"Ano 'yung hindi permante at hindi pangmatagalan?"
Bigla akong na-istatwa sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Ilang taon na ang dumaan pero bakit hindi ko nakalimutan ang boses niya?
Unti-unti akong lumingon sa likod ko para lang makita ang lalaking nilayuan ko noon.
Hindi agad ako nakagalaw matapos ko siyang pagmasdan.
Halos wala siyang pinagbago maliban lang sa style ng buhok niya. Siya pa din si Travin, ang unang lalaking minahal ko..
"Hey.." untag niya na agad na nagpaulirat sa diwa ko.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Totoo ba ito? O baka naman nananaginip ako? Jusmiyo!
"Miss? Okay ka lang ba?"
"Travin.." 'yun na lang ang nasabi ko. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya senyales na hindi pa niya siguro talaga ako nakikilala.
"Well I-i guess ikaw si Travin base na d-din sa a-no, uhmm sa d-escription ng Ti-to ko sa'yo." Halos kapusin ako ng paghinga nang masabi ko iyon. Hindi ko na pinansin ang pagkakautal ko dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko.
Hindi niya ako naaalala, hindi pa.
"Ah, yeah. Travin." sabay lahad ng kamay niya sa akin.
Nag-alinlangan pa ko kung tatanggapin ko ba 'yon o hindi, pero sa huli tinanggap ko din.
"Jera, Jeramaine Narvaez."
Kinabukasan ay umuwi na ko sa bahay. Nagtext na din kasi si Nads na pauwi na siya kaya maaga akong umalis sa farm.
Hindi pa din ako maka-move on sa encounter namin ni Travin. Bakit ganun? Bakit bumibilis pa din ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya? Akala ko titigil na ito sa pagtibok kapag nakita ko siya, pero mali ako. Parang bumabalik 'yung dating pakiramdam ko sa tuwing magtatama ang aming mga mata.
Mahal ko pa yata siya.
Agad akong umiling sa naturan ko. Hindi pwede. Nandyan na si Kier, napapasaya niya ako. Napapakilig niya ako sa mga small gestures niya. Si Kier, siya 'yung dapat kong pagtuunan ng pansin kasi si Travin, nakaraan ko na.
Tsaka, hindi naman niya ako naaalala.
Ano ba! Ang gulu-gulo naman nitong nararamdaman ko! Bakit ngayon pa? Tahimik na ang buhay ko e. Bakit kailangan ko pang maguluhan nang ganito?
"So you mean hindi ka pa din niya naaalala? Oh my. Baka eto na 'yun girl?!" eksaherada naman nitong si Nads.
"Ano naman 'yang 'eto na 'yun', ha?" agad kong tanong dito.
"Eto na 'yung sign para ipaalala mo kay Travin kung sino ka sa buhay niya!" At talagang sinigawan pa niya ako? Ganern?
Nanahimik ako saglit at inisip ang sinabi niya. Posible kaya? No. Hindi. Wala naman rason kung bakit nag-krus ang landas namin. Purely business lang.
"Sa tingin ko Nads, walang reason kung bakit kami nagkita ulit. Supplier kami ng resto niya, remember? Tsaka madali na din nahahanap sa internet 'yung farm namin kaya siguro kami na din ang kinuha niya para siguro malapit sa place niya. 'Yun lang siguro 'yun." Pagpapaliwanag ko sa kanya at dali-dali siyang iniwan. Naglakad ako papuntang foodcourt at naupo sa bakanteng upuan.
Nagvibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha at binuksan para makita na nagtext si Kier.
From: Kier
Hi. Busy? Can I take you out on a date? Gusto ka kasi ma-meet ng bestfriend ko.
"Hala!" Nasamibit ko bigla. Hindi ko namalayan na nasa tapat ko na pala si Nads at prenteng nakaupo habang pinagmamasdan ako. Nakita ko ang pag-angat ng kilay niya.
"Hulaan ko. Si Kier?" Tumango ako bilang sagot.
"Gusto daw ako makilala ng bestfriend niya." Sabi ko habang titig na titig sa screen ng phone ko. Paulit-ulit kong binabasa ang text niya.
"Oh, go ka na! Meet the bestfriend pala ang date niyo e. Go ka na, akina nga 'yang phone mo at ako na magrereply." Inagaw niya sa'kin 'yung phone ko at saka nagtipa doon.
Hinayaan ko na lang siya dahil alam ko naman sa sarili ko na gusto ko din pumunta.
Na gusto ko din makilala ang bestfriend niya.
"Okay na. All set na, mamaya daw 6pm sa Catalino's Cafe and Restaurant."
What the?
"Agad agad?! Mamaya agad?!" Halos pasigaw ko nang sabi kaya napatingin ako sa paligid para makita ang ibang tao ay nakatingin sa'kin.
Yumuko ako sa hiya. Langya naman. Nabigla talaga ako sa gagang 'to!
"Anong problema?" Taka niyang tanong.
"Nagtaka ka pa? Expected ko bukas pa after ng out natin. Malay ko bang nakipagsagutan ka at pumayag ka na mamaya ako makipagdate!"
Para akong aatakihin dahil sa nerbiyos at bilis ng pagtibok nitong puso ko. Gosh. Nagpapalpitate ata ako.
"Relax! Ang aga pa naman e. 3pm pa lang kaya. Ang dami mo pa ngang oras. Sige na, pili tayo ng isusuot mo. Dali! Sayang ang pera mo, di mo naman ginagamit!" Sabay tawa niya at higit sa'kin papuntang department store.
Natawa na lang din ako at nagpahila sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Ex and I
RomanceWhat would you feel when you meet your rival's ex which happens to be also your ex?