Prologue.

1.8K 35 1
                                    

June 2009

First day of Freshman Year; 2 years ago

• • • • •

High School, finally!

Ang apat na taong pinakahihintay ni Aiza Sacramento. Dahil, finally, pwede na siyang magka-boyfriend. Yun kasi ang usapan nila ng magulang niya eh; kapag high school na siya, pwede na magka-boyfriend. On one condition: talunin dapat ng 'manliligaw' niya ang papa niya sa chess. (PS: Pro ang papa ni Aiza sa chess, simula six pa ito ay nagtre-training na siya.)

Alam ni Aiza na mahirap yun, pero hindi naman impossible. Lalo na at si Bench naman ang kakalaban sa papa niya.

Si Bench Vallejos, ang long-term crush ni Aiza. Kung tutuusin, hindi na basta crush o puppy love ang nararamdaman ni Aiza para sakanya eh, in love na siya dito. Sino naman ang hindi mai-in love? Gwapo, matalino, mabait, athletic, matulungin, etc. Mahaba ang listahan!

Kaya mahaba din ang pila ng babaeng nagkakandarapa sakanya. Pero wala naman siyang pinapansin kahit isa sakanila.

Pero determinado si Aiza na mapasakanya si Bench, at hindi siya susuko hanggang sa makuha niya ang gusto niya.

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=

July 2009

• • • • •

Aiza's Point Of View

"Lukaret, sigurado ka na ba? Hindi ba't parang... nakakahiya?" pang-anim na tanong sakin ni Marie, best friend ko na polar opposite ko.

Kung ako kasi, prangka akong tao at palaban. Matatag ako at malakas at determinado ako sa kung ano ang gusto ko. Pero si Marie... ibang kwento na; mahinhin siya, masyadong mabait, at napaka-tahimik. Kaya nga madaming nagttaka kung pano kami naging mag-best friends eh. Pero, ano naman ang alam namin? Basta nalang kami nag-click kasi may mga common likes din naman kami. Paki ba nila? Wala.

Nagpa-ikot ako ng mata. "Marie, ilang beses mo bang tatanungin yan? Sigurado na nga ako! Alam mo namang ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito, diba?"

Bumuntung-hininga siya. "Alam ko..." sabi niya, "pero babae ka, Aiza. Ikaw ang hinahabol, not the other way around."

Sumimangot ako. "Marie naman! What're the odds na mapansin ako ni Bench? Zero!" sambit ko. "Kaya ako nalang ang kikilos! Tsaka, isa pa, iba na panahon ngayon no. 'Di na uso ang pagiging sexist!"

"Ewan ko sa'yo, Aiza. Lukaret ka talaga," suway niya sakin pero kita ko naman na lihim na napa-ngiti siya.

Natatawang inakbayan ko siya. "Support me nalang, luka, pwede?" paki-usap ko sakanya.

Napailing siya tapos napangiti. "Matitiis ko ba naman ang best friend ko?"

Ngumiti ako ng malawak at niyakap siya. "Yay! You da best talaga!"

Tumawa siya at kinurot ako sa tagiliran kaya napatalon ako. "Oo na. Halika na nga, hanapin na natin ang Prince Charming mo!"

Ngumiti nalang ako at sumunod kay Marie. Oh, Benchy, where are you?

Lol.

-------------

"Ha?" tanong niya.

Ngumiti ako sakanya. "Sabi ko, liligawan kita!"

"Miss, seryoso ka?" paninigurado niya.

Tumango ako at ngumiti ng nakakaloko. "Oo. Bakit, sasagutin mo na ba ako?"

"Miss, nababaliw ka na," sambit niya at natawa. "Bakit mo naman ako liligawan?"

"Duh," sabi ko at nagpa-ikot ng mata, "kasi gusto kita. Ano pa nga ba?"

Natatawang napailing siya. "Ano nga pala pangalan mo?"

"Aiza," sagot ko at ngumiti. "Aiza Sacramento."

Tumikhim siya. "Okay, Aiza," sabi niya, "look: ayoko ng biro, okay? Kaya, please, itigil mo na 'to."

Sumimangot ako. "Pero... I'm serious."

Tinitigan niya ako saglit at pinakita kong seryoso nga ako. Nanlaki bigla mata niya at tumayo siya ng tuwid tapos pinadaan ng kamay ang mukha niya at tumingin sa mga kaibigan niyang naghihintay sa isang gilid, tapos balik sakin.

He sighed. "Anong trip ba 'to?"

"Hay nako," sabi ko. "Hindi ako nagbibiro! Gusto talaga kita, and liligawan kita! Anong mahirap intindihin dun?"

"Yung fact na liligawan ako ng isang babae," giit niya.

"Sexist mo naman, brad," biro ko.

Napailing siya. "Nothing like that," mahinang usal niya.

Tumawa ako. "Anyways, here," sabi ko at binigay sakanya yung three-rose bouquet with a note. "As of right now, July 14, 2009, I, Aiza Sacramento, will be your suitor, Mr. Bench Vallejos!"

Nanlaki ang mata niya at ramdam ko ang mata niyang pinanood akng lumapit kay Marie at nakipag-high five.

Saglit akong lumingon sakanya at kumindat tapos flying kiss pa, then my mega-watt smile, tapos tumalikod na ako.

I guess I'm a suitor now.

~*~*~*~*~*~*~*~*~

KathNiel story! Woot woot!

Show me some love and support!! ;)

mswannabe

The Suitor (KathNiel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon