/ DEC 11, 2017 | 1 0 : 2 3 P . M \
Elle's POV
"Sawang sawa na ako" Isang malakas na pag-iyak nalang ang nagawa. Napaupo ako sa sahig at umiyak ng umiyak.
"Sa tingin mo alam mo lahat ng nangyayari? Hindi porket narinig mo e, paniniwalaan mo na. At hindi lang ikaw ang nagsasawa. Matagal na akong nagsawa sayo."
Hindi ito tipikal na storya, na kapag umiyak ang babae ay papatahanin ka na niya.
Oo, alam kong may mali ako. Tanggap ko yun, kaso di ko na kaya. Sawang sawa na ako sa lahat ng nangyayari sa amin. Puro nalang problema. Siguro na tama na. Tama na. Ito na ang huling desisyon na gagawin ko. Ang huling salitang bibitiwan ko.
"Siguro nga. Kasi madali akong magtiwala..." tumayo ako at nagpunas ng luha. Tinignan ko siya at pilit kong nilakasan ang loob ko na makakaya ko to. "Siguro tama na to. Tama na. Itigil na..." huminga ako ng malalim. "Itigil na natin to. Wag na natin ituloy ang kasal. Maghiwalay nalang tayo." Yun nalang ang mga salitang nabanggit ko sa puntong yun.
Parang binitiwan ko na ang isang bagay na sobrang bigat na matagal ko ng binibitbit.
"Tama. Wag na nating ituloy." Lumaki ang mga mata ko ng bigkasin niya yun. Nagulat ako. Nagulat ako sa narinig ko. Hindi ko inaasahan na bibitaw din siya tulad ko. Hindi ko inakala.
Tumalikod siya at naglakad palabas ng bahay. Kasabay ng malamig na panahon ngayong gabi ang namumugto kong mga mata. Napaluhod nalang ako at umiyak, umiyak ng umiyak ngunit sa mahinang paraan. Ayaw kong iparinig sa sarili ko na wala na talagang pag-asa. Ayaw kong ipakita sa sarili ko na sobrang hina ko.
At doon ko napagtanto na okay lang maging mahina. Dahil sa buhay natin, maraming pagsubok ang dumadating.
Kaya ko nga bang baguhin? O sadyang nakatadhanang wala talagang pag-asa?
Tumayo ako sa kinalalagyan ko at lumabas ng bahay. Isang malakas na hangin ang dumampi sa aking mukha. Sobrang lamig, parang ganito ang kinahinatnan ng aming relasyon. Pumasok ako sa loob at kumuha ng sweater. Sinuot ko ang sweater at lumabas muli para mapag-isa. Nagmuni-muni at kung saan-saan naglakad.
Masasabi ko na masaya mapag-isa kahit ngayon lang.
Di ko muna inisip ang mga nangyari kanina kaya ginusto ko na muna mapag-isa at hindi ko hinanap si Jae.
Bumili ako ng pagkain sa isang convenient store at umupo sa isang bench. Pinagmasdan ko ang ganda ng langit habang nakatingin sa mga bituwin.
Nagulat ako ng mga nagsalita sa tabi ko.
"Ang ganda no? Mamamangha ka nalang sa ginawa ng diyos" tumingin siya sakin at ngumiti.
Isang pulubi. "Kakainin mo pa ba to? Akin nalang ha?" sabay kuha ng natitirang sandwich. Agad agad niyang kinain na parang aagawin sa kanya.
"Oh" inabot ko ang natitirang inumin. "Baka maging kasalanan ko pa pag nabilaukan ka"
"Hehe, salamat" sabay inom.
Binalikan ko ang magandang tanawin sa langit. Ganito ang kadalasan na ginagawa namin ni Jae. Kapag hindi kami makatulog sa gabi ay lalabas kami at kakain. Titingala at pagmamasdan ang langit.
"Masakit?" tanong ng pulubi.
"Ang alin?"
"Feeling ko kasi brokenhearted ka. Ganito kasi ang kadalasan na ginagawa ng iba kapag may problema sila. Gustong mapag-isa"

BINABASA MO ANG
A MOMENT WITH YOU
RomanceKaya mo bang baguhin ang nakaraan, dahil sa nagsisi ka na? Kaya mo bang isugal ang pagkakaibigan maitama lang ang nagawa mong mali? Maraming masasaktan, isa ka na doon. Pero gagawin mo ba ang lahat maibalik sa dati ang kinahinatnan ng maling desi...