"Walang hiyang lalaki yun, ang kapal ng mukha! Tsk." Hindi ko mapigilang mapapadyak sa inis. Bwisit! Bwisit!
"Oh anak, saan ka ba nagpunta at mukhang ang tagal mo ata? Tsaka bakit nakabusangot yang mukha mo? bungad na tanong agad sakin ni nanay, pagkabalik ko sa Court.
"Wala to Nay, medyo masama lang po yung pakiramdam ko." ayokong sabihin kay Nanay yung totoong nangyari, mahirap na at baka magalit pa siya sakin.
LYNDON's POV
Napagdesisyunan kong lumabas muna sa kotse ko at maglakad lakad, medyo badtrip ako ngayon. Hindi ko kasi expected yung balitang nakarating sakin ngayon, gusto ng Dad ko na ako na ang magtake over ng company namin. Hindi naman sa ayaw ko, kaya lang kasi mawawalan na ako ng time para mag-enjoy. Paano nalang ang mga Babe ko. Oo, mga babe ko, Marami akong mga babae. Sa gwapo ko ba naman na ito magpapahuli pa ba ko? Tsk! Wala eh, gwapo talaga ko. *smirk*
Iniisip ko pa din yung mga sinabi sakin ni Dad ng bigla nalang akong may nabangga na unano. Well ang liit nya kasi, sa tangkad ko ba naman na to syempre mukha siyang unano para sakin. Hahaha XD tsaka yung mga EX at mga Girls ko, eh matatangkad talaga. Model, beauty queen at mga anak naman ng mga kabusiness partner ni Dad. Kaya para sakin unano talaga itong nakabangga ko, tapos mukha pang baliw. Tulala ba naman eh hindi nga napansin na nabangga niya na ko.
"THE HELL! HINDI KASI TUMITINGIN SA DINADANAN! SUCH AN IDIOT! TSK!" sinigawan ko siya para naman magising yung diwa niya. Wala talaga eh mukhang lutang na lutang siya.
"HOY MAMANG MUKHANG KAPRE! ANONG SABI MO NA IDIOT AKO? PARA SABIHIN KO SAYO HINDI AKO TANGA NO! GRABE HA? PORKET HINDI SINADYANG NABANGGA KA, EH KUNG MAKASABI KA NA AGAD DYAN NG IDIOT EH WAGAS! TSK! HINDI PA NGA AKO HUMIHINGI NG SORRY KUNG ANO ANO NA PINAGSASABI MO DIYAN! PWES! DAHIL SA SINABI MO HINDI NA KO MAGSOSORRY! HMMP!" Woah! Palaban. I like that. *smirk*
"WHAT DID YOU SAID? KAPRE? AKO?" tanong ko sa kanya. Anyway hindi ko alam yung Kapre thingy. Tinanggal ko yung shades ko.
Ok, natulala ulit siya, sabi na nga ba eh magwagwapuhan sakin tong unano na to. hahaha
"Are you done day dreaming about me?" nakangising sabi ko sa kanya. Grabe kasi nakatulala talaga ng literal.
"Hoy KAPRE! Hindi ha? Sino ka ba sa akala mo? Ang pangit mo kaya Blee!" Woah! yan na naman siya sa Kapre niya. Seriously? Hindi niya ako kilala? Sa gwapo kong to, hindi niya ko kilala? What an interesting girl.
"HEY YOU MIDGET! I have a name and It's not Kapre, By the way I'm Win.... Lyndon" Cool na cool na pakilala ko sa kanya.
"HEY YOU ALSO! My name is not Midget. I'm Summer, YOU KAPRE!" Binalewa niya kung pakikipagkamay ko. Grabe talaga 'tong babae na ito. Sobrang palaban.
"Summer.. Summer.. Well, kaya pala yun yung name mo kasi, kasing init ng name mo yung temper mo" hindi ko mapigilang matawa, ang cute kasi nung name niya sa liit niyang yan. ehh napaka hot tempered.
"Anong sabi mo? Grrr!" Sh*t balak niya kong suntukin, Buti nalang nakailag ako. ayos talaga tong babae na ito. Maturan nga ng leksiyon.
*Chup*
Ang lambot ng mga labi niya. Gusto ko pang patagalin to, kaya lang baka naman hanap hanapin na niya. Nilayo ko na yung labi ko sa kanya. Nakatulala pa din siya. Ang cute niya talaga.
Binawi niya yung kamay na hawak ko nung mukhang natauhan na siya. "BASTOS!" Ouch! The hell! Ang sakit nun ha? Ang bigat ng kamay niya.
"Tsk! Kunyari ka pa, eh nagustuhan mo naman." Maasar na nga lang, masakit talaga yung pagkakasampal niya sakin.
"Anong sabi mo? Sinong nagsabi sayo na nagustuhan ko, ha? Walang hiya kang lalaki ka! KINUHA MO ANG FIRST KISS KO! Dapat sa mapapangasawa ko yun ibibigay pero dahil sayo nasira na ang pangarap ko. huhuhu BASTOS KA TALAGA!" May Maria Clara pa rin pala ngayon? nakakatawa 'tong babae na 'to. Akma na naman siyang manununtok. Ilag dito, Ilag doon.
"What?! Parang Kiss lang, big deal na ba yun? and your lucky because I'm the first one who make the move, some other girls will kneel to me just to kiss them." Ang lakas ng loob niyang suntukin ako hindi naman tumatama. Hahaha XD
"Para sabihin ko sa'yo, hindi ako kabilang sa mga babaeng pinagsasabi mo, ni hindi nga kita kilala eh. Tapos sasabihin mo pang Lucky ako? Sino ka ba sa akala mong manyakis ka?" ayaw niya pa din tumigil sa pagsuntok. Pag bigyan ko na nga, kawawa naman siya eh, para siyang sumusuntok sa hangin. Pinadaplis ko ng konti yung suntok niya sa mukha ko. Ayun ngiting ngiti.
"Dapat lang sayo yan, manyakis ka kasi." tawa siya ng tawa parang baliw lang. ang cute niya kaya lang parang lalaki kung makasuntok. Bakit kasi pinayagan ko pang dumaplis yung suntok niya sa mukha ko.
"Ouch! That Hurts!, You! Argg! If you don't stop punching me again, I will not have a second thoughts just to kiss you again." pinanlisik ko yung mata ko naiinis na ko sa babaeng to ha.
"FINE! Pero magsorry ka muna sakin. That kiss was supposed to be in my future husband, hindi lang sa isang katulad mo dapat mapunta yun" Nakakatawa talaga siya ayaw niya parin tumigil sa first kiss first kiss na yun. Ganun ba kabig deal yun? Parang Binuntis ko siya kung makapag-react siya. tsk!
"Ok, sorry. Are you happy now? Well, boring ka namang halikan" *smirk*
"EWAN KO SAYO!" tinalikuran na niya ko. tsk! napikon. Hindi naman talaga siya boring eh. Gusto ko ngang patagalin pa kaya lang baka isipin naman nun na may gusto ako sa kanya. Ako, Si Lyndon Paraiso magkakagusto sa babae? Imposible yun. Ang mga babae ang nagkakagusto sakin tsaka hindi rin ako nanliligaw, hindi uso sakin yun. Sila pa nga nanliligaw sakin eh. Wala eh ganun talaga pag gwapo.
Nung tumingin ako sa direksyon kung saan naglakad yung babae kanina. Wala na siya. Magkikita pa kaya ulit kami? Ang sarap niya kasing asarin tapos natatawa talaga ko dun sa First Kiss na sinasabi niya. Maria Clara in 21st Generation, magkikita ulit tayo. Mag-antay ka lang *smirk* Sabay balik ko sa kotse ko at pinaandar na ito ng mabilis.
BINABASA MO ANG
My Arrogant Prince
RomanceHindi inaasahan ni Summer na isang araw eh makikita nya ang kanyang Prince Charming este ang kanyang Arrogant Prince.