Chapter 2

4 0 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas mula nung nagkakilala kami ni Kier. Hindi na ulit nagkrus ang landas namin after nun. Busy na din kasi ako sa trabaho kaya hindi na siya nasasagi sa isip ko, ngayon na lang ulit.

"Ms. Jera 'yung billing daw po sa room 205 kay Ms. Macasaet." Sabi sa'kin nung staff Nurse.

Agad kong pinirint 'yung bill statement bago pirmahan.

"Pakisabi kay Ms. Macasat may pipirmahan pa siya sa philhealth requirements. May nakaligtaan kasi siyang pirmahan. Salamat."

Iniabot ko sa nurse 'yung bill statement saka bumalik sa aking table.

"Huy Jera, hindi na ba kayo nagkita ulit ni Kier?" biglang lumapit sa'kin si Nads.

At talagang nakuha pa niya akong usisain, 'no?

Umiling na lang ako bilang sagot saka ko itinuon ang aking mata sa harap ng monitor.

"Sayang naman. Bet ko pa naman siya para sa'yo." Sabay iling nito na ikina-ngiti ko naman.

Tumayo ako para ako naman ang lumapit sa table niya. Hinila ko 'yung upuan na nasa unahan ng table at itinabi sa kanya bago umupo.

"Paano naman kasi kami magkikita ulit e ni hindi nga kami nagkuhanan ng number." Sabay salong-baba ko sa lamesa niya.

Natawa naman ako nang makita ang pagtaas ng kilay niya.

"Hindi kayo nagpalitan ng contacts?!" Eksaherada pa niyang tanong.

Napasandal ako sa aking kinauupuan bago tumawa.

"Kasasabi ko lang nga e. Tsaka pa'no kami magpapalitan ng number e 'di ba nireject ko 'yung offer niya na ilibre tayo ng miryenda."

Kung bakit nga naman kasi tinanggihan ko pa.

Inirapan niya lang ako at saka nagsimulang magtipa sa keyboard. Napailing na lang ako habang bumabalik sa table ko para sana mag-umpisang mag-encode ng mga bills nang tawagin niya ako.

"Eto pala siya e. I-aadd ko ba?" Sabay ngiti ng malawak.

Lumapit agad ako at tinignan ko 'yung monitor. Saka ko lang nareaize na fb profile pala 'yun ni Kier at walang duda, siya nga.

"Paano mo siya nahanap? E ang daming Kier sa fb?" Tinignan ko ulit ang picture ni Kier at saka nag-scan ng mga post niya.

"Importante pa ba 'yun? Basta nahanap ko siya. Tsaka may mutual friend kami kaya madali kong nahanap." Napatango na lang ako habang titig na titig pa din sa picture ni Kier at sa pangalan nito.

"Jan Kier Ortilla. 'Yan pala ang pangalan mo." bulong ko sa sarili.


Kasalukuyan akong nalalakad papuntang supermarket para mag-grocery. Wala na kasi masyadong stock na goods 'yung cabinet ko sa kusina kaya dapat lamanan ko na 'yun. Hindi ko naman maasahan si Nads ngayon dahil may importante siyang lakad. If I know, makikipag-date lang siya sa nakilala niya sa Tinder.

Nasa pad section ako nang may mapansin akong pamilyar na tao. Nakatagilid kasi kaya hindi ko mamukaan kaya medyo lumapit ako. Nung makalapit ako ay pasimple akong tumabi at kunwari'y kukuha ng panty liner nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko.

"Kier?!"

Medyo nagitla siya nang makita ako dahil unti-unti akong napalingon sa hawak niya.

Napkin?!

"J-jera?!" Sinundan niya ang mata ko kung saan ito nakatingin at agad iyon binitawan.

"N-naku mali ang iniisip mo. H-hindi 'to sa'kin."

Halatang kabado siya dahil nauutal siya nang itanggi niya na hindi daw kanya 'yung napkin.

Napatawa na lang ako dahil sa reaksyon niya. Hahaha! Para siyang bata!

"Para kanino 'yan?" Hindi ko na pinigilan ang sarili ko na itanong 'yun. Halata naman na gusto niya ipaliwanag kung bakit meron siyang hawak na gano'n.

"Sa bestfriend ko. Nagpabili kasi siya nung tumawag ako na pupunta ako sa kanila. So, ayun." Nakahawak siya sa batok niya habang nag-eexplain.

Ngumiti na lang ako.

"Ang bait mo namang bestfriend. Swerte niya." Sabi ko sabay kuya ng napkin.

Kumuha na din ako para may stock ako sa bahay.

Ngumiti siya sa'kin at lumapit.

"Nakakahiya nga. Pangalawang beses mo akong nakita sa section na pambabae." Sabay tawa niya ng mahina.

Ang gwapo niyang tumawa, grabe. Kinikilig ako ng very light. Hehehe.

"Hindi naman. Okay lang." Ngumiti na lang ulit ako.

Sabay kaming umalis sa section na 'yun at pumunta sa frozen goods.

"Uhmm, Jera pwede ba akong magtanong?" Napalingon ako sakanya. Agad naman akong tumango bilang sagot.

"Can I have your number? Baka kasi malimutan ko na naman gaya nung last time na nagkakilala tayo."

Napahinto ako sa pagtingin ng mga frozen stuffs at napatingin sa kanya.

Lord, eto na po ba? Eto na ba ang sign Mo para magkaroon na ako ng lovelife?

The Ex and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon