Chapter 7

16 1 0
                                    

"Bakit bigla no naman akong iniwan sa loob? Like you know, di ko alam sasabihin ko. Sobrang tikom yung bibig ko." Natatawa nalang ako kay Alli dahil sa mga rant niya.

"Anong pinag-usapan niyo?" Tanong ko dahil curious ako sa nangyari.

Tinignan lang ako ni Alli na para bang may pinag-usapan silang masama. Agad nanlaki ang mata ko dahil feel ko talaga may pinag-usapan silang iba. Tumakbo siya na tuwang-tuwa pa. Agad kong hinabol dahil sa sobrang curious ko.

"Hoy, ano kasi yun"

                +++++++++++++++++

"Practice tayo, tara." Yaya sakin ni Ed dahil tapos na yung klase namin.

"Saan naman?" Tanong ko. Anong oras na din kasi at kailangan kong umuwi ng maaga.

Habang nag-uusap kami ni Ed ay biglang may nagsalita sa likod namin.

"Hey, Elle, Ed, are free this Friday night?" Napalingon kami at nagulat ako ng makita ko si Jae. Tinignan ako ni Ed dahil alam ko na alam niyang may something na naman sa akin. Kinikilig? I think. Di naman halata, pero, parang ganun na nga.

"Why? Anong meron?" Sagot agad ni Ed.

"Party sana, tutal malapit na din namang mag graduate eh. Dibale sa bahay naman eh, I'm with my friends and Mikaela's. Kung gusto niyo magsama din kayo ng friends niyo." Nakangiting sabi ni Jae.

Omg. Makakapunta na ako sa bahay ni Jae? This is it. Makikita ko na ang bahay namin. Charot. Wala palang kami.

"Okay. Free kami." Agad agad kong sagot. Di halatang excited eh.

Napatingin si Ed sa akin dahil sa agad kong pagsagot. "Saan ba address?" Tanong ni Ed.

                +++++++++++++++++

"Ang bilis mo sumagot kanina ah?" Sabi ni Ed na halatang excited ako.

"Oo naman. Crush mo na yung nagyaya sayo eh, aangala ka pa?" Sagot ko talagang pinagtanggol ang mga pinagsasabi ko kanina.

"Oo naman. Hindi naman crush si Jae eh. Iba ang crush ko..." Sabi ni Ed na talagang nagpa-curious talaga sa akin ulit.

"Sino ba kasi yang babaeng yan. Napaka-misteryoso naman." Napatigil nalang ako sa paglalakad at humarap ako sa kanya. "Hulaan ko sasabihin mo "Basta malalaman mo din." Dagdag ko.

Napangitin nalang siya at hinawakan ang mga balikat ko at pinaharap ako para maglakad.

Adik din talaga 'tong si Ed eh.

                +++++++++++++++++

Nakahiga ako sa aking kama at para bang may bumabagabag sa aking isipan.

Tumayo nalang ako at dumiretso sa study table ko. Kumuha ng papel at bigla nalang ako nagsulat.

I don't know kung ano yung sinulat ko. Pero feel ko kanta siya. And I think ito yung lyrics ng kanta na hindi ko alam kung saan galing.

"You must think that I'm stupid.
You must think that I'm a fool.
You must think that I'm new to this. But I have seen this all before"

Napaka-broken naman ng kantang 'to. Pero I'll try to think... no iisipin ko parin yung mga lyrics kasi feel ko maganda naman.

After that, bumalik ako sa kama at nahiga na.

Habang nakahiha ay iniisip ko yung nalalapit na contest.

Pinatay ko yung ilaw at natulog nalang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A MOMENT WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon