Chapter 3: Back in the Past?

34 2 0
                                    

Hindi na kami nakatiis at pumunta nalang sa Evacuation Center tutal naman wala na kaming gamit. Nakakapagsisi tuloy na hindi pa kami tumuloy agad dito, at least dito kahit mainit at masikip eh ligtas kami at hindi pa sana nawala or sabihin na nating nanakaw yung mga gamit namin.

Habang papasok kami ng gate, may tumawag sakin "Hoy Summer, bakit ngayon lang kayo pumunta dito? Siguro nag-inarte ka na naman no? Nasunugan na nga yung kaartehan pa yung pinapairal eh ano pa bang aasahan ko sayo eh maarte ka naman talaga kahit wala ka naman dapat ikaarte." Hindi ko masyadong naintindihan yung huling sinabi niya, medyo mahina kasi pero alam kong may sinabi siyang hindi maganda. Well she's Valerie, my neighbor/ex-friend, gusto nyo bang malaman kung paano ko sya naging ex-friend or should I say great enemy. I really hate her!

"Pakielam mo ba? Tsaka para sabihin ko sayo hindi ako maarte, pero kung maarte man ako, FINE! at least hindi ako malandi na kagaya mo." ininsulto niya ko, pwes ibinalik ko lang sa kanya yung pangiinsulto niya sakin pero totoo naman talaga yung sinabi ko about sa kanya, kilala siya samin bilang kaladkaring babae.

"ABA'T, ANONG SINABI MONG HALIPAROT NA BABAE KA?" halos lumuwa na yung mata niya sa sobrang galit. Bingi ba siya? or tanga talaga? Narinig naman niya yung sinabi ko.

"YOU HEARD WHAT I SAID, SO STOP INSULTING ME INFRONT OF MANY PEOPLE. I'M TOO MORE DECENT, COMPARED TO YOU. BITCH! Hindi ko na talaga napigilan pa ang galit ko, okay pa sakin na sabihan niya ko ng maarte, wag lang yung mas malala pa dun. OMG! Ni hindi nga ko lumalabas ng bahay pag gabi na eh, tapos sasabihan niya ko na haliparot? HOW DARE HER!

"HINDI PORKET NAG-AARAL KA, EH AKALA MO NA KUNG SINO KA! MAY PA-ENGLISH ENGLISH KA PA DIYAN HA?!" akmang aabutin niya ang buhok ko para sabunutan buti nalang at nakailag ako. whew! muntik na ako dun ha, pero ano ba naman tong mga kapitbahay namin ni hindi man lang kami awatin, mukhang nageenjoy pa nga yung iba at nag-chicheer pa.

"WHOA! NOT MY HAIR BITCH!" gosh! lumalabas na ang pagiging warfreak/bitchy side ko. kaya ayaw ko ng ganito eh.

"ABA'T IILAG KA PANG HALIPAROT KA HA! aabutin niya ulit ang buhok ko ng naunahan ko at nasuntok ko siya sa mukha niyang puno ng make up. Argg! Medyo napangiwi ako sa sakit, grabe naman kasi sobrang tigas nung mukha niya. Made in rock ba to?

Inalis ko ang mata ko sa kamao ko at tinignan ko sya'ng nakahandusay sa sahig at hindi makapaniwala sa nangyari tapos parang naiiyak pa. Natawa ko sa itsura nya, paano ba naman kasi nakamarka sa pisngi niya yung kamao ko at pulang pula pa. Buti nga sayo! Haliparot pala ha?

"Anak, bakit mo naman ginawa yun? Diba sabi ko sayo pigilan mo yang galit mo at umiwas sa gulo, baka mapaaway ka pa lalo niyan at makarating pa ito kila Tonya" Hindi naman ako natatakot sa kanila.

Kilala sila sa lugar namin na mga warfreak at palagi nalang may kasigawan at kasabunutan minsan pa nga nagpupunitan sila ng damit nung kaaway niya take note sa mismong kalsada pa ng iskinita namin, saan pa ba magmamana ang anak edi sa nanay niya.

"Naku Nay, hayaan mo siya. Namumuro na po kasi sakin yang babaeng na yan tuwing uuwe nalang ako galing sa school kung ano ano na ang pinagsasabi, eh napuno na ko kaya ayan nasapak ko" iiling iling naman si Nanay, hindi pa rin makapaniwala na yung anak niya ay bumabalik parin pala sa dati.

"Tara na nga Nay, pila na tayo,nagugutom na po ako sabi nila may pafeeding daw ngayon. Sayang naman yun." Inaya ko na sila baka hindi ako makapagpigil at masuntok na naman yung babae na yun, pag pumapasok pa din sa isip ko yung pinagsasabi niyang masasakit na salita at pang-aasar sakin, naiinis pa din ako at kumukulo yung dugo ko.

Sino ba naman kasi ang matutuwa sa mga pinaggagawa niya diba? Oo, hindi nga totoo pero ang masama kasi doon naririnig ng mga ibang tao. Ano nalang ang iisipin nila sakin? Syempre kahit papaano nag-alala pa din ako. Ano nalang mararamdaman ni Nanay pag nalaman niya na kalat na sa buong street namin na Maarte, Haliparot, Malandi at Maduming Babae ako?

Nakapila na kami ng biglang may humablot ng buhok ko mula sa likod ko "ARAY!" napasigaw ako sa sobrang sakit. Marahas akong tumingin sa likuran ko at nakita ko yung mag-ina na parehas hila-hila yung buhok ko.

"ANO BA?! MASAKIT HA?, ARAY NAMAN!" hindi ako makakalaban sa kanila. 2 vs 1. Great!

"DAPAT LANG SAYO YAN HALIPAROT! ANG LAKAS NG LOOB MONG SUNTUKIN ANG ANAK KO. HUMANDA KA NGAYON SAKIN" sigaw ni Aling Tonya habang hindi pa din tinitigilan ang pagsabunot sakin. Si Valerie naman ay bumitaw na pala sa paghila ng buhok ko at ayun tawa ng tawa na parang nababaliw.

"A-RAY! BITIWAN MO YUNG BUHOK KO! PAG NAKAALIS TALAGA KO SA PANGSASABUNOT MO, MAKAKATIKIM KA DIN SAKIN NG SUNTOK KAHIT MAS MATANDA KA SAKIN!, ARGG! ARAY!" lalo niya pa kong sinabunutan. Mukhang sanay na sanay na nga siya sa pagsabunot halos matanggal na yung buhok ko.

"ABA'T TALAGANG ANG TAPANG MONG BABAE KA HA! NAGAWA MO PANG PAGBANTAAN AKO? HINDI MO BA AKO KILALA? HA?" yung kaliwang kamay niya ay nakasabunot parin sa akin at akmang sasampalin nya ko ng kabilang kamay niya nang biglang may pumigil sa kamay niya at may humawak naman sa kaliwang kamay niya at pinipilit na tanggalin sa buhok ko.

"Tama na po Misis, Bawal pong mag-away dito." sabi nung lalaki. Nakita ko naman na mga Barangay Tanod pala sila. Thank God! Akala ko matatanggal na talaga yung buhok ko. Buti nalang at inawat nila si Aling Tonya kundi kawawa talaga ko sa kanya.

Malaking tao si Aling Tonya kaya inaamin ko kawawa talaga ko sa kanya kung hindi siya inawat kanina ng mga Barangay Tanod.

Lumapit sakin si Nanay na umiiyak na pala. "Okay ka lang ba Anak? Sabi ko naman kasi sayo umiwas ka sa gulo, tignan mo tuloy ang nangyari sayo."

"Okay lang po ako Nay, wala lang to. Wag na po kayong umiyak. Okay lang po talaga ako." pilit akong ngumiti kahit ang totoo eh masakit talaga ang anit ng ulo ko.

Inaya ako ng isa sa mga Barangay Tanod at pinasakay na sa Patrol Car, pupunta kami ng Barangay Hall ngayon, nung naawat na nila kami kanina inimbitahan kaming pumunta doon para mapagusapan ang nangyari kanina at para makapagayos na daw kami. Wala naman daw maganda maidudulot yung pag-away namin. How I wish naisip ng magaling na Valerie na yan bago niya ko sabihan ng masasakit na salita.

Kasama ko si Nanay at Autumn na lumabas ng Barangay Hall, at kasunod namin si Valerie at Aling Tonya na sobrang sama ng tingin sakin na any minute ay sasabunutan na nila ulit ako mas higit pa dun.

Paano ba naman kasi nung kaharap namin yung Lupon kanina, sinisigawan nila ako at ayaw magpaawat, kesyo 'nauna daw akong sabihan ng masasakit na salita yung anak niya' 'sinuntok ko pa daw yung anak niya' at kung ano ano pang kasinungalingan maliban lang dun sa sinuntok ko talaga siya, well she deserves it. At dahil sa nangyari hindi kami nagkasundo pero ako ang kinampihan ng Lupon dahil may mga nakita daw na si Valerie ang nauna at pinagtanggol ko lang ang sarili ko. Kaya masama talaga ang loob ng mag-nanay. Pagkatapos nila ko tignan ng masama nauna na sila samin, hindi ko nalang din sila pinansin. Tama nga si Nanay, umiwas nalang talaga ko sa gulo.

My Arrogant PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon