My gosh. Hindi pa din ako makaget over sa sinabi niya kahapon. I mean, grabe. It was magical. Alam kong oa pero ang sarap sa feeling e. Finally, sa nakalipas na tatlong taon, ngayon ko na lang ulit naramdaman 'yung ganitong pakiramdam. Ang ma-in love ulit.
"Sagutin mo na kaya para hindi ka parang tanga na naman kakangiti diyan. Hahaha charot lang!"
Nawala bigla ang ngiti ko. Kahit kailan talaga panira ng day dream 'tong si Nads.
"Sinabi ko naman na hindi ako agad-agad na sasagot. So ayun, kung kailangan daw na manligaw siya gagawin niya kaya pumayag ako. Manliligaw muna siya." ngiti ko habang inaayos ang mga ingridients na lulutuin ko.
"Sabi mo e. Pa-hard to get pa gusto mo din naman siya. Oo nga pala, uuwi ako bukas weekends naman. Sama ka?" pagyaya niya sa'kin.
Agad akong umiling. Maiinggit lang ako kapag sumama ako. Makikita kong buo ang family niya, samantalang ako, eto mag-isa.
"Tumawag na ba ang Mama mo?" tanong niya sa akin habang naglalagay ng bigas sa rice cooker.
"Hindi pa. Baka busy 'yon sa lalaki niya."
Nakita ko naman siyang tumigil kaya hinarap ko siya at binigyan ng mapaklang ngiti.
Halos isang buwan na ding hindi nagpaparamdam ang nanay ko. Nasa Australia siya kasama ng dalawa kong kapatid sa kanya. Namatay ang tatay ko dahil sa cancer 13 years ago tapos after 1 year nag-asawa siya ng kano. Nagkaanak siya sa kano ng dalawang babae, sina Briana at Winnie, kambal. Sa loob ng mga taon na wala ang tatay ko pakiramdam ko patay na din ako. Mabait naman sa akin ang naging asawa ng nanay ko, pero kapag nakaharap lang si Mama. Kapag wala siya, sinasaktan niya ako at pinahihirapan kapag hindi ko sinusunod ang mga utos niya.
Nagsumbong ako no'n sa kanya pero mas pinaniwalaan niya 'yung kano niyang asawa. Anong laban ko e nagpapakatanga siya sa kanong 'yon. Lakas loob akong nagdesisyon na magstay sa lola ko, side ng tatay ko na nasa Quezon Province. At kahit mahirap iwan ang Batangas, umalis ako dahil ayokong makasama noon ang asawa ni Mama. Masakit kasi hindi na niya ako masyadong pinagtuunan ng pansin. At dito sa probinsiya ng Quezon na ako nagpatuloy ng bagong buhay kasama ng lola ko. Pero after 3 years, namatay si lola.
Lahat ng bahay niya sa Quezon sa akin niya ipinangalan, pati 'yung farm na nakapangalan sa tatay ko ay inilipat niya sa pangalan ko. Kung tutuusin nga ay pwede naman akong hindi na magtrabaho dahil binubuhay naman ako ng farm na pamana sa akin ni lola. Hanggang ngayon ay nag-ooperate pa din 'yun. Hinahayaan ko na muna si Tito Greg na magmanage nu'n, kapatid ng tatay ko, dahil wala naman siyang pamilya.
"Sure ka hindi ka sasama?" tanong niya ulit na agad ko din inilingan.
"May lakad din ako bukas e. Pupunta ako ng farm." sabi ko at saka nagsimulang maghiwa ng gulay.
"Hi Tito Greg!" bati ko habang patakbong lumalapit sa kanya.
"Oh ineng, ang laki laki mo na ah. May nobyo ka na ba?" tanong niya sa akin matapos niya akong salubungin ng yakap.
"Si Tito naman e. Wala pa po." sabi ko dito na medyo nahihiya.
"Wala pa din ba? Hindi ba kayo nagkabalikan ni Travin?"
Nabigla ako sa tanong niya. Bakit kami magkakabalikan e matagal na kaming walang komunikasyon?
Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya bago nagpatuloy.
"Nakita ko kasi siya nung isang araw dito, nagulat nga ako, akala ko pa ay bibisitahin ka niya. Nagtaka pa nga siya kung sino ka daw e. Akala ko naman nagbibiro. Pero nung may iniabot siyang sobre, saka ko lang napagtanto na hanggang ngayon hindi ka pa din niya naaalala. Kahit ako e hindi din niya matandaan e."
Nanghina ang tuhod ko matapos niya iyon sabihin. Bigla akong nakaramdam ng sakit sa puso ko nang sabihin ni Tito na hindi pa din ako kilala ni Travin.
Nakwento din niya na isa ng Chef si Travin kaya siya nagpunta sa farm para umangkat ng mga sariwang gulay na magsusupply sa kanilang restaurant.
Masaya na siguro siya. Masaya na siyang wala ako sa buhay niya. Hindi dapat ako malungkot dahil sa nakalipas na 3 years, pinili kong lumayo para hindi siya mahirapan. Dahil sa tuwing pinipilit kong ipaalala sa kanya kung ano kami, anong relasyon ang meron kami, lumalala naman ang kondisyon ng kanyang utak.
Lumayo ako. Choice ko 'yon kaya wala akong karapatang masaktan.
"Oo kanina lang ako dumating dito. Kamusta? Miss mo na ba ako?" kausap ko ngayon si Kier. Nagyayaya lumabas pero hindi naman pwede kasi nandito ako sa farm.
("E kung sabihin kong oo, miss na kita, may magagawa ka ba?")
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko para pigilan ang aking kilig.
Shemay naman 'tong lalaking 'to. Walang preno ang bibig e.
"Edi wow. Hahaha." tinawanan ko na lang pero pilit. Nakakahiyang kiligi e!
Marami pa kaming pinagkwentuhan bago niya pinutol ang tawag. May pupuntahan pa kasi siya at ako naman ay maglilibot sa farm.
Isa isa kong binabati ang mga trabahador ni Tito sa farm. Natutuwa akong makita silang masaya sa trabaho nila. Bigla ko tuloy naisip kung bakit sa akin ito pinamana ni lola e mas deserve ni Tito itong farm.
"O, Mang Marko kamusta kayo?" bati ko sa pinaka-close kong tauhan dito.
"Ma'am Jera? Kayo ho ba iyan? Ay kaganda niyo ho ngayon Ma'am!" bulalas niya na wari ko ay may kasamang pangbobola. Hehehe.
"Si Mang Marko bolero pa din. Ineng na lang po, nagmumuka naman akong matanda kapag tinatawag niyo akong Ma'am e." sabi ko dito saka tinabihan siya sa upuan.
Kasalukuyan silang nagpapahinga dito sa kubo dahil tanghali naman.
"Naku ineng, no'ng isang araw e nakita namin dine si Travin. Naku 'yong batang 'yon ay kaygwapo!" singit ni Mang Lito.
Nawala bigla 'yung ngiti ko dahil binanggit na naman nila si Travin.
"Akala nga namin ay nagkabalikan na kayo." tugon pa nito. Nakita ko naman ang simpleng pagsiko ni Mang Marko kay Mang Lito kaya agad silang tumahimik.
Tumayo ako at naglakad papuntang puno ng narra na malapit sa bahay kubo na pinamamahingahan nila.
"Gano'n po siguro ang kapalaran namin ni Travin. Hindi permanente, hindi pangmatagalan."
Yumuko ako at saka pinagmasdan ang mga tuyong dahon na nakakalat as lupa.
"Ano 'yung hindi permante at hindi pangmatagalan?"
Bigla akong na-istatwa sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Ilang taon na nag dumaan pero bakit hindi ko nakalimutan ang boses niya?
---
Short update. Happy Valentine's everyone! Mwa!
BINABASA MO ANG
The Ex and I
RomanceWhat would you feel when you meet your rival's ex which happens to be also your ex?