Chapter 6

2 0 0
                                    

"Okay na ba?" Tanong ko kay Nads habang inaayos 'yung mini dress na suot ko. Eto kasi ang pinili niya, para daw mukhang teenager. Grabe, feeling ko nga nagpapaka-trying hard ako sa suot ko e.

"Oo naman. Sakto lang. 'Yung make-up mo okay na, tama lang. Perfect!"

Muli ay hinagod ko ng tingin ang sarili ko sa harap ng body mirror. Siguro nga ay okay na ito. Wala naman meet-the-parents na ganap later.

"Oh alis ka na. Baka ma-late ka pa sa date niyo ng iyong soon-to-be-hubby. Hahaha." Pangangantiyaw pa niya.

Soon to be? E crush ko pa lang naman si Kier. Tsaka hindi naman formal dating 'to. Ipapakilala lang naman niya ako sa bestfriend niya.


Pagdating ko sa resto ay nando'n na si Kier. 15 minutes pa bago mag-alasais pero nandito na agad siya.

Agad akong lumapit sa table na pinareserve niya.

"Late na ba ako? Ang alam ko 6 pm pa ang usapan natin ah." sabay tawa ko ng mahina.

"No, no. You're just in time. Actually kadarating ko lang din, mga 5 minutes ago." Nakita ko naman siyang ngumiti kaya napangiti na lang din ako. Nakakahawa kasi ang ngiti niya, 'yung parang palagi kang good vibes kahit ang dami mong problema na iniisip.

Hindi ko tuloy namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya kaya agad akong napayuko.

"You're blushing. Ang cute." Napahawak ako sa pisngi ko para lang maramdaman ko na medyo uminit ito.

Gosh! Bakit ba ako natetense? Grabe feeling ko sobrang init.

"Anyway, malapit na daw si Dem. Don't worry about her, she's kind and cool. Baka nga magkasundo pa kayo e." Sabi niya sabay inom ng tubig.

And speaking, hindi naman ako kinakabahan dahil makikilala ko 'yung bestfriend niya. Sa kanya nga ako kinakabahan e. Ewan ko ba.

Nagkwentuhan pa kami ng ilang minuto bago dumating 'yung bestfriend niya.

"Demelyn, si Jeramaine. And Jeramaine, this is Demelyn. My lovely bestfriend." Pakilala sa amin ni Kier.

Agad akong nakaipagkamay kay Demelyn at ngumiti.

"Nice meeting you." Sabi ko at agad umupo.

"Me too. Finally nakilala na din kita. Palagi ka kasing binibida nitong lalaking 'to." Sabi niya habang natatawa pa. Natawa na lang din ako sa hiya.

Ano ba 'yan, medyo kinilig ako ng very light. Bakit naman niya ako ibibida pa? Gosh, nakakaloka.

"Wait, Jera right? Have we met before? Medyo familiar ka kasi sa akin e." Tanong sa'kin ni Demelyn bago umorder.

Napaangat ako ng tingin at nagtatakang tumingin sa kanya.

"Naku hindi siguro. Ngayon lang kita nakilala e." Sagot ko at itinuloy ang pagtingin sa menu bago sinabi sa waiter 'yung napili kong order.

"You look very familiar kasi e. Hehehe. Sorry, sige pili ka lang dyan, libre naman 'yan ni Jan-jan."

Napangiti na lang ulit ako.

"Do I look like Jan-jan to you? I'm not a kid anymore Dimi." Sabi nito habang natatawa pa. Tinignan ko ang reaksyon ni Demelyn at halata sa mukha niya na hindi niya nagustuhan ang itinawag dito ni Kier.

"Gosh nakakahiya kay Jera! Oh my gosh! No. Don't call me that way. Ugh, Jera I'm sorry for Kier's behavior. Nakakainis talaga siya grabe."

Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagtawa. So ganito pala sila ka-close. Nakakatuwa silang tignan.

"No, no. It's okay. Ang cute nga e." Sabi ko habang hawak ang aking phone.

"Alin ang cute do'n? Ako or my name? Gosh don't you dare tell me 'yung name 'coz its so baduy. Hahaha, kidding." Sabay peace sign niya.

Tumawa na lang ako bilang sagot. Ang sarap panoorin ng dalawang ito, ang saya siguro ng childhood nila.


"So Jera, tell me about yourself." Panimula ni Demilyn habang kumakain kami.

"Billing Officer ako sa UCD. HRM graduate tapos nag-medical code transcriptionist, nung nakapasa ako, nag-apply agad ako." sabi ko dito habang ngumiti ng bahagya.

Kasama kasi sa alaala kong iyon si Travin. Plano namin talaga na mag-medical code transcriptionist para sa cerrificate. Pero bigo akong makasama siya sa planong iyon.

"Really? 'Yung ex ko kasi ganun din e. Nag-medical code transcriptionist din siya. HRM graduate din." Sagot niya habang nakangiti.

Sa gulat ko ay napaangat ang tingin ko sa kanya.

Bakit pakiramdam ko kilala ko ang ex niya?

"Ugh, s-saan ba nag-graduate 'y-yung ex mo?" Lakas loob kong tanong.

"Ah wait. If I'm not mistaken, sa De La Salle, sa Batangas ata."

Nabitawan ko ang tinidor na hawak ko at kasabay no'n ang isang malakas na buhos ng ulan.

Could it be... Him?

"Okay ka lang Jera?" Lingon ko kay Kier na nag-aalala.

Agad akong ngumiti ng pilit.

"Oo. Nagulat lang ako sa ulan." Sagot ko at saka kinuha ang nabitawan kong tinidor.

"Oh my. Bakit ngayon pa umulan? Di na naman siguro matutuloy ang date namin." Naiinis na sabi ni Demi.

"Date? Nino? Don't tell me 'yung ex mo?" Inis na tanong ni Kier sa bestfriend niya.

"Yes. Syempre, alam mo naman na mahal ko pa siya. Tsaka nag-cool off lang kami for some reason. Ewan ko ba, kesyo parang may kulang daw sa kanyang buhay kaya hahanapin daw muna niya 'yung missing piece sa--

Hindi niya naituloy ang sasabihin dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero iba ang tingin na ibinibigay niya sa akin. Bakit pakiramdam ko may koneksyon ako sa kanya?

"Huy Demi." Yug-yog ni Kier dito dahilan para mapukaw ang atensyon niya dito.

"U-ugh. Jan, c-can we go n-ow?"

Sa isang iglap lang ay umalis na silang dalawa sa harap ko. Nagpaalam naman siya pero halata ko nagmamadali silang umalis.




Buong biyahe ay hindi maalis sa isip ko ang reaksyon ni Demilyn nung kinukwento niya kung bakit sila nag-cool off ng ex niya.



"Oh Jera. Ang aga pa ah. Bakit nandito ka na agad?" Bati sa'kin ni Nads nang makauwi ako sa bahay.

Hindi ko na siya pinansin at dire-deretso ako sa kusina para kumuha ng tubig at saka iyon ininom.

"Girl.." agad ko siyang nilingon at saka yumuko. Halata ko sa kanya na gusto niyang malaman kung ano ang nangyari.

Sinimulan kong ikuwento lahat. Lahat-lahat.

"Wait. Kunin ko lang 'yung laptop ko. Dyan ka lang ha." Sabay tayo niya at nagpunta sa kanyang kwarto.

Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Bakit masyadong apektado ako sa ex ni Demilyn? Dahil ba parehas ni Travin ay sa La Salle din graduate 'yung ex niya? HRM graduate din at kagaya ko ay nag-medical code transcriptionist course din?

Umiling-iling ako at saka isinubsob ang mukha sa lamesa. Bakit ang hirap paniwalaan? Bakit umaasa ako na baka tama ang hinala ko?

"Oh heto, i-search natin si Demilyn. Natandaan mo ba apelyido niya?" Umiling ako bilang sagot.

Nagtipa pa din siya sa laptop niya.

"Oh-my-gee. Girl, look." Napaangat ako ng tingin at saka lumapit sa kanya para lang makita ang sinasabi niya.

Isang picture lang iyon pero libo-libong pakiramdam ang pinaramdam no'n sa'kin sa mga oras na 'to.

Si Demilyn nakangiti at katabi nito si T-ravin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Ex and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon