Four.

972 26 0
                                    

Aiza's Point Of View

Umuwi kami nung Monday morning at hindi kami pumasok ng Tuesday - walang pasok for Juniors. Pumasok kami nung Wednesday pero hindi ko nakita si Bench dahil whole day silang nag-train dahil malapit na ang game nila with the Raigers. We need to win the game para makapasok kami sa Regionals. Kami din ni Marie at Johanna medyo busy na. Marie is part of the Student Council at syempre, may love life ang lukaret kaya half of her free time ay nakalaan kay kuya. Kami naman ni Johanna ay part na ng cheer squad kaya todo din ang mga efforts namin na gumawa ng mga new routines para sa game which is in two weeks.

Thursday, hindi ko padin siya nakita dahil umaga ang training nila pero may classes ako tapos nung may classes na siya ng hapon, na-excuse naman ang cheerleaders for a meeting about practice hours. I hate our schedule so much. Pero wala naman akong magagawa, cheer is my constant extra-curricular activity and it's also my passion. Kahit gusto kong makita si Bench, hindi naman pwede na mag-absent ako lalo na't ako ang may pinaka-riksy na stunt - I'm the girl on top of the pyramid.

Friday, nakita ko na si Bench - finally! We were called for a practice at andun din sa gym ang mga basket ball players at whole day pa kami dun. Buti nalang nakita ko na siya ngayon at makakasama kasi hindi ako pwedeng magstay ng matagal after classes dahil kailangan kong tapusin ang mga modules ko. 

Dios mio, susulitin ko nalang 'to!

"Aiza, sigurado ka ba na si Rogers ang sasalo sayo?" tanong sakin ni Brail - isang cheer.

Ngumiti ako at tumango. "Oo, bakit? Tsaka wala naman akong choice kasi pilay si Bruce eh," sagot ko sakanya. Si Bruce dapat ang sasalo sakin dahil mas malakas siya kay Rogers pero napilay kasi siya during his soccer practice kaya naman si Rogers nalang na second strongest sa cheersquad.

Tumango si Brail. "Sige, sabihin ko na kay Chelsea," sabi niya at lumapit na kay Chelsea na captain ng squad namin.

Siniko ako ni Johanna na nasa tabi ko, kasama kong nagi-stretch. "Sure ka ba? Hindi masyadong pro si Rogers," sabi niya sakin at nagsplit siya and reached for her toes.

I shrugged. "So? May mats naman eh. Kung mahulog ako, I won't break any bo-"

"POSITIONS, CHEER!" sigaw na ni Chels kaya agad na pumunta kami sa positions namin dahil break din ng mga players kaya nanonood sila. I smiled at Bench pero napatiim-labi siya at iritableng umiwas ng tingin. Sumimangot nalang ako. 

Our song played and we started the routine we made.

Nung malapit na ang cue ko, dahan-dahan akong nagpunta sa likod at nilapitan si Rogers at Jacob na sasalo sakin twice, tapos hahayaan nila akong akyatin yung pyramid then the girls - Chelsea and Brail - will drop me backwards and Rogers will catch me. Hopefully.

The cue started at nasa second row na yung pyramid kaya binuhat na ako nina Jacob and Rogersand they threw me up high in the air na halos mahawakan ko na yung ceiling lights and I heard gasps and shouts. I felt a moment of free-falling tapos naramdaman ko ang mga braso nina Jacob at Rogers.

They dropped me at tumayo na ako. I saw the girls forming the fourth row and I was high in the air again. Gasps and shouts were heard at boses ni Raffy at Shiloh ang pinaka-malakas.

Nung maramdaman ko na nasa mat na ako, agad akong tumakbo while other cheers danced. Unti-unti akong umakyat sa pyramid and my knees shook with nerves pero kinalma ko ang sarili ko. I reached Chels and she smiled at me. Ngumiti ako pabalik at inakyat na sila and I was on top of the pyramid. Nakita kong sakin nakatingin ang karamihan sa BB Players and they were all gaping at me.

"AIZA!" boses ni Bench yun kaya medyo nawala ang concentration at balance ko kaya naman unti-unti akong nahulog patalikod. People screamed and called my name kaya napapikit ako. 

Arms caught me at nagmulat ako and saw Rogers looking at me with shock and disbelief. Sinapo ko ang noo ko and felt my goosebumps rise at ngayon ko lang naramdaman yung kaba tsaka anxiety attack. Hinihingal na binaba niya ako at nagulat na lamang ako nung may humila sakin and I saw Bench staring at me with worry.

I smiled faintly. "Er, hi."

Nanlaki ang mata niya. "ANO? 'HI'?! Muntik ka nang mahulog tapos yan ang sasabihin mo?!" singhal niya sakin at kita ko na lahat sila nakatingin na samin at lahat sila gulat na gulat. Namumulang binalik ko ang tingin ko kay Bench.

Tumikhim ako. "Um, o-okay lang naman ako eh," sabi ko tapos bigla akong ngumisi kaya mas lalong kumunot ang noo niya. "May care ka na sakin nyan?"

Nanlaki ang mata niya at agad niya akong binitawan pero hindi padin nawawala yung ngiti sa labi ko. Umirap siya sakin pero kinindatan ko lang siya at napatiim-labi siya. Inis na huminga siya ng malalim tapos mabilis na tumalikod at padabog na bumalik sa bleachers.

Tinaasan ko ng kilay yung mga nanonood. "May artista?" pagtataray ko kaya natawa yung iba tas yung ibang BB Players naman ngumisi at bumalik na sa bleachers.

"Grabe ka, Aiza! Muntik ka ng mamatay nagawa mo pang magbiro!" natatawang sambit ni Erika kaya ngumiti ako ng malawak.

Tumango si Chelsea. "Tapos si Bench na nga yung concerned, inasa mo pa!" 

"Eh sino ba may kasalanan na nahulog si Aiza? Si Bench," singit ni Brail kaya napatango yung iba.

"Er, BTP na tayo?" aya ko.

Tumango silang lahat at back to pratice na naman kaming lahat. Nagtagpo ang tingin namin ni Bench at nakita kong tinitignan niya kung okay lang ako dahil kanina pa siya nakatingin sa legs ko. Pero wala yung 'ang sexy mo' na tingin kundi yung 'may bali kaya?' tingin. I smiled at him at sumimangot siya. Nag-thumbs up ako at tumalikod na dahil magsisimula na naman kami.

Hindi na ata natanggal yung ngiti sa labi ko buong araw.

Buong weekend, actually.

*        *        *

Ayoo. Updated na naman! Kamusta naman? 

Vote and comment please for more updates. No longer updates kasi tamad po ako.

mswannabe

The Suitor (KathNiel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon