DANIEL'S POV
Parang natauhan ako dun sa sinabi ni Kath. Kaya habang naglalakad kami papunta sa loob ng mall, heto ako, nagdadalawang isip kung itutuloy ko pa itong panliligaw ko, pero parang mabibigo lang naman ako sa huli.
Biglang nagutom si Kath, kaya kumain na kami.
Nakaupo na kami sa restaurant. a very FINE restaurant. Maganda dito, solid. Maraming Chandeliers, Mahahaba, makikintab at malalaki. At grabe, well groomed ang mga hosts dito.
"Ma'am, sir, kayo po ang napili naming bigyan ng couple watch."
Nanlaki ang mga mata ni Kath.
"We're not.. Couples."
"But we will take it." Kath. "Thankyou!"
"Kath, bat mo tinanggap? Dahil ba cute? O dahil favorite color mo ang Yellow?"
"Tinanggap mo kasi cute at color yellow."
"At kasi, ayaw kitang mapahiya." She smiled at me. Oh, that beautiful smile. Nakakamiss, sobra.
Binigay samin ang mga menu at pumipili kami ng kakainin ngayon, pero biglang nagbuzz ang phone ko, may nag-message pala sa akin.
From: Albie
Pare, alagaan mo si Kath. Malala ang Cancer nya.
THIS IS NOT HAPPENING.
To: Albie
Pare, ang biro nakakatawa, hindi nakakakaba. Tumigil ka nga dyan!
*bzzzzzzzzzt bzzzzzzt*
From: Albie
Doktor ako, i took up medicines. Nagpacheck-up sya sakin, not knowing na sya pala ang pasyente ko. Then, nagkwentuhan kami, at hindi ko na nasabi na may leukemia sya, kasi nga nagmamadali sya para sa lunch nyo. Kaya sa'yo ko nalang sinabi. Pare, alagaan mo nalang sya, wag mo nang sabihin sa kanya, baka lalo pang lumala ang sakit nya. Stage 2 na, pre. Stage two.
Hindi ako mapakali, kaya tinawagan ko sya.
*kriiiinggggggg kriiiiiiiiiiiiiiiiiinggg*
"Bro. Totoo ba yang sinasabi mo sakin?"
"Oo naman pare. Sa'yo ko to sinabi kasi alam kong may gusto ka sa panget na yun."
"Salamat ha."
"Salamat saan?"
"Sa pagtiwala sakin."
"No problem bro, totoo namang inlove ka sa pangit na yun diba?"
"Maka-pangit ka dyan, hoy, ang ganda kaya nya!"
"Sus, kaya pala nung first time nyong magkita sa school dahil nagkabanggaan kayo, pinormahan mo kaagad ha! Takot ka bang maagaw ko sya sayo? Hahaha!"
"Gung-gung ka talaga! Hahaha! Unang una hindi ako matatakot na maaagaw mo sya sakin dahil hindi mo kaya lalo na't ang ilong mo ay parang hawakan ng poso!"
"Tch, takot ka lang nyan eh, nakuha mo pang mang-asar."
"Hahaha! Sige na nga. Sige, mamaya nalang baka busy ka eh, Baka din kasi naiinip na si Kath dito."
"Osige pare. Bye."
*ttoooooooooot toooooooooot*
"Tara, kain na tayo?"
"Naubos ko na." Ang bilis kumain ng babaeng to.
"Ah, eh, kumain ka nalang ulit. Magpakataba ka, ang payat mo oh."
"Nagsalita ang mataba. Ikaw kaya kumain dyan!"
"Ah, alam ko na. Boodle fight?"
"Ano ba, nasa formal restaurant tayo tapos boo-- Ano ba!?" Hinagis ko sa kanya ang banana pie na inorder namin, punong puno sya ng cream mukha. Hahaha!
"Walang hiya ka talaga, Ugh!"
"Kaya nga sabi ko sayo kumain ka ng madami." Sinabi ko habang hinihiwa yung pizza na inorder namin. "Nang sa ganon mala-- Arouch! Ah ganon ah!"
Hindi nagtagal ang dumi dumi na namin, at hindi nagtagal pinalabas kami sa loob ng restaurant na yon. Merong freedom wall sa labas at nilagay namin ni kath
"BOODLE FIGHT IS BETTER THAN YOUR RESTAURANT!"
- - -
KATHRYN'S POV
Nakaramdam ako ng saya tuwing kasama ko sya. Ay punyeta, ang baduy. Pero totoo eh, mahal ko nga talaga sya. Mahal ko ata sya. Sya na nga siguro. Mahal ko na yata sya. Mahal ko na sya. Mahal ko sya.
Nag timezone kami. Naglaro dun sa sayaw sayaw na ewan. Lagi syang talo at lagi akong panalo. Sa sobrang payat, ang hina ng tapak nya dun sa five boxes na inaapakan to earn points. Ewan ko kung anong tawag dun.
Ako ngayon ang nag d'drive pa-uwi. Nakakapagod pero masaya. Nakatulog sya kakahintay sakin, naging alalay ko kasi sya sa shopping ko. Binaba ko si Dj mula sa car. Mabigat din pala tong patpatin na to.
"I love you." I whispered.
"So much."
-- -- -- --
DANIEL'S POV
"I love you."
"So much."
nag-kunwarian ako na tulog ako, pero hindi naman talaga. Kaya nung ibinulong ni kath ang words na "I love you" kinalibutan ako. Seryoso? Mahal nya pa ako?
Yes! Yahoo! Super saya ko! Mahal nya pa ako.
Pero ngayong may sakit sya? Ngayong may cancer sya?
Parang wala din. Masakit sa akin na ang taong mahal ko, might say goodbye, anytime.
BINABASA MO ANG
True Love | KathNiel
Fanfiction"How do you even know if you start to fall in love with someone when I, myself, haven't experienced to love and to be loved?" "Love, just like life, is a gamble. Are you ready to play it?"