Prologue

7 0 0
                                    

"Travin! Wake up, please! Gumising ka! Hindi ka pwedeng pumikit!" Hindi ko mapigilan ang kaba na nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na huwag umiyak dahil ang sakit sa pakiramdam ng ganito.

Hindi pwede!

"Tulong! Tulungan niyo kami!" Hindi ko alam kung kanino sa kanila ako hihingi ng tulong, basta alam ko lang madami silang nakapalibot sa amin. Nakatingin at hindi alam kung lalapit o hindi.

"Pakiusap, tulungan niyo kami. Tumawag kayo ng ambulansya!" Sigaw ko sa mga tao na nakapaligid sa amin habang walang tigil sa pagdaloy ang luha ko.

Yakap yakap ko si Travin ngayon na nakapikit. Hindi ko kaya ang ganito, hindi.

Ilang minuto pa ang lumipas bago may ambulansiyang tumigil sa aming tapat. Inalalayan nila ako tumayo bago nila maingat naihiga sa stretcher si Travin na ngayon ay walang malay.


"Are you his Wife?" Agad akong napatingin sa Doktor na naka-scrub suit.

"No. But I'm his fiancé. Kamusta po siya?" Tanong ko habang hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking kamay.

"Stable na ang vital signs niya. Nagkaroon lang ng konting damage sa ulo niya pero hindi naman gaanong malala. Naagapan agad kaya walang madaming dugo na namuo."

Nakaramdam ako ng relief after niyang sabihin 'yun.

"But I can't guarantee you na walang side effect ang nangyari sa kanya. Gaya nga ng sabi ko, nagkaroon ng konting damage dahil malakas ang pagkakatama ng object sa ulo niya."

Muli akong binalot ng kaba matapos iyon sabihin ng doktor.

"Ano pong posibleng side effect n'on dok?" Halos pabulong ko na sabi sa kanya dahil pakiramdam ko nanghihina na ako.

"Hindi ko masisigurado sa'yo. Pwedeng mapadalas ang pagkahilo niya, o kaya ay maapektuhan ang pananalita niya, or temporary memory loss."

Hindi ko na napigilan ang aking pag-iyak. Sa mga sinabi ng doktor, posible lahat nang iyon. Sa posibilidad na makalimot siya kahit panandalian, lalong bumigat ang pakiramdam ko.

Hindi ko kaya.

"Travin, gising ka na. Hindi ba mamamasyal pa tayo? Ga-graduate pa tayo ng sabay. Malapit na 'yun. Kaya gumising ka na ha?" Hawak ko ang kamay niya habang sinasabi lahat iyon.

Mag-iisang linggo na siyang tulog, at hanggang sa oras na ito hindi pa din siya gumigising. Dito na din natutulog ang kanyang ina, at maging siya ay nasasaktan din sa sinapit ni Travin.

"Jera anak, magpahinga ka muna. Matulog ka muna doon sa sofa, ako muna ang magbabantay sa kanya." nakatingin lang ako kay Travin nang sabihin 'yon ni Tita.

"Tita hindi pa din siya gumigising. Para na po akong mababaliw kakaisip kung kailan po ba siya gigising at babangon dito." Hindi ko napigilan ang mga luhang bumagsak sa aking mga mata habang sinasabi ko iyon.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Tita na siyang lalong nagpaiyak sa akin.

"Malalampasan din natin 'to ineng. Naniniwala akong gigising din si Travin. Mahal niya tayo kaya alam kong imumulat din niya ang kanyang mga mata."

Umiiyak kami pareho nang maramdaman ko ang pagpisil ng kamay ni Travin sa akin.

"Travin? Travin naririnig mo ba ako? Tita pinisil ni Travin ang kamay ko!" Halos magwala ang puso ko sa sobrang kaba habang hawak hawak ang kanyang kamay.

Nilingon ko si Tita habang palabas ng kwarto para tawagin ang doktor. Marahan kong hinimas ang kamay ni Travin at agad kong naramdaman ang pagpisil ulit niya sa kamay ko.

"Travin? Gumising ka na dyan mahal ko. Namimiss ka na namin ni Tita." Halos pabulong na ang mga iyon.

Nakita kong iginalaw niya ang kanyang ulo at dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.

Muli niyang pinihit ang ulo niya sa gawi ko at kitang kita ko ang pagkalito ng kaniyang titig sa akin.

"Travin.." muli kong sambit habang marahan kong hinahagod ang likod ng kanyang kamay.

Pero agad ko din iyon nabitawan nang marinig ko ang mga katagang hindi ko inaasahan mula sa kanya.

"Sino ka? Nasaan ako?"

The Ex and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon