LYNDON'S POV
Nandito ako ngayon sa may music room dahil bored na bored na talaga ko. Tsk! Ang tagal naman kasi ni Louis, sabi nya kasi sakin eh nakahanap na daw sya ng papalit kay Manang Linda sya yung matagal ng naninilbahan dito sa mansion at sya din yung nagpalaki sakin dahil laging puro business lang ang inaatupag nila mom and dad. Well, that's okay I can do what I want and I can get what I want. So dahil sa nagkakaedad na din sya, kailangan nya ng magpahinga dahil nagkakasakit na rin sya, pero nandito pa din naman sya sa may mansion dahil na din sa utos ko hindi na kasi sya nagkaroon ng pamilya pa dahil inuna nya muna ang family namin kesa sa personal nyang buhay.
*toktok*
"Bukas yan"
"Master, nandito na po si Butler Louis at kasama nya na po yung papalit kay Manang Linda" sabi nung isa sa mga maid namin.
"Ok, I will meet them later sa living room and tell Louis to go in my dad's library room I wanna talk to him."
"ok sir, mauna na po ako"
"ok" then niligpit ko na yung gitarang hawak ko kanina at pumunta na sa library room.
SUMMER'S POV
Finally! Papunta na kami sa Master's Mansion. Grabe nakakaeexcite na kinakabahan ako. Mukhang super yaman naman kasi talaga nung magiging amo namin. Obvious naman diba Summer? Mansion nga eh? Sabi ko nga. Sorry naman daw.Hahaha
May nakita kong malaking gate at may signage sa taas nito "Paraiso Mansion" then bigla automatic na nagbukas yung gate at tinahak na namin yung daan papunta sa mansion. Grabe! Ang ganda talaga, mukhang hindi ko na kailangang umalis ha? Dito nalang kaya ako tumira? as if naman Summer diba? Ambisyosa lang te? Sorry naman daw, Feelingerang frog lang.
"Miss pwede na po kayong lumabas"
Ayyy! Antaray di ko napansin na nandito na pala kame, ganun pala katagal ang pagdeday dream at pakikipag-usap ko sa sarili ko?
"ahh sige po salamat"
Pag labas ko ng pinto
O.M.G! Totoo ba tong nakikita ng beautiful eyes ko? Nasa england na ba ko? Bakit may palasyo? Diba sabi ni Mr. Louis Mansion lang? Mansion ba to? Ehh palasyo na to eh!
Habang naglalakad kami papunta sa napakalaking pintuan hindi ko mapigilang hindi kabahan, kulang na nga lang mawiwi ako sa salawal eh.
Bumukas yung malaking pinto at pumasok na kami sa loob
"WOW!" kung maganda sa labas mas maganda sa loob. Grabe totoo ba lahat ng to?
Puro mamahaling gamit na pinaghalong antiques at modern na mga gamit. Pero ang mas pumukaw ng atensyon ko yung sobrang laking painting na sa may receiving area. May dalawang mukhang matanda na magkahawak kamay na nakaupo sa sofa. Tapos may lalaki nakaakbay sa babae mukhang mag-asawa ata at dalawa pang lalaki na medyo kaedad ko yung isa.
Weird kasi parang nakita ko na somewhere yung isang lalaki eh?
"Miss Summer, first I want to welcome you to our master's mansion, the Paraiso Mansion. I'm really glad that you agreed to work here and second our master want to meet and talk to you, so I will ask some of the maids here to accompany you to the living room." Mahabang detalye sakin ni Mr. Louis, ewan ko parang kinabahan ako ng matindi dun sa sinabi nyang gusto akong makilala nung master nila. Hala? Baka kamukha ni Hulk yun. Lagot na ko pero wag naman sana *cross finger*
"Ok po Mr. Louis, Thank you po" Umalis na sya, kinakabahan talaga ko.
"Anak, sigurado ka na ba na gusto mong magtrabaho dito? Mukhang ang daming gagawin eh, baka mapagod ka ng sobra dito" Halata sa boses ni nanay na nag-alala talaga sya sakin.
"Nay, kaya ko po ito ok? Tsaka sanay naman po ako sa gawaing bahay diba? Para din naman satin to eh, wag na po kayong mag-alala ha?" Nag-uusap pa din kami ni nanay ng bigla namang dumating yung isa sa mga maid. Ang ganda ng uniform nya. White and Pink yung kulay tapos yung design parang sa mga anime maid cafe.
"Miss, ako yung inutusan ni Butler Louis na samahan kayo papuntang living room" seryosong sabi nya sakin.
"Ay sige, Salamat po" at nakasunod naman kami sa kanya nila Nanay.
"Umupo muna kayo at parating na din si Butler Louis at si Master" at umalis na sya sa harapan namin.
Pagtalikod nya tsaka kami umupo sa sofa. Grabe sobrang lambot ng foam para kang nakaupo sa ulap habang naghihintay kame nilibot ko yung mata ko sa living room nila, sobrang ganda talaga ng mga gamit nila tapos nakita ko pa sa kanan ko na may malaking salamin na parang pintuan at may mga upuan. Sarap sigurong magpahangin dun.
"Ehem" may malaking boses ako na narinig so napalingon agad ako kung san nanggaling ang boses na yun. Si Mr. Louis lang pala.
"Again welcome to our master mansion so Summer you are now working for my master as his personal assistant. There are three rules for you. First, you must obey him at all times, Second, you can't stare at him and Lastly,..."
"Louis, let me finish what are you telling to them" May boses lalaki na palapit sa direksyon namin. Hala, baka sya na yung tinatawag na Master.
"Ok Master" sabay gumilid si Mr. Louis. Hala sya nga! Napayuko ako sa sobrang kaba.
"Who will be my assistant?" Maawtoridad na tanong nya. Grabe mas lalo akong kinabahan.
"She is." Naramdaman ko na ako yung tinuro ni Mr. Louis. Hindi po ako yun. Huhuhu
"So you are the one, I think Louis told you what are my rules except one. Well, I will tell the last rule later. So go work now" at may narinig na kong mga yapak paalis. So ganun nalang yun? Akala ko pa naman tutuloy nga yung last rule last rule na yun. Kinabahan pa ko. Whew.
May tinawag na isang maid si Mr.Louis para samahan kami sa maid's quarters bandang kaliwa sya ng mansion tapos nakita ko na sobrang daming pinto tumapat kami sa isa nun at binuksan nung kasama naming maid.
"Dito ang kwarto nyo, nandyan na din ang mga uniform at iba pang gamit. Babalikan ko kayo dito after 2 hours at kailangan nakahanda na kayo lalo ka na *nakatingin sya sakin*" at lumabas na sya ng kwarto.
Malaki yung kwarto may dalawang double deck, may isang malaking aparador, may aircon at higit sa lahat may sarili itong cr. Mas ok na din pala na pumayag kaming magtrabaho dito. May matitirhan na kami at hindi na din kami mamomroblema sa pagkain at pera. Nag.ayos na kami ng mga gamit namin at nang matapos na kami nagbihis na kami ni nanay ng maid uniform. Sya color reen at white simple lang sya. Yung sakin naman kagaya nung sa maid dito yung white and pink at may nakita akong snowflake sa kaliwang laylayan nung palda. Hiwakan ko ito at nagtataka ko kung para san yun. Siguro design lang yun at tsaka niyaya ko na si Nanay na lumabas ng kwarto namin.
BINABASA MO ANG
My Arrogant Prince
RomanceHindi inaasahan ni Summer na isang araw eh makikita nya ang kanyang Prince Charming este ang kanyang Arrogant Prince.