/ Dec 12, 2012 | 7 : 0 0 A . M \
*alarm ringing*
Hinampas ko ng pagkalakas-lakas ang alarm clock dahil sa sobrang ingay, at agad naman itong huminto.
Ilang minuto pa ay nagulat nalang ako ng makita kong 7:53 A.M na. Nanlaki mata ko at agad tumayo. 7:30 ang first subject ko kaya agad akong bumangon sa kinahihigaan ko. Sabog na sabog ang buhok ko. Agad kong kinuha ang towel at pumasok ng banyo.
After taking a shower, tumakbo ako pababa ng kwarto at pumunta ng kitchen.
"Late ka na naman." nakasimangot na bungad sakin ni Mama.
"Di mo ko ginising ma." sagot ko na medyo naiinis.
"Aba'y kasalanan ko pa, e may alarm clock ka naman sa kwarto mo." nanlaki na mata ni mama kaya hindi na ako sumagot. Kinuha ko na yung baon ko at hinalikan sa cheeks si mama at agad akong tumakbo sa garage dahil kanina pa nagbubusina si daddy. Galit na rin to malamang.
Sumakay agad ako at nagsorry.
"Sorry dad. Nalate na naman gising ko. Napuyat ako sa homework ko kagabi." agad agad kong sabi pag sakay ng kotse. Maamong mukha ang pinakita ko para hindi ako masermonan.
"It's okay. Basta mag-aaral kang mabuti." nakakatuwang isipin na hindi siya galit today.
"Yes, dad. I'll study hard. For you and mom." nakangiti kong sabi.
Tinignan ako ni Daddy at ngumiti. Hinaplos niya ang buhok ko.
After driving a few minutes, ay nakarating na rin kami sa school na pinapasukan ko.
"Bye, honey. Go home early, okay?"
"Yes, daddy." agad akong tumakbo papasok ng gate at tumakbo papuntang room 201 kung saan ang first subject ko.
Sa wakas at nakadating narin ako.
Tinulak ko ng malakas ang pinto at "Goodbye and thank you Mrs. Reyes"
Napa-nganga nalang ako ng makita ko silang nakatayo lahat. At ang masaklap pa ay napatingin silang lahat sakin.
"Ms. Villanda. Come here! And all of you, you can all now go to your next class." dahan-dahan akong pumasok sa room at nakita ko sila Edmund at Allison na nakatingin sakin.
"Hintayin ka namin sa labas" nag lip reading nalang kami at baka pati sila di paalisan eh.
"Sige." agad kong sagot at tuluyan na silang lumabas.
Naglakad ako patungo sa kinatatayuan ni Mrs. Reyes at agad nagsorry.
"Ma'am, I'm sorry. Late na naman po ako. Tinapos ko po kasi yung assignment ko sa isang class." nagmamakaawang sana naman patawadin agad ako.
"Oh... so you're saying that my subjects is 'not that important'" nanlaki mata niya at nag chin up pa.
"No, ma'am. It's just that...-" naputol agad ang sasabihin ko ng agad siyang nagsalita.
"No more alibis. I don't want to hear any nonsense coming from that mouth" nahiya naman daw ako. "So, if you don't want me to punish you that hard, then I have something special for you, then." dagdag pa niya.
After talking to her, pinapunta niya ako sa likod ng school at pinaglinis. Para daw maranasan ko ang mga hirap at hindi lang daw puro sarap ng buhay.
Nagwalis ako ng mga dumi. Well, this is 'not that hard'. Okay lang sakin ang ganito.
"Bakit kasi nalate ka na naman?" tanong ni Alli sakin.
BINABASA MO ANG
A MOMENT WITH YOU
RomansaKaya mo bang baguhin ang nakaraan, dahil sa nagsisi ka na? Kaya mo bang isugal ang pagkakaibigan maitama lang ang nagawa mong mali? Maraming masasaktan, isa ka na doon. Pero gagawin mo ba ang lahat maibalik sa dati ang kinahinatnan ng maling desi...