Chapter 3

3 0 0
                                    

Three days. Three days na ang lumipas at panay pa din ang tawag ni Kier. Oo besh, callmate na kami. Hahahaha!

"Para kang tanga girl. Ang panget ng ngiti mo jusko." Instant na nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Panira din 'to ng moment e.

"Bakit parang feeling ko naiinggit ka?" Tanong ko dito saka siya pinaningkitan ng mata.

Tumawa naman siya na parang nanunuya saka niya ako inirapan.

"Hindi ako naiinggit. Tsaka may lovelife din ako 'no. O anong say mo?"

Natawa na lang ako sa kanya. Paano nga naman siya mawawalan ng lovelife e sa tinder na siya umasa.

"Okay, okay. Nahiya naman ako sa'yo. Tsaka hindi pa naman kami nung tao. Masama bang mangarap?" Sabi ko dito habang nagtitipa sa aking phone.

Katext ko kasi si Kier. Hihihihi.

"Ay hindi pa ba kayo? Kala ko kayo na e, wagas ka kasi makangiti kanina." Pinaningkitan niya ako ng mata saka tumalikod.

E hindi naman kasi nanliligaw, pa'no magiging kami, 'di ba?

Kinahapunan ay dumaan ako ng supermarket para bumili ng ice cream. Sosyal naman kasi ng friend niyo, parang naglilihi at gusto ng keso ice cream. At dahil mabait ako, ako na ang nagprisintang bumili.

Tumingin tingin ako ng flavors sa freezer at wala akong nakita na keso flavor. Kinuha ko ang phone ko para sana tawagan si Nads ng may tumawag sa pangalan ko.

"Jera?" Agad ko itong nilingon at saka ngumiti ng malawak.

"Hi Kier." Bati ko dito nang makalapit siya sa akin.

"Anong flavor ang hinahanap mo? Kanina pa kasi kita nakita na naghahanap ng ice cream." Tanong niya.

Agad akong yumuko para maghanap ulit ng keso flavor.

"Cheese flavor, pabili ni Nads. Kaso kanina pa 'ko naghahanap dito e wala akong makita." Sagot ko habang patuloy pa din sa paghahanap.

"Let me help. Baka napailalim lang." Dumukwang din siya sa freezer at nagsimulang maghalungkat sa mga ice cream.

Ilang minuto din kaming naghahanap pero wala talagang flavor na hinahanap ko.

"Ano Kier, okay lang. Sa iba na lang ako bibili. Mukhang out of stock ang cheese flavor e." Sabi ko dito sabay punas ng kamay sa panyo. Malamig kasi at basa dahil sa mga garapon ng ice cream.

"Uhh, sige. Samahan na kita."

Agad akong napangiti at saka tumanggi.

"Okay lang, kaya ko naman."

"Sasamahan na kita. I insist." Sabay ngiti. 'Yung ngiti na nakakatunaw.

Grabe. Jusmiyo. Hinihipnotismo ako nitong lalaking 'to dahil agad akong tumango sa suhestyon niya.

Lumabas kami ng supermarket para pumunta sa pinakamalapit na convinient store. Agad akong nagpunta sa freezer nung makapasok kami ng store.

"There. Buti na lang meron dito." Sabi niya sabay kuha ng ice cream.

Kukunin ko sana pero hindi niya ibinigay sa akin. Dumiretso siya ng counter at saka binayaran. Agad kong kinuha ang wallet ko at inilabas ang aking pera para ibigay sa kanya na siya naman nitong tinanggihan.

"Libre ko na 'to." Sabay kindat sa akin.

Para akong na-istatwa dahil sa pagkindat niya.

Jusmiyo! Matutunaw na ata ako dito. Ano ba namang klaseng lalaki ito at ang dali dali akong pakiligin!

"Ano nga pa lang ginagawa mo sa supermarket kanina?" tanong ko dito. Umupo muna kami sa mga bakanteng upuan.

"Dumaan lang ako para i-check ang sales nila." simpleng sagot nito.

Napataas ako ng kilay sa sagot niya. I-check ang sales?

"Bakit? Anong gagawin mo sa sales nila?"

"I worked on the main branch ng supermarket sa Lucena. 'Yung supermarket dito ay branch 2 na kaya I was assigned to check their sales dahil sa monthly audit."

Oh. Kaya pala madalas kami magkatagpo do'n. Akala ko naman destiny na. Hehehe.

Tumambay pa kami dun ng ilang minuto at nagkwentuhan bago nagdecide na umuwi. Pagabi na din kasi at tiyak na hinahanap na ako ni Nads. Panay kasi ang vibrate ng phone ko.

"Thank you pala sa pagsama." Sabi ko dito saka ngumiti.

"Always welcome."

Kinuha ko na ang supot sa kanya at papara sa sana ng tricycle nang pigilan niya ako.

Tinignan ko siya sa mata. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Ano kayang problema nito?

Bago pa man ako makapagtanong ay inunahan na niya ako. At hindi ko ito inaasahan.

"Makakakuha kaya ako ng sagot sa'yo ngayon kung sasabihin kong gusto kitang maging girlfriend?"

--

Short update. Hahaha may magbabasa kaya nito?

The Ex and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon