"Anong oras na? Bakit ngayong ka lang?" nag-aalalang tanong ni Mama pagpasok ko palang sa bahay.
"May ginawa po kasi kaming research ni Alli kaya nagabihan na kami." nilapitan ko si mama at nginitian. "Pero di na po mauulit. Magpapaalam na po ako. Nakalimutan ko po kasi eh." dagdag ko.
"Hay nako. Ikaw talagang bata ka. Sige na umakyat ka na at magpahinga ka na sa kwarto mo." naglakad ako paakyat sa at agad agad pumasok sa kwarto ko. Agad kong nilock ang pinto dahil kinabahan ako sa nangyari. Buti nalang di pa gasgas mga palusot ko.
Humiga ako sa kama at napatingin sa kisame. Napangiti nalang ako dahil naalala ko ang masayang moment namin ni Jae.
Para akong nagwawala sa loob ng katawan ko na hindi ko maexplain kung ano. Pero alam kong napakaswerte ko.
Humiga ako at pumikit. Ilang minuto pa ay nakatulog na ako.
"Sawang sawa na ako" Isang malakas na pag-iyak nalang ang nagawa ko. Napaupo ako sa sahig at umiyak ng umiyak.
—————
"Sa tingin mo alam mo lahat ng nangyayari? Hindi porket narinig mo e, paniniwalaan mo na. At hindi lang ikaw ang nagsasawa. Matagal na akong nagsawa sayo."
—————
"Mahal kita. MAHAL NA NAMAN KITA"
—————
"Hindi ko na nga kayo maalala ni Allison ng mabuti, gagawin ko pa ba sa inyo to? Sisira pa ba ako ng relasyon niyo dahil nasira na yung pinaka-iniingatan ko?"
—————
Nagsimula akong tumakbo. Tumakbo sa bilis ng aking makakaya. Hanggang sa dumating sa punto na napahiga ako at tumama ang ulo ko sa sahig.
—————
Nagising ako habang hinahabol ang hininga ko. Pawis na pawis na para bang nasa desyerto.
Isa na namang panaginip. Panaginip nga ba?
Napahiga ulit ako at napatulala nalang. Patuloy na iniisip kung ano ang mga nakita ko.
Naguguluhan ako. Sobra.
Nagpahinga ako ng kaunti at muling bumalik sa pagtulog.
/ Dec 17, 2012 | 8 : 2 6 A . M \
Umupo si Alli sa tabi ko.
"Meron kang dapat ikwento." nakangiting sabi ni Alli.
Lumingon-lingon ako sa paligid at nakita kong busy pa ang lahat bago magstart ang klase.
"Bilis na. Kwento mo na nangyari sa inyo ni Jae." mahinang sabi ni Alli na atat na atat na.
"Ano ba wag kang maingay." sagot ko na talagang tinakpan ko ang bibig niya.
Tumayo si Ed sa upuan niya at parang nagdabog. "Kukuha lang akong tubig." naglakad siya palabas ng kwarto.
Napatingin nalang kami ni Alli sa kanya habang palabas.
"Ano problema nun?" tanong ko kay Alli.
"Ewan ko. Baka stressed lang..." lumingon sa akin si Alli. "Bilis na. Kwento mo na. Kanina pa ako nag-aabang." dagdag pa niya na talagang ready nang makinig.
"Ahhh. Wala naman masya-" napatigil ako ng biglang pumasok si
Mrs. Reyes."Go back to your seats. And open your book to page 192" sigaw niya na talagang napatigil ang lahat.
"Tagal mo kasing magkwento." naiinis na sabi ni Alli.
Biglang pumasok si Ed sa classroom. "Sorry ma'am. Kumuha po akong tubig." napairap nalang si Mrs. Reyes.
"Okay. Go back to your seat." sagot niya.
Napalingon nalang ako kay Ed habang pabalik siya sa upuan niya. Naalala ko ang napaginipan ko kagabi. Siya yung kasama ko nung nadisgrasya ako.
"Today we are going to talk about..."
—————
Cafeteria
"Hoy. May utang ka pang kwento sakin." sabi ni Alli habang paupo kami sa table.
"Ano ka ba? Maraming tao dito." sagot ko.
"Edi, wag mong banggatin pangalan. Kilala naman na natin." pinaglalaban niya talaga eh.
"Oo na. Wait lang." kinikilig at natatawa kong sabi.
"Bilis, bilis!" apuradong sabi niya.
"So yun, after namin sumakay ng rollercoaster niyaya niya pa akong sumakay sa ibang rides. At isa pa, ang huli naming sinakyan is yung Ferris wheel... and you won't believe what I'm going to say." kwento ko habang kinikilig at nakangiti.
"Ano?" tanong niya na talagang gusto niya talagang malaman.
Lumingon lingon ako sa paligid para tignan kong may nakakarinig.
"Kinantahan niya ako." napasigaw nalang si Alli ng mahina at halata mo sa kanya na kilig na kilig siya.
"Hoy, wag ka ngang maingay." at napahinto siya.
"Ako ba yang pinag-uusapan niyo?" napatigil kami dahil may nagsalita sa likod ko.
Dahan-dahan akong napalingon sa likod ko at nakita ko ang lalakeng nakatalikod.
Nagulat ako ng bigla siyang humarap.
"Ako ba yan?" nakangiting tanong ni Jae.
"Ah-ah, hi-hindi no. Si-si-si ano, si..." nauutal kong sabi. Napatalikod nalang ako at wala ng mukhang maihaharap sa kanya.
"Okay, sabi mo eh." sagot ni Jae.
"Ah, sige labas muna ako." iniwan ko muna si Alli sa upuan at sinabi kong babalikan ko na lang siya.
Naglakad ako ng mabilis para makalabas ng cafeteria.
Huminga ako ng malalim at pinaypayan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko.
"Okay ka lang?"
Napalingon ako bigla. Buti nalang hindi siya.
"Okay lang ako." at tuloy kung pinaypayan ang mukha ko gamit ang kamay ko dahil feel ko namumula.
"Bakit parang namumula ka? Okay ka lang talaga?" halatang nag-aalala siya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko.
Tinitigan niya ako sa mata. Bigla ko nalang ulit naalala yung napaginipan ko kagabi. Pero bigla din agad bumalik yung pag-iisip ko dahil nakita kong nakatulala siya sakin habang hawak ang pisngi ko.
Napabitaw siya ng tinignan ko rin siya. Biglang naging awkward ang paligid dahil syempre may mga studyante.
"Ah... Sige mauuna na ako. Kita nalang tayo mamaya." agad siyang umalis na para bang hiyang hiya sa nangyari.
BINABASA MO ANG
A MOMENT WITH YOU
RomanceKaya mo bang baguhin ang nakaraan, dahil sa nagsisi ka na? Kaya mo bang isugal ang pagkakaibigan maitama lang ang nagawa mong mali? Maraming masasaktan, isa ka na doon. Pero gagawin mo ba ang lahat maibalik sa dati ang kinahinatnan ng maling desi...