Chapter 5

13 1 0
                                    

Magkahalong kilig at kaba ang naramdaman ko. Hindi ako makapagsalita dahil feeling ko panaginip lang ito.

"Oh, natahimik ka. Haha. Di naman ako nangangain eh." pabiro niyang sabi ni Jae.

Hindi ako makapaniwala na katabi ko siya ngayon. Naamoy ko ang pabango niya na tumatak na talaga sa isipan ko.

"Hi-hindi naman s-sa ganun" nauutal kong sabi dahil sa kilig na nararamdam.

Umabot na sa taas ang sinasakyan namin at hanggang sa time na pababa na ito. Napasigaw nalang ako ng sobrang lakas.

"AAAAAHHHHH!!!" di ko alam, pero nahiya ako dahil sobrang lakas ng sigaw ko.

Nakita ko siyang sumisigaw na para bang wala lang at nati-thrill siya.

"Woooooh!" ang cute niya talaga kaya napangiti nalang ako. Hanggang sa malapit na sa point na iikot na ang sinasakyan namin.

"OMG! mamatay na talaga ako neto." napapikit nalang ako at kumapit sa seatbelt.

"Wag kang matakot. Wala lang yan eh." bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hanggang sa dumating sa point na umikot na ang coaster. Napatingin lang ako sa kanya. Hindi ko napansin na natapos na pala ang rides.

All I can remember is that, his hand is so soft. Huminto ang sasakyan at nagsitayuan ang mga sumakay. Naiwan ako dahil hindi parin ako makapaniwala. Hindi ko in-expect na gagawin niya yun.

"See you later. Good luck din sa contest." he said then walked away.

"Hoy, Elle. Tumayo ka na diyan." sigaw ni Allison kaya napalingon ako. Nakita ko na tinitignan na pala ako ng mga susunod na sasakay.

Tumayo ako then pumunta kila Allison at Edmund.

"Ikaw ah. Chansing ka na naman kay Jae." nakangiting sabi ni Alli.

"Ewan ko sayo." umalis ako at sumigaw. "Hintayin ko na lang kayo." nag exit ako at naglakad muna. Pumunta ako sa mga bench para hintayin sila. Kaso nakita ko na mag-uumpisa palang sila kaya tumayo ako at pumunta sa mga food cart.

Habang naglalakad ay nakita ko si Jae na nag-iisa sa may sulok at kanina pa tingin ng tingin sa relo niya. Then nilabas niya yung cellphone niya at mukhang may binasa. Nakita ko na parang nadown siya.

Naglakad ako papunta kung nasaan siya at nilakasan ang loob na kausapin siya.

"Mukhang... may hinihintay ka ata." napalingon siya sakin at parang nagulat.

"Ah. Hinihintay ko si Mika..." napakamot siya sa ulo niya. "Kaso hindi daw siya makakapunta dahil may family gathering sila." dagdag pa niya.

Napanganga nalang ako. "Ahh." yan nalang ang tanging nasabi ko dahil nahiya ako.

"Do you have anything to do right now?" nanlaki mata ko. Hindi ko alam kung ano gusto niyang sabihin. "I mean, sayang naman kung aalis din ako agad. So, kung pwede samahan mo nalang akong mag rides. Pero... kung hindi naman... okay lang naman. " sabi niya na para bang kinukumbinsi ako na sumama sa kaniya.

Kaso alam niyo naman. This is the right moment, kaya go lang ng go ang lola niya. "Okay. That's fine." mabilis kong sabi.

"Cool." naglakad kami at naghanap ng unang sasakyan. Sumakay kami ng iba't ibang rides. Wala akong ginawa kundi titigan lang siya.

Bumili kami ng foods at naglakad-lakad. Umupo muna kami sa bench at parehong tinitigan ang langit.

Parehas kaming nakatingala. Pinagmasdan ang mga magagandang bituin dahil sa ginabi na kami.

A MOMENT WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon