Chapter 1

5 0 0
                                    

"Nads, tingin mo okay na 'to? Hindi kasi ako confident sa suot ko." Tanong ko habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.

Aattend kasi kami ng ribbon cutting. Nagbranch out kasi yung hospital kung saan kami nagtatrabaho, kaya eto ako at hindi mapakali sa suot ko. Mini tube dress na below the knee ang haba at pinatungan ko ng blazer dahil ayokong nag-e-expose ng skin. Lalo na ang mga ganitong suot, tsk. Kung pwede lang mag t-shirt at jeans ginawa ko na 'wag lang makita ang kili-kili ko.

"Ang ganda kaya girl. Tsaka bakit ba ayaw mo magsuot ng mga ganyan e bagay naman sa'yo?" Tanong niya pabalik habang nag-aayos sa sarili.

"Asa ka. Mas kumportable ako sa jeans." Sabi ko na lang at saka naglagay ng make-up.

Light lang para bongga. Para hindi din masyadong wild.

Sinuot ko na yung wedge ko and we're off to go.

After ng ribbon cutting ay nagkaroon ng buffet lunch para sa mga dumalo. Syempre hindi naman kami magpapahuli ni Nads, food 'yun e! Food!

"Sa'n tayo pagkatapos nito?" Tanong niya sa'kin habang kumakain.

Saglit akong nag-isip at saka ngumiti.

"Gusto mo mag-mall?"

Agad naman siyang pumayag at dahil dun ay tinapos na namin ang aming pagkain.

Sa department store kami unang nagpunta dahil may titignan daw na damit si Nads. Agad kaming pumunta sa Ladies Section at nakita ang kanyang hinahanap.

"Gosh girl! Bibilhin mo 'yan?" Nanlalaking mata kong tanong.

Pa'no ba naman e kumuha ng tatlong pirasong T-back! Gosh!

Pinaningkitan niya lang ako ng mata saka tumawa. Abnormal din e.

"Oo, pangregalo ko 'to. 'Wag kang ano dyan." Sabay tawa ng nakakaloko. Jusmiyo!

"Nagtanong lang naman ako. Hindi ko naman sinabing ano.." hindi ko tuloy masabi.

"'Wag berde ang utak girl. Dalagang Pilipina pa din ako. Grabe ka sa'kin!" Tawa lang siya ng tawa.

Napanguso na lang ako. Kasi naman e, akala ko lang naman.

Nagpunta na kami ng cashier nang may makalimutan ako.

"Girl pila ka na muna dito, pupunta lang ako sa foot wear. Nakalimutan ko kumuha ng stockings." Sabi ko dito saka nagmamadaling maglakad.

Nang makadating ako ng footwear ay saka ako namili ng magandang klase ng stockings. Meron kasing mura pero hindi maganda ang style. Kaya kahit mahal, push lang. Pang matagalan ding gamit kasi 'yun.

Habang namimili ako ay hindi ko alam na meron palang tao sa likod ko kaya ayun, ang ateng niyo ay natapilok.

"Naku Miss sorry. Okay ka lang?"

Mabuti na lang at nakahawak agad ako sa braso niya kaya hindi ako bumagsak sa sahig. Nang lingunin ko siya ay parang nag-slowmo ang paligid. Para siyang nagliliwanag dahil sa kagwapuhan niya.

Jusmiyo! Agad akong umayos ng tindig at saka kinuha yung stockings na nalaglag ko.

"Sorry Miss hindi ko sinasadya. May masakit ba sa'yo?" Tanong ulit niya na agad din naman akong umiling.

Wala namang masakit e. Mata ko lang ang sumakit kasi ang gwapo talaga niya. Hahaha! Charot!

"Ano, okay lang ako." Sabi ko na lang at saka agad na naglakad palayo.

Hindi ko keri makipagtitigan sa kanya. Nagliliwanag kasi ang kagwapuhan niya e.

Tsk. Oo na, oa na ko. Pero seryoso, ang gwapo talaga niya!

"Miss!" Napalingon ako at nanlaki ang mata dahil si gwapong nakabangga ko ay sinundan ako! Gosh!

"Kier nga pala. Ikaw?" Pakilala niya sa'kin sabay lahad ng kanyang kamay.

Nagpabalik-balik lang ang tingin ko sa kanya at sa kamay niya.

Iniabot ko naman iyon at nakipagkamay.

"Jeramaine." Simpleng sagot ko na siyang ikinabigla ko dahil sa ganda ng kanyang ngiti.

Bigla akong kinilig. Hahaha!

"Pasensiya ka na talaga ha. Ihahatid na kita para naman makabawi ako sa pagkakabangga ko." Sabi niya habang hawak pa din ang kamay ko.

Binawi ko din ang kamay ko na siya niyang ikinagitla. Nakita ko pa siyang napahawak sa kanyang batok habang nakangiti.

"Wala 'yun. Tsaka okay lang naman ako, hindi naman ako nasaktan." Sabi ko at agad ngumiti.

"Hindi. Sasamahan na kita."

Well, alangan namang tumanggi pa ako. Hindi naman ako makaka-hindi dahil ang gwapo niya. Charot!

Tahimik lang kaming naglalakd papuntang cashier nang napansin kong may hawak din siyang stockings.

Hala siya! What does it mean? Hala! Baka tama talaga ang sabi-sabi na lahat ng gwapo ay beki?! No! This can't be!

Agad niyang napansin na nakatingin ako sa hawak niya kaya itinaas niya 'yon. Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Alam ko 'yang iniisip mo. Hindi ito sa'kin, pinabibili lang 'to ng ate ko. Hindi ako makatanggi kasi baka pektusan ako no'n." Paliwanag niya habang natatawa pa.

Natawa na lang din ako. Wooah. Akala ko talaga beki. Buti na lang hindi. Sayang ang fes e.

Naabutan pa namin sa pila si Nads at nabigla dahil may kasama ako.

"Akala ko ba kukuha ka lang ng stockings? Hindi naman ako na-inform na kukuha ka din pala ng mannequi--a-aray girl!"

"Pasaway ka din e, 'no? Nabangga niya ko kaya sinamahan na niya ko dito. 'Wag kang ano dyan." Pinandilatan ko siya ng mata habang pigil pigil niya ang kaniyang pagtawa.

Haaayy naku! Mababaliw ako dito sa kaibigan kong ito.

Napansin ko naman na kumunot ang noo ni Kier kaya ipinakilala ko na siya kay Nads. Agad naman silang nagkamay at agad ding nagbitaw. Good. Char lang.

Matapos kaming magbayad ay nagyaya si Kier na magmiryenda na agad ko ding tinanggihan. Nakita kong nataka si Nads at agad ko na naman siyang pinandilatan ng mata.

Makuha ka sa tingin.

"Ano Kier, 'wag na. Okay na kami tsaka may lakad pa kami after dito. Next time na lang." Sabi ko.

"Sayang naman. Pero sige, next time 'wag mo na ako tanggihan ha." Sabay ngiti. Grabe 'yung ngiti, nakakakilig.

"Oo naman. Next time." Sabi ko na lang habang naglalakad na kami palayo sa pwesto niya.

The Ex and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon