Chapter 2

34 1 0
                                        


"Uuwi ka na ba? Hatid ka na namin." niyaya ako ni Edmund na sumabay nalang sa kanila dahil feeling ko nakakotse sila.

"Ah, hindi na. Okay lang. May pupuntahan pa kasi akong mahalaga." nakangiting sagot ko.

"Sure ka? Hatid ka na namin sa pupuntahan mo." aya naman ni Allison.

"Hindi okay lang." nakangiting sagot ko.

Hindi ko maiwasan na mapasulyap kay Edmund dahil nga parang may something. Hindi ko magets kung ano ngunit naguguluhan ako.

"Ah ganun ba? Sige. Ikaw bahala. Ingat ka na lang ha?" paalam ni Allison at nag wave nalang ako ng kamay.

"Ingat." hindi ko alam pero iba talaga kapag siya na ang nagsalita. Hindi ko maexplain ang mga nangyayari. Tinignan ko siya kaso agad nabaling ang isip ko na, wag, hindi pwede.

Naghiwalay na kami ng pinatunguhan at naglakad na ako palayo sa Mall. Mag-isa na naman ako. Napunta ako sa park. Isang maling desisyon na dito ko binalak pumunta. Sobrang daming couples. Pinapamukha sa akin na iniwan ako ng fiance ko sa nalalapit naming kasal.

Naupo ako sa bench at pinagmasdan ang mga batang nagtatakbuhan, mga couples na nagtatawanan at nagkukulitan. Kitang kita mo na sa park na ito, ako lang ang malungkot.

*rings* *may nagtext*

Kinuha ko ang phone ko at binasa. Hindi ko alam kung sobrang mali ang mga desisyon na ginawa ko sa buhay ko. Bakit ganito? Bakit?

"Elle, panindigan na natin ang mga salitang binitiwan natin. Di ko na rin kaya. Sawang sawa na ako sa mga drama at puro away. Di ko alam kung ako ang naging kawalan o ikaw. Pero masasabi ko na it's been a great year being with you. Salamat sa lahat. Salamat. Pero di ko na talaga kaya, kaya hanggang dito nalang. Sorry. Let's break up and cancel the wedding."

Sabi ko sa sarili na kakayanin ko. Sabi ko na hindi na ako iiyak. Kahit na anong sabihin niya. Pero hindi ko pala kayang bumitaw. Hindi ko kaya. Nagsimula ng tumulo ang aking mga luha. Pilit kong pinipigilan ngunit wala na eh, hindi na kaya ng mata ko na mag hold on pa sa sakit. Sobrang bigat na ng mata ko kakapigil ng luha. At ngayon, pinakawalan na niya. Tinakpan ko ang aking mukha upang hindi magmukhang tanga sa harap ng maraming tao.

"Umiiyak ka na naman." napatigil ako sa lag iyak ng marinig ko bosea niya. Siya yung laging nagpapatahan sakin kapag umiiyak ako. Siya yung laging nandiyan kapag mag-isa ako. Siya.

Tinanggal ko ang aking mga palad na nakatakip sa aking mga mukha at tinignan siya. Wala na akong nagawa kundi umiyak ng umiyak. Nagmumukha na akong tanga sa mga taong inaakala nilang malakas ako.

Lumapit siya sakin at hinawi ang mga buhok ko. "Tahan na." yun lang ang tanging salita na binitiwan niya ngunit dahan-dahan na akong huminto sa pag-iyak.

Alam ko kasi na kapag nandiyan siya sa tabi ko, safe ako. Na magiging masaya ako.

Pinatong niya ang ulo ko sa kanyang balikat. Hinaplos niya ang aking kanang braso. At sa puntong iyon, naramdaman ko ang tunay na importansya ko sa isang tao. Naramdaman ko na meron pa palang tao na handang patahanin ka kapag ikaw ay umiiyak.

We stayed there for a couple of minutes. I feel relieved that there's someone who wants to comfort me through my hardest time in life.

After a few minutes, we decided to go.

"So doon pala yung mahalagang pupuntahan mo?" pabirong sabi niya.

Tinignan ko siya na para bang galit.

"Haha, joke lang. Di ka talaga mabiro." nakangiting sabi niya.

"Nagkataon lang na doon ako napadpad. Alam mo na. Gusto ko talaga mapag-isa." hindi ko alam pero puro nalang 'mapag-isa' ang sinasabi ko.

"Sorry for asking this, pero, may problema ba kayo ni Jae?" tanong ni Edmund.

"Sa totoo lang..." huminga ako ng malalim at sinagot ang kanyang tanong. "Oo. Wala pang nakakaalam dahil akala ko di naman aabot sa ganito kaso... kaso, wala na eh."

"Anong ibig mong sabihin na wala na?" napahinto nalang kami sa paglalakad.

Humarap ako sa kanya. Tinignan siya sa mata at hinawakan ang kanyang mga kamay. "Alam mo, napaswerte mo kay Allison. Meron kayong ang isa't isa." Binitiwan ko ang kanyang kamay at naglakad muli. "Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin pero alam kong mali ito. Mali yung nararamdaman ko."

Natahimik kami ng saglit. Ngunit nabasag ang katahimikan ng sabihin niya ang mga bagay na ito.

"Alam mo, hindi lang ikaw ang nakakaramdam niyan. Ako rin. Simula nung makita kita ulit, nahirapan na ako. Nahirapan na ako. Di ko alam kung bakit o anong nangyayari pero, pero, alam kong mali kaya pinipigilan ko ang sarili ko."

Nagulat ako dahil akala ko, ako lang. Akala ko ako lang ang nakaramdam ng ganito. Tama nga si Jae. Na hindi lang ako ang taong nakakaramdam ng mga bagay na nararamdaman ko. Kasalanan ko na naging selfish ako sa lahat ng bagay na hindi ko man lang inaalam ang kalagayan ng mga nasa palagid ko.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko na sobrang nagpa-curios sa akin.

"Hindi ko alam. Hindi ko maexplain kung tama ba o mali. Basta ang alam ko... ang alam, simula nung nakita kita ulit. Bumalik ang nararamdaman ko." nakita ko sa mga mata niya na napaseryoso niya. Hindi ko maiwasan na mabaling ang isip ko sa ibang bagay dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

"Hindi ko talaga maintindihan kung anong gusto mong iparating pero-" naputol ang sasabihin ko ng agad siyang nagsalita.

"Mahal kita. MAHAL NA NAMAN KITA" sa puntong ito ay hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Nagulat kaya hindi ako makagalaw. Walang kibo at natahimik kaming dalawa.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Alam kong mali ito, pero ito ang nararamdaman ko."

Binitiwan ko ang kanyang kamay. "Talagang mali ito." napahawak nalang ako sa aking ulo sa sobrang pagkalito. "Hindi ko na nga kayo maalala ni Allison ng mabuti, gagawin ko pa ba sa inyo to? Sisira pa ba ako ng relasyon niyo dahil nasira na yung pinaka-iniingatan ko?" nag simula na namang tumulo ang luha ko. "Sana kahit ngayon lang mapasaya niyo ako. Mapatawa at mawala yung mga lungkot na nadarama ko. Dahil sawang sawa na ako sa buhay na to. Sawang sawa na." napaupo nalang ako at umiyak. Sa buong linggo na ito ay walang sawang iyak ang ginawa ko.

"So... Sorry na. Di ko alam na ganun pala ang nafe-feel mo." hinaplos niya ang aking likod at niyakap ako. Ang sa umhuling minuto ay naisip ko na sobrang sama kong tao. Sarili ko na lang ang iniisip ko at hindi ang kapakanan ng iba. Napakaselfish kong tao.

Tumayo ako at naglakad papalayo sa kanya.

"Elle..." sinubukan niyang hablutin ang kamay ko kaso pumiglas ako. "ELLE!!!" sigaw niya. "Saan ka pupunta."

Nagsimula akong tumakbo. Tumakbo sa bilis ng aking makakaya. Hanggang sa dumating sa punto na napahiga ako at tumama ang ulo ko sa sahig.

Nawawala na ang pandinig ko at medyo nagiging blurry na ang paningin ko.

Naramdaman ko ang kotseng nakabangga sa akin at nakita kong bumaba ang may ari neto. Nakita ko si Edmund na at ang kanyang mukha na alalang alala. Hindi alam ang gagawin. Napangiti nalang ako sa huling minutong kaya ko pa. Dahil talagang ipinakita niya yung lakas ng loob na aminin ang lahat sa akin.

"TULOOOOOONG!!!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Edmund.

At sa puntong yun, siya nalang ang huli kong nakita at ang malungkot niyang mukha.

Dumilim na ang aking paningin.

A MOMENT WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon