa mga nakikita ko, nandun pa naman sa loob ng bahay yung Uniform at ibang libro na hiniram ko sa library. Paano na ito? Umiiyak ako ng naalala ko sila Nanay at Autumn kailangan ko silang hanapin, para malaman ko kung ligtas silang dalawa. Mas maaga kase yung uwian nila Autumn kesa sakin tapos hindi ko naman sigurado kung maagang umuwe si Nanay ngayon dahil minsan alas otso na ng gabi umuuwe yun pag maraming nagpapalinis sa kanya ng kuko pero sana nakauwe agad siya para naman hindi siya masyadong mag-alala kung anong nangyare kay Autumn, nang mapatingin ako sa isang tabi nakita ko sila na nakaupo sa gilid at umiiyak habang pinapanuod ang nasusunog namin na bahay.

Nilapitan ko sila...

"Nay, Bunso" sabay yakap ko sa kanila Hayy! Buti naman at ligtas sila.

"Aaa..nak, huhuhuhu" sabi ni nanay na yumakap din sakin

"Ate.." pati na din si Autumn

"Nay, ano pong nangyari? bakit nagkasunog tsaka may nailigtas ba kayo na mga gamit natin?" tanong ko sa kanila nung kumalas na ko sa pagkakayakap namin at humawak sa kamay ni Nanay

"Pauwe na ako nun galing dun sa bahay nung pinagmanicuran ko ng may napansin akong malaki na usok at parang dito nanggagaling sa iskinita natin kaya tumakbo na agad ako para puntahan tong kapatid mo dahil alam ko na nakauwe na sya tapos pag punta ko dito sa bahay natin isang bahay nalang ang agwat satin nung sunog, kaya pumasok na ko sa loob bahay at nakita ko naman tong kapatid mo na nilalabas na pala yung mga importanteng gamit natin kaya tinulungan ko na din sya bago pa umaabot satin yung sunog. Kaya lang anak hindi ko na nailigtas yung mga damit natin dahil natataranta na ko" sabi niya medyo nanginginig pa ang mga labi. Naramdaman ko na kinakabahan siya at parang natatakot na hindi alam ang gagawin.

Parehas lang pala yung instinct namin na sa iskinita namin nanggagaling yung sunog. Buti nalang pala at umuwe agad sya.

"Pero ano daw po ang dahilan at nagkasunog? Ano daw po yung dahilan at saan nagsimula?" tanong ko ulit sa kanya parang natanong ko na to kanina, hindi niya kasi sinagot agad.

"Ate, ang pagkakarinig ko sa mga kapitbahay natin kanina nung nililigtas ko yung mga gamit natin. Galing daw dun kala Aling Isay yung sunog nakalimutan daw kasing patayin yung Kandila nila, eh nakatapat daw dun sa may Kurtina kaya ayun nagkasunog" si Autumn yung sumagot dahil ayaw pa din tumigil ni Nanay sa pag-iyak.

Anak ng! Hindi naman Brownout ha? Bakit may KANDILA?

"Ehhh Bunso hindi naman Brownout diba? Bakit meron silang kandila?" tanong ko sa kanya na hindi ko pa din mapigilang magtaka.

"Hindi daw kasi nakapag-bayad ng kuryente kaya nagkandila sila" sabi niya habang nakatingin sa bahay namin, na tinutupok ng malakas na apoy.

"Ano ba naman yan hindi kasi sila nag-iingat pati tuloy yung mga kapitbahay nila eh nadamay pa. tsk! pero Nay paano na to? Saan na tayo titira?" baling ko naman kay Nanay, nakakapang-init ng dugo. Paano na kami ngayon? hindi ko mapigilang pagmasdan yung bahay namin na hanggang ngayon tinutupok pa din ng malakas na apoy.

"Hindi ko alam Anak, wala naman tayong ibang kamag-anak dito sa Maynila kaya hindi ko alam kung saan tayo mananatili ngayon." sabi niya habang umiiyak pa din.

Paano na to? San na kami ngayon titira? :(

4 hours later.....

Medyo lumalalim na ang gabi nang naapula ang apoy at nanlumo ako sa mga nakikita ko, halos naubos na lahat ng bahay dito sa iskinita namin at kasama na doon ang bahay namin. Dikit dikit kasi ang mga bahay dito kaya mabilis kumalat ang sunog at nahirapan maapula ng mga bumbero ang malakas na apoy.

Kinakausap namin yung mga kapitbahay namin at nagkakamustahan nang biglang dumating yung Barangay Captain, may dala siyang mega phone at mayroon siyang inaanounce.

Ang sabi niya samin, pwede muna daw kaming manatili sa Covered Court habang nakakapag-isip isip kami kung san na kami titira ngayon, may pagkain naman daw doon. Kaya lang nagdadalawang-isip kami kung doon kami tutuloy pansamantala, sobrang dami namin na nasunugan, hindi kami magkakasyang lahat dun at mahirap pag doon kami tumuloy, sa gamit palang namin malaking space na ang kakainin paano pa yung ibang pamilya na nasunugan din diba?

Kaya napagdesisyunan nalang namin na dito sa tabi manatili at magpahinga pansamantala para mabantayan na din yung mga gamit na nailigtas kanina.

Napapaisip pa din ako kung ano dapat naming gawin ngayon at san na kami titira bigla akong napalingon sa tabi ko nakita ko sila Nanay na natutulog na. Medyo napagod daw kasi sila kanina sa pagsalba ng mga gamit namin. Kung alam ko nga lang na mangyayari to edi sana lumiban muna ko sa klase. Nakakaawa na din kasi si Nanay simula nung iniwan kami ni Tatay siya na ang nag-alaga at nagtutustos sa pangangailangan namin. Sobrang laki na ng sakripisyo niya saming dalawa ni Autumn. Hindi ko mapigilang manlumo dahil sa mga nangyayari samin ngayon.

Bakit kailangan mangyari ang lahat ng to? Anong kasalanan namin para parusahan kami ng ganito? Wala naman kaming inaagrabyado na ibang tao tsaka naging mabuti at masunurin naman akong anak ha? Hayy! Pero malalampasan din namin ang lahat ng pagsubok na dumadating sa buhay namin. Alam ko may plano Sya para samin at hindi Nya kami papabayan. Hindi Nya kami bibigyan ng problema kung hindi naman namin kayang lutasin at hindi ako mawawalan ng pag-asa dahil alam ko lagi lang Syang nadiyan para patnubayan kami sa lahat ng oras. Basta manalig lang kami sa Kanya. Kaya, Kaya namin to! Kaya ko to! Fighting Ma. Summer Guillermo!

My Arrogant PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon